Kirsel's POV
Gumising ako ng may magaan na kalooban dahil nagawa naming malampasan ang challenge ng walang namamatay. Bigla nagring ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng aking kama upang tingnan kung ano ito. Si Mommy pala nagvivideo call. Agad ko itong sinagot dahil sabik na sabik na rin akong kausapin sila.
"Hi Mom, I miss you.", pagbati ko sa kanya.
"Miss ka na rin namin dito anak. How's your workshop?", tanong niya. I feel sorry to myself.
"Okay lang naman po Mommy. Medyo madami na po akong natutunan.", sabi ko sa kanya.
"Basta mag-ingat ka lang diyan palagi ha.", sabi ni Mommy. Gustong-gusto ko siya yakapin pero hindi ko magawa.
"Asan pala si Kiro at Daddy?", tanong ko.
"Si Kiro, sumama sa Tito mo. Ang daddy mo naman maagang umalis papuntang work.", sabi ni Mommy.
"Aws, just tell them I really miss them so much. Maghihilamos na po ako Mommy.", wika ko.
"Sige anak. Mag-iingat ka diyan ha.", sabi niya.
"Sure Mom. I love you. Bye na.", paalam ko.
"I love you too anak. Bye.", sabi niya at inend ang call. Pumunta na ako sa C.R. at naghilamos. Nag-ayos muna ako ng konti at saka lumabas ng kwarto. Dinaanan ko muna si Henzel habang bitbit ang isang dilaw na kahon. Aayain ko siya para sabay na kaming magkape. We have to celebrate something at minsan lang namin maranasan yung ganitong moment since magkalayo ang bahay namin. Bukod sa magkalayo bahay namin, hindi pa talaga ako nakakapunta. Anyway, pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to.
"Frenny, gising!", sabi ko habang kumakatok. Binuksan naman agad ni Henzel ang pinto at bumungad ang mukha niyang magulo-gulo pa ang buhok. Mukha siyang multo.
"Ang aga mo naman Frenny. Inaantok pa ko eh.", sabi niya ng nakasimangot.
"Hahaha anong maaga? Eh mag-aalas-otso na. Kumilos ka na dyan. At magkakape tayo sa tabing-dagat.", sabi ko sa kanya.
"Ay gusto ko yan. Wait anu yan?", tanong niya nang mapansin niya ang bitbit kong kahon.
"Ahh wala 'to. Ibibigay ko 'to sa espesyal na tao. Tsaka ang dami mong tanong bilisan mo na nga.", pagmamadali ko sa kanya.
"Eto na kikilos na ko.", sabi niya at mabilis na naghilamos at nagpalit ng damit. Dumaan muna kami sa isang building upang magtimpla ng kape at saka dumiretso sa tabing-dagat. Hindi naman ganun kainit ang panahon.
"Grabe yung ganitong feeling. Nakakagaan. Coffee plus bestfriend plus tabing-dagat is best feeling.", sabi ko at napatingin ako sa kanya habang nakangiti. Binigyan niya rin ako ng ngiti.
"Best feeling talaga.", sabi niya. Pansin ko din naman sa mata niya ang saya habang nakatanaw siya sa malayo.
"Do you remember something?", tanong ko sa kanya.
"Something what?", nagtataka niyang tanong.
"Hayss, this is actually for you.", sabi ko sabay abot ng dilaw na box.
"Ano 'to?", tanong niya.
"Open it.", sabi ko sa kanya. Tinanggal niya ang unang takip at bumungad sa kanya ang 'HAPPY 1 YEAR OF FRIEDSHIP FRENNY'. Actually, explosion box talaga yung binigay ko sa kanya. Nandun ang iba't ibang pictures namin, mga messages ko sa kanya at sa gitna ay isang kwintas.
"Thank you so much frenny.", sabi niya sabay yakap sakin.
"Happy 1 year of friendship.", bati niya pa sakin.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...