CHAPTER 2

176 17 10
                                    

Kirsel's POV

Pag-uwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto. Ang sama talaga ng araw ko ngayon. Ikaw ba naman pagbintangan ng bagay na hindi mo naman ginawa.

"Ate kakain na daw sabi ni Mommy.", sigaw ng kapatid ko habang kumakatok sa pinto.

"Pasabi Kiro, kumain na ako sa labas bago umuwi.", pero yung totoo niyan wala talaga akong gana.

"Okay, but don't forget my goodnight kiss.", paalala niya. Hays talaga 'tong batang 'to. Napakasister's boy.

"Sure. Baby", sabi ko kahit tinatamad na ko lumabas ng kwarto. Kinuha ko yung phone ko tsaka dumapa sa kama. Tinatamad akong kumilos. Naglog in na lang ako sa BookTalk.
Hays kahit naman pala maglog in ako dito boring pa rin. Wala man lang nagchachat, walang man lang may pake sa mga picture ko. Am I not enough? Pangit ba 'ko? Kapalit palit ba ko? Then why? Charot. Pagbukas ko ng account ko ay may isang message sa inbox. Expect what is expected. Malamang yung bestfriend ko.

----

HENZEL FERLINE MARTINEZ

HENZEL: Okay ka lang frenny? :( I feel sad for you.

----

Hays. Si Henzel na lang talaga nasasandalan ko sa school.

----

HENZEL FERLINE MARTINEZ

I'm good na frenny. Salamat sa :ME concern. Thanks you dahil palagi kang nandyan para sakin.

----

Nagscroll-scroll muna ako sa feed. Sobrang boring. Yung post ko kanina na; 'What a bad day :(', wala man lang nagreact. Wala man lang nagcomment. Anu ba yan? Wala man lang ka-thrill thrill 'tong BookTalk account ko na 'to. Napatingin ako nang biglang may lumabas na 1 sa notification ko. Aba himala ba 'to? Hahaha sino naman kayang naligaw sa notification ko? Pagtingin ko ay 'Anonymous666 followed you' daw sabi. Inistalk ko siya and the weird thing is hindi ko maopen ang wall niya. So hinayaan ko na lang. Di ko na lang din finollowback kasi di ko din naman kilala. Nagpatuloy na lang ako sa pagscroll sa feed ko. Nakita ko yung mga updated posts na mga pictures ng mga famous personalities sa school. Well, sikat na private school paaralan namin. Kaya marami din sikat na tao. Nakita ko na naman updated status ni Ivan.

----

IVAN DALE LIM shared his thought. Just now.

No one can remake your life story. If it's sad, then it's sad. If it's happy, then you're lucky.

674 HEARTS
265 COMMENTS

----

Parang may pinagdadaanan ata 'tong si Ivan. As usual 'pag nagpopost siya, nagpopost din ako. Sinasagot ko palagi 'yung posts niya. Kasi minsan disagree ako. Kahit di niya nababasa.

----

KIRSEL VENISSE RODRIGUES shared her thought. Just now.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon