CHAPTER 9

91 14 5
                                    

Kirsel's POV

I was a little bit puzzled about the video. Hindi ko mamukhaan kung sino yung nagbukas ng locker pero ang one thing for sure, babae siya. Nakablack hood kasi siya kaya di masyadong maaninag ang mukha pero mas naguguluhan ako nang mapansin kong hindi ganun ang height ni Cassandra. Pero naroon kay Cassandra ang reaction paper ko. Ang gulo! Imbis na kinalimutan ko na 'to mas lalo pa tuloy gumulo yung mga iniisip ko. Nag-asikaso na ako dahil malapit na ang alas singko. Naglagay lang ako ng konting make up, manipis na lipstick at nagkilay ng very light. Habang nilalagay ko ang iilan kong gamit na dadalhin ay may napansin akong maliit na papel na nakadikit sa bag ko.

'You always have to be careful,
The killer is very playful,
Knives will always be with you,
In this game, stupidity will hinders you to continue.'

What does this riddle means? Is it a clue? Kinuha ko ito at nilagay sa bag. Siguradong makakatulong ito. Bumababa na ako upang magpaalam kay Mommy.

"Mom, alis muna ako. Medyo matatagalan ako mamaya. May kailangan lang akong asikasuhin.", paalam ko kay Mommy.

"First time.", sabi ni Mommy habang ngumingiti.

"First time? What do you mean?", I asked with confusion.

"First time mong gumala ng walang pasok. This is what I'm waiting for. The time to discover the outside world. Palagi ka na lang kasi nagkukulong sa kwarto mo.", sabi ni Mommy.

"Sige na po Mommy. Una na po ako. Bye I love you.", paalam ko.

"I love you too anak.", sabi ni Mommy. Lumabas na ako ng bahay at nakita kong naghihintay si James. Ang amo ng mukha niya. Kirsel, tandaan mo isa kang dalagang Filipina.

"Let's go?", sabi niya.

"Tara.", tugon ko at sumakay na kami ng Taxi papuntang Lissandro's Park.

Jialyn's POV

Ilang minuto akong naghintay kay Jed at di pa rin siya dumarating. Sisipot pa kaya yun? Alam kong matutuwa siya pagpunta niya rito. Nandito kasi yung Idol naming dancers. Yung 'The Beatx'. At bukod doon ay ipapakita ko sa kanya yung riddle na nakita ko sa salamin. Habang naghihintay ay bumili na lang muna ako ng makakain.

"Chips at juice lang po.", sabi ko sa tindera. Medyo bata pa ang tindera at napansin kong may malaking peklat sa mukha na tila isang malaking sugat bago pa ito naghilom. Nang napatingin siya sa akin, nag-iba ang ambience ng paligid. Medyo nakakatakot na hindi ko maintindihan. Napatitig siya sa akin ng ilang minuto. Nagtaka ako sa kanya. Ano kaya problema nun? Inubos ko na ang pagkain at inuming inorder ko at pagkatapos ay umupo muna ako seaside. Bakit kaya ang tagal ni Jed? Eh dati nga kung tumatawag ako sa kanya agad naman dumarating yun. Tiningnan ko ang oras at malapit na magfive. Hindi na ata sisipot yun. Tumayo na ako upang sumakay papuntang meeting place ng biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag.

"Hello Jia. Sorry. Nakalimutan kong magkikita pala tayo. Nawala sa isip ko. Nakita ko kasi si Pat and guess what? Close na kami.", sabi ni Jed. Kaya pala. Hindi ko alam pero unti-unting nagbago yung nararamdaman ko. Binabalot muli ako ng lungkot. Pinigilan ko ang sarili ko at pinilit pa ring magsalita ng maayos.

"Ah ganun ba? Okay lang. Sige. Congrats!", sabi ko kahit sa loob loob ko ay sobrang sakit.

"Doon na lang tayo magkita sa meeting. Papunta na rin naman kami. Kasabay ko si Pat.", sabi niya.

"Sige.", matipid kong sagot at agad na pinatay ang call dahil hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko. Bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit. Bakit hindi na lang ako? Ako naman ang mas una niyang nakilala. Ako naman yung palaging nandiyan sa tabi niya.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon