Kirsel's POV
"Kirsel Venisse Rodrigues, 91%", sabi ng teacher namin at iniabot sakin ang testpaper. Late niya na rin ibinigay ang result. Hays, buti na lang naipasa ko ang subject na Modern Mathematics. Ang hina ko pa naman pagdating sa Math.
"Galing mo talaga friend.", sabi ni Henzel, bestfriend ko.
"Ano ka ba? Ang mahalaga pasado. 86% ka naman eh and it's not bad.", sabi ko sa kanya.
Before anything else, ako nga pala si Kirsel Venisse Rodrigues. 16 years old. Grade 11 student sa Dalfori University. Prestigious school 'tong Dalfori. The school of rich, famous and classy students. Actually, this is not my dream school. Sadyang gusto lang ng mga magulang ko na dito ako mag-aral. Aside from we are having a good status in life, mas maraming opportunity ang makukuha dahil sa quality ng education nitong school. Hindi ako masyadong nakikipagsocialize sa mga tao dito kasi feeling ko, iba-iba ang takbo ng mga isip nila na salungat sa pag-iisip ko. Feeling ko lang naman. Bilang lang ang kaibigan ko dito sa school. Actually, isa nga lang eh. Si Henzel Ferline Martinez. Makulit, kalog, maganda at madaldal. Buti nga natitiis niya yung pagiging tahimik ko eh. Pero hindi rin naman ako totally tahimik, marunong din naman ako magsalita. Lalo na kung kinakailangan. Pagkatapos i-announce ng teacher namin yung result nung Second Preliminary Examination sa Modern Mathematics ay dinismiss niya kami agad. Wooooh! Konti na lang bakasyon na.
"Frenny punta lang akong locker may kukunin lang ako balik ako agad. Promise.", paalam ni Henzel na parang nagmamadali.
"Sige sige. Kita na lang tayo sa next subject.", sabi ko sa kanya at binigyan siya ng ngiti. Umalis na si Henzel at ako naman ay umupo muna sa isang bench kaharap ang maraming estudyante. May mga nag-uusap, may mga naglalakad, may mga kumakain. Yung iba naman ay namumukhaan ko. Syempre yung mga famous dito sa school and as usual famous din sa BOOKTALK. By the way, ang BookTalk ay isang social media site na patok ngayon at ginagamit ng halos lahat ng mga teenagers kung saan pwede kang makipagchat, magpost ng kahit ano at makipag-usap sa kahit kanino. Habang nakaupo ako, nakita ko si Jed Brix Toledo. Napakaamo ng mukha niya. Pero hindi ko siya gusto. Naaamuhan lang ako ng mukha. Oo na! Tahimik lang ako pero may tinatago din akong, alam niyo na. Tagakabilang block nga pala siya. Sikat na dancer siya dito sa Dalfori. Kinuha ko ang cellphone ko at naglog in sa BookTalk para i-stalk si Jed. Pag-open ko ng wall niya, nagulat ako sa sobrang daming followers. 10,563 followers. Akalain mo yun? Sobrang famous. Kumpara sakin na 267 followers lang. Ang masasabi ko lang ay isang malakas na SANA LAHAT!
Nakita ko rin si Ivan Dale Lim. Nagrereview sa isa pang bench. Ano ba yan? Bakit masyadong pinagpala sa mukha ang mga estudyante dito. Siya naman yung "study first" type of student. Siya yung top student dito sa school at oo, sa kanya ako tinamaan. Medyo may pagkasapiosexual kasi ako. Matagal ko ng finofollow si Ivan sa Booktalk.
Inistalk ko siya and guess what? 24,698 na yung followers niya. As in, WOW!
I also spotted Cassandra Syne Bautista na nakikipag-usap sa mga kaibigan nya. Hindi ko siya masyadong kilala. Nahahagip lang siya ng paningin ko pero hindi ko alam kung kailan at saan banda dito sa school. Balita ko kinatatakutan daw siya ng karamihan. Hindi ko pa naman siya naeencounter, I mean parang naencounter ko na siya like nakasalubong or nakatinginan lang so I don't wanna judge her. I also stalked her and she got 9,653 followers. Famous. On the other side, nakita ko si Keara Sollen Alonzo. The certified rampadora ng school. Maganda, tsaka as what I've heard mabait naman 'daw', so hindi tayo sure. Siya palagi ang pambato ng Dalfori kapag may mga pageant against the other schools. As usual, kapag maganda, famous. She has 12,234 followers sa BookTalk. While stalking Keara, nakarinig ako ng tilian at sigawan. What's with that noise?
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mistero / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...