Kirsel's POV
And this is it! Buti na lang hindi pa rin inilabas ang fourth poll habang hinihintay naming matapos ang pasukan. Thankful ako kahit papaano, dahil sa kabila ng lahat ng nangyayari mataas pa rin ang grades ko. Bonus pa kasi napasama ako sa 'School's Top 20 Bright Students'. I ranked 19th among thousands of students of Dalfori University. And as usual, si Ivan pa rin ang nasa Top 1. He's unbeatable. Now, I am preparing my things because we're heading tomorrow to Marjon's abandoned resort to play the game. Ito na ang simula. Ang simula ng isang madugong laro. Utak, lakas ng loob at tapang lang ang magiging sandata namin. Kakayanin ko 'to. Kaya ko 'to. I will win this game. No, we'll win this game. We'll win this game together.
Pagkatapos kong ibalot ang lahat ng mga gamit ko ay lumabas muna ako at tumungo sa kwarto nila Mommy at Daddy.
"Mom, Dad," pagtawag ko sa kanila sabay katok sa pinto. Binuksan ni Daddy ang pinto at halata ang pagtataka sa mukha. 12 midnight na kasi and it is very unusual na tawagin sila sa ganitong oras. Pumasok ako sa kwarto nila at humiga sa kama nila. Nasa gitna nila akong dalawa.
"Mom, Dad, I'm gonna miss you.", sabi ko sa kanila na may halong lungkot. Hindi ko rin kasi alam kung makakabalik pa ko ng buhay. So it is my kind of saying goodbye.
"Baby, we feel the same. Don't be sad. It was just a workshop at siguradong pagbalik mo dito marami kang natutunan.", sabi ni Mommy. Yun ang buong akala nila. Ang ginawa kasi naming palusot ay aattend kami ng workshop for acting, singing and dancing. Gumawa kami ng fake letter para kumbinsihin ang mga parents namin tsaka ang nilagay naming end ng date ay tentative lang. So there is no exact date kung kailan kami babalik. I feel bad but we need to do it. Not just for my life but for the lives of 16 remaining players.
"I know Mom. Pero medyo matagal din kasi 'yun. Sobrang mamimiss ko kayo. Mag-iingat kayo palagi ah. I love you so much.", sabi ko sa kanila at niyakap silang dalawa ng mahigpit.
"Para namang hindi ka na babalik sa mga sinasabi mo anak. We love you too anak. Ingat ka din dun ah. Good luck.", sabi ni Daddy. Lumabas na ako ng kwarto nila. Pagkasara ko ng pinto ay ramdam ko ng nagsisibagsakan ang aking mga luha. Sobrang bigat sa pakiramdam. Pinunasan ko agad ang aking mga luha at sunod akong pumasok sa kwarto ni Kiro. Pinihit ko ang doorknob at hindi naman ito nakalock. Tulog na kasi siya kaya kusa na lang akong pumasok. Humiga ako sa tabi niya. Pinagmasdan siya habang natutulog. I'm gonna miss my little angel. Binigyan ko siya ng halik sa noo at dahil dun ay medyo naalimpungatan siya at nagising.
"Why are you here ate?", tanong niya.
"Maggogoodbye lang si ate. Kasi may pupuntahan ako bukas at saka medyo matagal pa ang uwi ko. Sobrang tagal.", sabi ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?", tanong niya ulit.
"Sa malayo eh. Basta ito lang lagi mong tatandaan, love na love ka ni ate ha.", sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you too ate.", tugon niya. Ang sakit sa loob. Walang kasiguraduhan kung masisilayan ko pa ba silang muli, mayayakap at mahahagkan. I will win the game for them. Bumalik na ako sa kwarto at pinilit na makatulog.
Nag-open muna ako ng BookTalk account upang silipin ang groupchat. Pagbukas ko nito ay nag-uusap pa rin sila.
---
(SURVIVORS)
ACTIVEIvan: You have to ready yourselves for tomorrow guys.
Jia: Woooh! Di ako makatulog.
Rex: Same here.
Marjon: Hoy! Matulog na kayo! Make sure niyo na walang malelate bukas. Sobrang haba ng magiging biyahe natin.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...