CHAPTER 12 (PATRICK'S HOUSE)

78 16 2
                                    

Kirsel's POV

Tatlong araw ang lumipas at walang nagaganap na Poll. Finals week ngayon at hindi ako makapagfocus sa pagrereview. Nauna na naming i-take yung Philosopy at Oral Communication at halos mapiga ang utak ko. Sana pumasa man lang. Nasa mushroom-like na upuan ako ngayon. Yung may bubong tapos may upuan na paikot. Kasama ang bestfriend kong si Henzel.

"Feeling ko frenny, bagsak ako sa mga naunang subject. Hays!", sabi niya at isinubsob ang mukha sa libro.

"Baka akala mo ikaw lang. Pare-pareho tayong lutang dito.", sabi ko sa kanya.

"Bakit ba kasi nangyayayari sa atin ang mga ganitong bagay?", sabi niya at kitang kita ang inis sa mukha.

"Hindi naman natin ginusto 'to.", sabi ko.

"Pwede pa-join.", sabi ng tinig ng isang lalaki sa likod. Paglingon ko si James pala.

"Sige upo ka dito.", tugon naman ni Henzel.

"Thank you. Anong next subject na iti-take niyo?", tanong ni James. Habang umuupo. May dala rin siyang aklat.

"Modern Math. Madugo!", wika ni Henzel.

"Naku madugo nga. Hindi ko kayo matutulungan diyan.", sabi ni James. Pansin kong di pala ako nagsasalita. Sila lang ang nagbabatuhan ng usapan.

"Hoy frenny uso mag-ambag sa usapan.", sabi ni Henzel at tinapik ako.

"Ano naman sasabihin ko?", wika ko.

"Alam mo, masyado mong pinapanis ang laway mo diyan sa bibig mo. Mag-ingay ka nga kahit minsan. Alam mo ba na may purpose yang laway mo?", dada ni Henzel.

"Purpose?", inosente kong tanong.

"Magaling ka magspoken poetry right?", sabi ni Henzel.

"Oh totoo? Sample nga.", dagdag pa ni James.

"Hala hindi. Saan mo naman napulot yang kwento na yan Henzel?", nakakunot-noo kong tanong.

"Bestfriend kita malamang alam ko lahat. Pinakialaman ko yang cellphone mo.", sabi niya. Shemay rice! Ayaw na ayaw ko pa namang ipapanood kahit kanino yung mga video kong nagso-spoken poetry. Nakakahiya. Kahit bestfriend ko siya, oo nakakahiya!

"Bwiset ka talaga. Ayoko bahala kayo diyan.", sabi ko at itinuon ang atensyon sa libro.

"Ano ba yan? Ang damot.", sabi ni Henzel.

"Oo nga. May talent naman pala. Alam mo yung mga talent shino-showcase yan.", sabi pa ni James.

"Naku, dami niyong alam. Magreview na lang kayo.", sabi ko sa dalawa.

"Hello mga bakla!", bungad samin ni Rex. Kasama niya si Kate.

"Bakla ka, ikaw lang ang bakla dito.", sabi ni Henzel.

"Ay oo nga pala. Sorry naman. Ano nga pala ginagawa niyo?", tanong ni Rex at umupo na silang dalawa ni Kate.

"Malamang sa malamang, may mga aklat may mga notes. Baka nagtotong-its kami.", pambabara ni Henzel. Ayan, magaling din diyan ang bestfriend ko. Sa pambabara.

"Attitude ka ghorl?", sabi ni Rex.

"Hindi biro lang, nagrereview malamang. Kayo ba tapos na ba exam niyo?", tanong ni Henzel.

"Oo bukas ulit. Wala na kaming nakasched.", wika naman ni Rex.

"Ah pupunta ba kayo mamaya?", tanong ni Kate.

"Saan naman?", tanong ni James sa tanong ni Kate. Oh diba ang galing nagtanungan lang sila.

"Sa bahay nila Patrick. Ang balita ko may padasal daw. Katatapos lang ata ma-cremate nung isang araw.", sabi ni Kate.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon