Kirsel's POV
17 na lang kami. Unti-unti na kaming nababawasan. Dalawang linggo na lang at magbabakasyon na. Mahirap maglaro habang may pasok kasi hindi mo alam kung saan ka aabutin ng laro. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Nakahiga pa rin ako sa kama habang tinititigan ang kisame. Sa bawat oras na iniisip ko na nasa laro kami, hindi ko mapigilang maawa sa sarili ko at mga kasamahan ko. We are innocent and we don't deserve to be here. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Notif sa BookTalk pala. Inopen ko agad ang message specifically ang groupchat namin. May message pala si Ivan.
---
(Game of Survival)
ActiveIvan: Guys? Hindi ba kayo busy?
Hindi naman po. :Kirsel
Joshua: Bakit nga pala?
Ivan: Kailangan natin magkita.
Jialyn: Mas maigi nga. May ipapakita din ako sa inyo. Sana makatulong.
Ivan: Kung ano man 'yan. One thing for sure makakatulog yan.
Jialyn: Salamat.
Ivan: You're always welcome. Kita na lang tayo sa Lissandro's Park. Around 5:00 p.m. guys. Alam ko namang pupunta kayong lahat and I hope na pumunta kayo because this is for the sake and safety of everyone.
---
Mas sobra akong humahanga kay Ivan. Hindi lang siya matalino, he's a good leader. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hay, sobra na ata akong tinatamaan kay Ivan. Pero sino nga ba naman ako? Si Kirsel lang ako, si Ivan yun. Langit siya, lupa ako. Mahirap siyang abutin at sobrang malabong magustuhan niya ako. Hays, nakakalungkot lang. Yan pa talaga iniisip ko kahit nasa bingit na kami ng kamatayan.
Nakarinig ako ng kalampag sa cabinet ko kaya agad akong napabangon at napatingin doon. Napansin kong nakabukas na ang pinto ng kwarto ko at medyo nakabukas ng konti ang kabinet. Nararamdaman kong may kakaibang nilalang ang pumasok sa cabinet ko. Bigla akong kinabahan sa mga nangyayari. Nagsisimula na ba ang laro? Kaya agad kong sinilip ang groupchat namin pero wala namang poll at wala pa rin namang challenge. Dahan dahan akong bumangon at naglakad papuntang kabinet kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nang makalapit na ako sa kabinet ay nanginginig pa ang kamay ko sa paghawak nito. Medyo malaki ang cabinet ko at medyo creepy. Lakas-loob kong binuksan ng dahan dahan ang kabinet kahit sa loob loob ko ay takot na takot na ako. Pagkabukas ko ng kabinet ay halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang gulat.
"HUWAAHHHHHHHH!!!", panggugulat ni Kiro sa akin.
"AYY! ANAK NG TIPAKLONG NA MAY BANGS!", sigaw ko sa sobrang gulat. Bwiset na bata 'to. Papatayin pa ata ako sa kaba.
"HAHAHAHAHA, you're so ugly when you're gulat.", sabi niya at humalakhak ng malakas.
"Nakakatawa yun Kiro? Ha? Nakakatawa yun?", inis kong tanong sa kanya.
"Yes! HAHAHAHA! Sobrang nakakatawa!", at namilipit ulit sa kakatawa. Minsan talaga ang lakas din ng tama nitong bata na 'to eh.
"Ano ba ginagawa mo dito? Bukod sa gulatin ako?", tanong ko sa kanya.
"Someone is looking for you. You have your visitor. Is he your boyfriend? He's a handsome guy but I bet, I am more handsome than him.", sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...