Kirsel's POV
Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan kong masayang nag-uusap sila Mommy, Daddy at Kiro. Sobrang saya nila. Sana hindi mawala yung mga ngiti nila kung sakali mang mawala na ako.
"Nandito na pala baby girl namin.", sabi ni Daddy. Lumapit ako sa kanila at tumabi.
"How's school?", tanong ni Mommy.
"Okay lang naman po.", matamlay kong sagot.
"Bakit parang wala kang gana? May sakit ba ka?", tanong nila at idinampi pa yung palad nila sa leeg ko upang malaman kung mainit ba ko o hindi. Wala naman akong sakit. Nanghihina lang ako. Natatakot. Ayoko pa silang iwan. Gusto ko pa silang makasama gaya ng kagustuhan nilang makasama ako.
"Akyat muna po ako sa taas. Tsaka tapos na rin po ako kumain. Dumaan po ako ng mall kanina. Doon na po ako kumain.", sabi ko sa kanila.
"Sige anak.", sabi ni Daddy. Binigyan ko sila ng mahigpit na yakap at matamis na mga halik. Feeling ko tuloy mamamaalam na ko. Umakyat na ko papuntang kwarto at agad na nagbihis. Inopen ko agad ang BookTalk account ko para tingnan kung ano ang mga update. Mas bumilis ang tibok ng puso ko kumpara ng una. Naglabas na ng second poll.
---
(Game of Survival)
ActiveAnonymous666 created a poll.
SECOND POLL
WHO DO YOU WANT TO PLAY FOR CHALLENGE 2?
(2 NAMES THAT'LL GET THE HIGHEST VOTES WILL BE THE PLAYERS FOR THIS CHALLENGE)🔘 Cassandra
🔘 Henzel
🔘 Ivan
🔘 James
🔘 Jed
🔘 Jialyn
🔘 Joshua
🔘 Julie
🔘 JV
🔘 Kate
🔘 Keara
🔘 Kendrick
🔘 Kirsel
🔘 Layca
🔘 Marjon
🔘 Patricia
🔘 Patrick
🔘 Rex(Put a check to vote.)
Anonymous666: TO THOSE WHO'LL NOT VOTE WILL FACE A CONSEQUENCE. MY WORDS ARE MY WORDS. VOTING LINE STARTS NOW. RESULTS WILL BE RELEASED AFTER A WHILE.
---
Ngayon 18 na lang kami. Hindi ko alam kung sino ang lalagyan ko ng check. Ayoko maglagay. Kasi parang pinatay ko na rin sila kapag naglagay ako. Pero bawal, kasi ako naman ang mapapahamak. Ayoko pa, di pa ko ready.
Nablangko ang utak ko kung sino ang iboboto ko sa poll. Alam kong may kasalanan sakin si Cassandra, pero hindi naman sapat yun para ilagay ko siya sa laro. Lalong lalo na si Henzel. Hindi ko pwedeng ilagay sa panganib ang bestfriend ko. Si Ivan? Di ko alam. Si James naman. Mabait siya. Di niya deserve ang malagay sa kapahamakan. Medyo natagalan ako kakaisip kung sino ang iboboto ko. Sobrang hirap. Sobrang sakit sa dibdib. Nanginginig na ako habang patuloy na pinag-iisipan kung sino ang iboboto ko. Buo na desisyon ko. Si Patrick. Hindi ko siya kilala. Pero alam kong kakayanin niya ang laro. Mas kakayanin ng lalaki 'to. Sorry Patrick. Sorry.
Rex's POV
Nakakakaba. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Feeling ko oras ko na. Feeling ko maya maya matitigok na ko. Ngayon nagdedesisyon pa rin ako kung sino ang iboboto ko. Hindi pwedeng basta bastahin ko na lang ang pagboto. Buhay ang nakataya dito. Hindi teks, hindi pera, hindi jolens, hindi pogs, hindi goma, kundi buhay! Oo, life! Gabayan sana yung iboboto ko. Pinindot ko ang pangalan ni Cassandra habang nanginginig. Siguro parusa ko muna 'to sa kanya kasi napakamaldita niya. Ewan ko ba. Kung anong ikinabait ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto, yun din ang ikinaitim ng budhi nitong Cassandra Bautista. Pero nakakakaba pa rin talaga. Nakakawala ng ganda. Hindi ko na inoff yung data ko gaya nga ng payo ni Ivan. Pumunta muna ako sa C.R. habang hinihintay ang resulta ng poll. Naghilamos muna ako at tinitigan ang mukha ko sa salamin. Ang ganda mo talaga girl? Hays, feeling ko nawala yung genuine na ako. Ngayon pinipilit ko na lang na maging masaya. Maging masaya kunwari. Saya-sayahan. Bakit ba kasi ako nagcomment comment sa post na 'yun eh? Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay tila may dumaan sa aking likuran. Di ko totally nakita. Lumingon ako upang tingnan ang aking nasa likuran.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...