CHAPTER 14 (THE PARTY)

103 12 3
                                    

Kirsel's POV

Pagkatapos ko umihi ay bumalik na ako sa table. Medyo badtrip pa ako dahil sa ginawa ni Kendrick. Ang feeling feeling niya. Oo, alam ko naman di ako kagandahan, totoo naman. Inaamin ko naman. Pero huwag naman sanang ipamukha.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang program.

"Good Evening Dalforians.", bati ng masters of ceremony.

"Good evening.", sigaw ng lahat.

"Are you ready to witness the candidates for Miss Dalfori 20XX?", tanong ng lalaking MC. Nagsigawan naman ang mga estudyante. Halata sa kanilang mga mukha na excited na sila.

"Your long wait is over. Dalforians, give your full support to your prides. Everyone, please welcome the 16 candidates who are aiming for the crown and the title for Miss Dalfori 20XX. Give them your loudest support.", sabi ng MC at nagsimula ng tumugtog ng malakas at isa-isa ng pumasok ang mga candidates. Grabe ang sesexy. Sobrang ang gaganda pa.

Kanya-kanyang cheer ang mga audience ng kani-kanilang pambato. Natapos ng rumampa sina Candidate No. 1 hanggang 14. Walang sayang grabe. Medyo lumalakas na sigawan ng mga tao dahil susunod ng rarampa si Keara, ang reyna ng pageantry.

"Candidate No. 15," sabi ni MC. Napanganga ako sa unang pasok pa lang ni Keara. OMG! Natotomboy na ata ako. Para siyang dyosa. Ang perfect ng katawan niya. Napakaflawless. Nakamamatay ang kanyang mga tingin. Parang anytime, pwede kang mahypnotize.

Nang makarating na siya sa mic ay biglang natahimik ang lahat. Abang na abang sila kay Keara.

"Keara Sollen Alonzo, 16. Proud representing, Grade 11-Stem Block 1.", pakilala ni Keara. Perfect!

Nagsigawan ulit ang mga estudyante. Ang dami niyang fans grabe. Pag-exit niya galing sa stage ay nagulat kami sa Candidate No. 16.

"Cassandra?", halos sabay naming tanong ng mga kasamahan ko sa table. Yes, we cannot deny na maganda si Cassandra but being a candidate in a pageant is being a role model and I think she don't deserve the stage. Sabagay kung magaling siyang makipagplastikan sa mga tao, wala talaga magagawa. Marami din ang nagchecheer kay Cassandra.

"Cassandra Syne Bautista, 16. Beautifully representing, GAS Block 1.", sabi ni Cassandra at binigyan ng magandang ngiti ang mga tao. Pagkatapos niyang umexit ay pumasok ulit lahat ng candidates at nagfarewell ulit. Diba ang gulo?

"Ang gaganda nilang lahat no.", sabi ko sa kanila.

"Isa lang naman maganda eh.", sabi ni James habang nakatitig sa akin. Nakakakaba naman 'tong tumingin si James parang mangangain.

"Pero para sa akin nilamon ni Keara ang stage.", sabi ni Rex.

"Oo nga grabe. Pero bet ko din sina Candidate No. 4 and 7.", dagdag pa ni Kate.

"We already witnessed our beautiful candidates. Now, let's have a special number from Ms. Julie Ann Baranda.", wika ng MC. Again, puro hiyawan at sigawan ulit ang mga tao. Famous kasi talaga si Julie. Bukod sa maganda na, magaling pa kumanta.

"Good evening Dalforians. I hope y'all like it.", sabi ni Julie at nagsimula na ang sonata.

Grabe 'Before It Sinks In' ang kakantahin niya by Moira Dela Tore. Sobrang sakit ng kantang 'to. I never experience break up but this song breaks many hearts into pieces. Nang nagsimula ng ibuka ni Julie ang kanyang bibig. Sobrang lamig. I can really feel every notes flowing into my veins.

'Suspended in the air
I hear myself breathing
Hanging by a thread
My heart is barely beating

I haven't fallen yet
But I feel it comin'
Tell me would it be too much to ask
If you break it to me gently'.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon