Chapter 9-Meeting Laira's Family

467 20 19
                                    


Lira's P.O.V.

Dalawang Linggo narin simula nong magtrabaho ako bilang secretary ng hinayupak,sa dalawang linggong iyon ay hindi nya ako inihihiwalay sa kanya,gusto nya san man sya pumunta eh  nandun ako,kulang nalang pati sa pagtae isama  ako eh,sa mga nagdaang araw din na yun ay puro kalokohan ang alam nung bwiset na yun kaya puro batok o di kaya kotong rin ang inihahandog ko sa kanya.

Binuksan ko yung tablet at muling pinagmasdan ang mga schedule nya ngayong araw. Isa lang ang meeting nya,mamayang 12 noon pa,lunch meeting malamang kaya lang di ko kilala kung sino yun eh,tinanong ko sya pero sabi nya secret daw,at dahil wala akong pake eh di ko na inusisa pa.

"We're here"napairap ako ng ihinto nya ang kotse sa paborito nyang hintuan,san pa ba?sa harap mismo ng entrance ng kumpanya.

"Di ko tinatanong kasi alam ko,at nakikita ko"pag susungit ko bago maunang bumaba ng sasakyan

"You know Wife?nagiging masungit ka na lalo habang tumatagal"napapailing na aniya bago ihagis sa isang bodyguard ang susi ng sasakyan,susungitan ko na ulit sana  sya ng marinig ko nanaman ang nakaririnding bunganga ni Cus

"Good Morning Everyone!!!"tinignan ko sya ng masama at umatras pa sya kunware na nakakrus ang mga daliri

"Oh!ikaw Suplada ka talaga!"lumingon sya kay siraulo at tinuro ito,yung mukha nya parang natatae

"Oh?pfffff,bakit naka shades ka nanaman?two weeks ago nung nag shades ka may black eye ka sa kaliwat kanan ah?sinapak ka ulit ni Lai?meron ulit?bwahahahahahaha-"

"Shut up!"inis na sigaw sa kanya ni bwiset kaya trying hard sya magpigil ng tawa,lalo lang tuloy nabwiset si KENg Ena,napangisi ako ngunit muling sumeryoso

"Bakit Cus?inggit ka?gusto mo ikaw rin?"tuluyan ng nawala ang pinipigilan nyang tawa,tumikhim sya bago magsalita

"M-may pinapapirmahan nga pala si Daddy, Ken kaya maaga akong pumasok"inabot nya yung folder kay Ken

"Mauna na nga ako"paalam ko bago nauna pero nahinto ako ng hawakan ako sa braso ni Ken

"Oh?"

"W-wag mo kong iwan...sandali lang"mahina lang pero ang lakas ng impact sa akin ng sinabi nya,ewan ko basta feeling ko double meaning yun,akala nya ba tatakas ako?hello?dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa kanya at di ko na naisip pang tumakas,huminto na lang ako at tumango,tinanggal nya ang shades nya,ang arte,wala naman pala syang pasa,oo naalala ko,niyelo nya yun kanina kaya malamang mawawala yun kesa dun sa  sapak ko nung nakaraan,di nya agad naagapan

Pinirmahan nya na yun at saka ako muling hinarap,ngumiti sya ng napakalaki,di ko alam basta nahawa ako,napangiti ako sa di maipaliwanag na dahilan,dahil dun natawa sya kaya kumunot ang noo ko

"Ba't ka tumatawa?"di nya ako sinagot bagkus tumingala sya at tumalikod,lalong napakunot ang noo ko,pinagmasdan ko lang sya.

Inilabas nya ang panyo nya saka sya yumuko,parang may pinunasan sya sa magkabilang mata nya,napatagilid ang ulo ko.

Naglakad ako papunta sa harap nya,bahagya syang umatras na parang nagulat pa sa akin pero agad ding nakabawi,ngumiti sya.

"Bakit ka umiiyak?"tanong ko,sandaling nawala ang ngiti nya pero agad ding bumalik

"Hmmm?Im not"

"Bakit?"tuluyan ng nawala ang ngiti nya

"I-i dont know"yumuko sya kaya lumapit ako lalo at hinawakan sya sa magkabilang balikat,sinilip ko sya at tumutulo na nga ang luha nya

"H-hey,m-may ginawa ba ako?oh sige,sorry na sa pag sapak ko sayo kanina,ikaw kasi eh,bakit mo sinuot yung bra ko?sorry na.."natawa sya pero patuloy na tumutulo ang luha nya

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon