Chapter 5-LIRA'S IDENTITY

442 25 0
                                    

Who I Am?

Lira's POV

Nakatulala ako habang nakaupo sa loob ng bus patungo ako ngayon sa manila para maghanap ng trabaho,muli kong naalala ang mga nangyari sa nakalipas na apat na buwan.

' Pauwi na ako galing sa school sa dami kong iniisip napagpasyahan kong maglakad na lang. Bwiset kasi na Cindy yun! Pinatid ako sa canteen at pinahiya pa ayun sa sobrang inis ko pinalamon ko sa kanya lahat ng makita ko sa lamesa nila.

Ending,naguidance kami at dalhin daw ang mga magulang namin bukas,di naman ako kinakabahan o natatakot kay mama,ang kinakatakutan ko lang ay yung kotong nya,masakit yun guys.

"Lira!" Nabigla ako sa sigaw ni Aling Mileng tumatakbo ito palapit sa akin kaya napakunot ang noo ko,makikipagchismisan na naman ata

"Ano ho yun Aling Mileng?" Huminto sya sa harap ko ipinatong nya ang mga kamay sa magkabilang tuhod at hinihingal na tiningala ako,nakipag fun run ata si Aling Mileng o baka nakawala nanaman yung alaga nilang si ek ek? Yung biik na mabilis tumakbo kaya laging may instant exercise si Aling Mileng?

"Ay hindi ko ho nakita yung alaga nyong si ek ek" Sagot ko agad kahit wala pa syang tinatanong, kumunot ang noo nya

"Anong s-sinasabi mo?" Naghahabol ng hiningang aniya "Hindi ho ba yun?eh ano po bang sasabihin nyo at bakit hingal na hingal kayo?"

"Y-yung nanay mo L-lira" Nanlaki ang mata ko at parang nanlamig ang buong katawan ko

"A-ano hong nangyari?" Kinakabahang tanong ko

"Umuwi ka na p-para malaman mo" Hinihingal paring aniya,wala na akong pinalampas pa na segundo at agad na tumakbo pauwi,bahala na si Aling Mileng dyan sa buhay nya.

Hinihingal akong huminto sa harap ng gate at nakita ko ang mga taong nagkakagulo sa loob ng bahay namin,agad akong nakipagsiksikan at nakita ko si mama na nakahilata habang nakaunan sa hita ni Aling Mirna,napatakip ako sa bibig ko habang nagpipigil ng luha dahan dahan akong lumapit at binuhat ang ulo nya.

"M-mama" Naiiyak nang sabi ko,dahan dahan syang dumilat at hinawakan ang pisngi ko

"S-sa d-drawer,sa ilalim ng d-drawer" Sinabi nya bago muling pumikit at dahan dahang bumagsak ang kamay,tumulo ang maiinit na likido mula sa magkabilang gilid ng mga mata ko. '

Ang sakit,ang sakit sakit,pagkatapos ng araw na yun di na ako muling umiyak,yan ang turo nya sa akin,ang wag iiyakan ang mga bagay na alam mong di mo na man uli mababalik.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng gabing iyon pero tumigil din kinabukasan.
Pagkatapos ng libing nya dalawang araw matapos nun ay naalala kong may sinabi sya.

"S-sa d-drawer,sa ilalim ng d-drawer"

' Pumunta ako sa kwarto nya at binuksan ang drawer nya,isa sa pinaka ayaw ni mama ay ang may nangengeelam ng mga gamit nya. May nakita ako sa ilalim ng drawer nyang isang sobre binuksan ko ito at may nahulog na card,credit card meron ding mensahe

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon