Chapter 25-Snobber

656 43 66
                                    

Lira's POV

ISANG LINGGO narin ang lumipas ngunit ganon parin ang pakikitungo niya sakin, Malamig.

Kakausapin ko siya, iisnobin niya ko. Magtatanong ako pero di ako papansinin. Yayayain kong kumain tapos lalayasan ako  at sa mga resto sa labas kakain.

Minsan gusto ko ng mabwiset pero naalala kong ako pala ang may kasalanan. Kung hindi ko binalak umalis hindi siya magkakaganito.

This is all my fault.

Kasalukuyan ko siyang pinagmamasdan, nakikipag usap siya sa isang babae na diko alam kung saan nagmula.

Nakangiti si Ken at animoy walang problema, pero pag ako na ang kakausap sa kanya bigla siyang sisimangot.

Tumango ang babae at lumabas na ng opisina. Tinignan ko naman ang relo ko.

"Ken, 8:28 na..." Napahinto ako ng bigla siyang tumayo, mabilis din akong sumunod sa kanya palabas ng opisina.

Meron siyang meeting ngayon.

Bahagya pa akong tumakbo at nang maabutan ko siya ay hinawakan ko siya sa braso pero napatigil ako sa paglalakad ng tabigin niya ang kamay ko.

Na parang pinandidirihan niya.

Na parang hindi ako ang asawa niya- hindi nga pala talaga ako ang asawa.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng elevator.

Sana pigilan mo ang pag sara ng pinto...

Napapikit ako ng hayaan niyang sumara ang elevator, nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood ang mga numerong nasa itaas. Bumaba na ito. Iniwanan niya ko dito. Petmalu. Petmalu ka Ken.

Napahugot ako ng malalim na hininga at pumunta muna sa cr.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Kaya mo yan Lira!

Tumango ako at mabilis na naghilamos.

Hilamos, pampawala ng kabwisitan hohoho!

Kaya ko to, konting pasensiya pa.

Konting pasensiya...

Sumunod din agad ako sa conference room at naabutan ko siyang walang ganang nakaupo sa pinakapuno ng lamesa, pinapanood ang isang lalaking nag eexplain sa harapan.

Lumapit ako sa isang upuang nasa bandang kanan at malapit sa kanya, uupo na sana ako ng mag salita siya.

"Mr. Rodrigess, paki sabi nga sa secretary ko na hindi siya pwedeng maupo dyan sa upuan na yan" Napahinto sa pagsasalita si Mr. Rodrigess at nagtatakang napatingin kay Ken. Nagkatinginan rin kami at mukhang di niya alam kung anong gagawin at sasabihin.

Ako nalang ang kusang tumayo at umikot doon naman sa may bandang kaliwa niya, uupo na muli sana ako ng magsalita ulit sya.

"Paki sabi nga ulit sa SECRETARY KO na bawal siyang umupo malapit sakin" Umakto na tila walang naririnig o nakikita ang lahat ng nasa loob ng kwartong ito.

Gusto ko sana siyang sigawan pero baka lalong lumala ang sitwasyon.

Pumunta ako sa nagiisang bakanteng upuan sa kanan, napapagitnaan ako ng dalawang may katandaan ng babae. Mukhang dito pa nakaupo si Mr. Rodrigess.
Awkward akong ngumiti at bumati sa dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon