Julie's POV
Natapos na rin ang finals week sa wakas. Isang linggo na lang bakasyon na at isang linggo na lang din haharapin na namin ng maayos ang laro. We will not gonna let this game wins, we will beat the game.
Nasa bintana ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako nakatingin. Medyo lutang din isip ko. Ilang saglit lang ay may napansin akong isang lalaking may pilit na inilalagay sa flower vase namin. AHA! Ikaw pala 'tong nag-iiwan ng mga letters. Buong akala ko si Peter, hindi pala. Tumakbo ako palabas ng bahay habang hinay-hinay na lumalapit sa kanya. Nakatalikod siya habang busy sa paglalagay ng letter.
"Hmmmm," sabi ko ng malakas. Agad siyang napatingin sa akin. Gulat ang kanyang mukha na akala mo nakakita ng engkanto.
"Ikaw pala," sabi ko sa kanya habang nakapamewang.
"Miss Julie.", sabi niya at biglang tumayo. Tameme lang siya habang nakayuko.
"Pangalan?", tanong ko sa kanya.
"Aizen.", sabi niya habang nakayuko pa rin.
"Ah Aizen pala.", sabi ko at tinitigan lang siya. Natatawa ako sa mukha niya. Nanginginig na ewan. Pero in fairness, cute siya. "Pang-ilang letter na 'yan?", tanong ko.
"13?", sabi niya na medyo hindi sure.
"Miss Julie," dagdag niya.
"What?", tanong ko.
"Hindi talaga galing sakin ang nga letters.", wika niya at itinaas ang mukha at tumingin sakin. Hmmm. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. He looks so innocent.
"Weeh? Parang ikaw eh.", sabi ko. Sarap lokohin ng batang ito. Parang he is two years younger than me.
"Hindi po. Napag-utusan lang po ako. Ayaw niya pong sabihin kung sino siya.", sabi niya habang nanginginig.
"Akin na nga ang letter.", wika ko at iniabot niya sakin ito. Inopen ko ang envelope at binasa ang letter.
'Everyday I'm crushing Julie,
p.s. kasi nakalimutan ko na kung ilang araw na kitang crush pero;Every single day and every tick-tock of the clock, I always wish that you'll notice me.'
Sino kaya 'to? Hmmmm.
"Aalis ka na ba?", tanong ko kay Aizen. Tumango lamang siya bilang sagot.
"Pasabi naman sa nagpapadala nito, salamat. Appreciated.", pagrequest ko at agad na siyang umalis. Tumalikod na ako upang bumalik papasok ng bahay ngunit may napansin akong isang note sa pinto.
'Eyes are powerful,
Stop being a fool,
Lower is for killer,
Higher is your power.'Medyo tricky yung riddle. Hindi masyadong mataas ang analytical thinking ko. But then again, I can use it to reveal the killer. Sino nga ba ang mga killers? Sakit sa ulo.
Ang linggong ito ay isang paghahanda para sa amin kasi wala naman kaming masyadong gagawin na. Yung about sa grades kasi namin, parents na ang mag-aasikaso. And this last week ay gaganapin din yung huling program ng school. Yung Academic Year-End Party. May magaganap na pageants, battle of the bands and face of the night at kinuha na naman ako para mag-intermission ng isang kanta. Nirerelax ko muna yung lalamunan ko para maging maayos yung performance ko para sa program.
Nung medyo maghahapon na, I decided na magjogging para na rin sa paghahanda ko sa pagkanta. Nakakatulong din kasi ito upang mas maimprove yung boses ko. Nagsuot ako ng sports bra, leggings, rubber shoes at syempre hindi mawawala ang earphones. It is relaxing kapag may music habang nagjojogging. And mas maganda magjogging kapag gabi and I think it is the best time for jogging. Mayroong park kasi dito sa loob ng village namin at marami din ang nagjojogging. 30 minutes later, someone calls me.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...