Kirsel's POV
Nauna na kong pumunta ng Bench 4. Medyo mahangin dito. Ang sarap sa feeling. Kahit papaano nababawasan yung bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sooner or later pwede na ko mawala. Habang nakaupo ako ay may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Tapangan mo lang loob mo. Malalampasan natin 'to.", sabi ng isang tinig mula sa aking likod. Lumingon ako upang malaman kung sino ang nagsalita, si James pala. Umupo muna siya sa tabi ko habang hinihintay namin ang iba. Medyo naiilang ako kasi di ko naman siya ganun kaclose.
"Grabe 'no? Akala natin sa mga movies lang nangyayari ang mga ganito.", sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Natatakot ako.", wika ko habang nakayuko. Napatingin siya sakin na tila ramdam niya ang aking sinasabi.
"Naiintindihan kita. Nakakatakot talaga. Isang malaking bangungot 'to. Anytime soon, isa sa atin ang pwedeng mawala ulit. Pero isa 'tong laro. May chance na mananalo tayo.", sabi niya at binigyan ako ng ngiti.
"May chance din na pwede tayong matalo. This is not a typical or ordinary game. Buhay ang pustahan dito.", sabi ko sa kanya.
"That thing will kill you.", sabi niya.
"Huh. Ano?", tanong ko kasi medyo naguluhan ako sa sinabi niya.
"Negativities. Isipin mo yung mga taong mahal mo sa buhay. Papayag ka ba na iiwan mo na lang sila agad? Papayag ka ba na magiging malungkot sila dahil sayo?", tanong niya sakin. Medyo nagising ang diwa ko sa mga sinabi niya. May point nga siya. Hindi dapat ako pwedeng kainin ng negativities. Hindi dapat ako magpatalo. Medyo tumahimik ng saglit dahil di na ko sumagot. Maya-maya ay may dumating na isang lalaki, may dala siyang paper bag.
"Hi. Players din ba kayo? That 'Game of Survival' thingy", tanong niya samin sa seryoso na tono.
"Ah oo pre. James nga pala, siya naman si Kirsel.", nakipagkamay kami sa kanya.
"Joshua, anyway. Wala pa pala ang iba. By the way, you want some?", alok niya samin ng dala niyang chips.
"Thank you pero busog pa po.", sabi ko sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas ay may dumating na dalawa.
"Kirsel right?", tanong ng isa.
"James?", turo niya naman kay James.
"At Joshua!", sabi niya at tumango na lamang si Joshua.
"Namukhaan ko kayo sa mga profile pictures niyo. Anyway, Rex nga pala. Ang pinakamaganda sa buong Dalfori University. Siya naman si Kate, di siya maganda, ako lang.", sabi niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Buti pa siya kahit nasa hindi magandang sitwasyon kami nagagawa niya pa ring magbiro.
"Nice meeting you.", bati ni James sa kanila. Saglit na minuto lang ay may dalawa pang lalaki ang dumating. Medyo namumukhaan ko yung isa. Si Jed. Grabe! I really can't believe na makakasama ko yung mga big names sa Dalfori, sad thing is sa ganitong sitwasyon nga lang.
"Kayo pa lang?", bungad ni Jed samin.
"Obvious ba 'te? Charot. Kalma huwag mahigh blood agad.", sagot ni Rex.
"Tsss.", tugon naman ni Jed na medyo nabadtrip pa.
"Jed nga pala.", pakilala niya at isa-isa kaming kinamayan.
"Tsaka si JV nga pala. Pinsan ko.", sabay turo kay JV.
"Yow mga people. Ready na kayo mamatay? Hahaha biro lang.", sabi ni JV. Mukha siyang kulang-kulang umakto. Hahaha ang judgmental ko.
"Hmmm, I think I know you.", turo sakin ni JV. Medyo namumukhaan ko rin 'tong lalaking 'to.
"Ahh ikaw yung babaeng nasa guidance office. Suki ka din don?", tanong niya. Slightly, nabadtrip ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman tuloy. Na-guidance ako ng wala naman akong ginawang kasalanan. Bwiset!
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...