Julie's POV
Nandito kaming lahat ngayon sa tabing-dagat at nakatanaw sa malayo. Wala ni isa ang may gustong umimik. Not until magsalita si Jv.
"Yow guys! Masyado kayong tahimik. Enjoy na lang natin yung natitirang mga araw ng buhay natin. Tara ligo na lang tayo sa dagat. Sayang naman yung crystal-like view oh.", pagbasag ni Jv sa katahimikan. Hinubad niya ang kanyang Tshirt at hindi rin maitatanggi ang ganda ng hubog ng katawan nito. Mabilis siyang tumakbo sa dagat at nagdive.
"Kaya nga ligo na lang muna tayo. I-enjoy na lang muna natin ang sandaling ito. Di rin naman tayo maliligtas kung magmumukmok tayo dito.", dagdag pa ni Patricia. May point naman siya. Tsaka matagal-tagal na rin kasi nung huling ligo ko sa dagat.
"Tara G!", tugon naman ni Jed at ang iba naman ay sumang-ayon na lang. Nagsipagpalit na ng swimsuit attire ang iba. Grabe ang gaganda ng katawan nila. Ako naman ay nakatube lang at maiksing shorts. Nagsimula nang magsitampisaw sa tubig ang iba samantalang ako ay medyo may kaartehan. Syempre kahit papaano skin care pa rin.
"Sino sa inyo may sunblock?", tanong ko sa kanila.
"Me!", sagot ni Henzel.
"Pwede mahiram?", tanong ko sa kanya.
"Sure, kaso basa na ako eh. Pwedeng ikaw na lang kumuha? Nasa yellow na maleta pagbukas mo nun, makikita mo na agad.", tugon niya.
"Sure, no problem.", wika ko at binigyan ko siya ng ngiti. Dumiretso na ko sa building at tumungo sa kwarto ng mga babae. Sumakay na ko ng elevator at medyo naramdaman kong nagsisitaasan ang aking mga balahibo. It's weird. Ewan ko kung bakit. Pero ang weird talaga. Pipindutin ko na sana ang Button 4 pero may nakadikit ditong sticky note. And yes, it is a clue.
"We are the 15% of the game."
Ano daw? Medyo naguluhan ako sa clue na ito. Pinindot ko na ang button 4 at naghintay na makarating sa 4th floor. I am still puzzled with this clue. Medyo mahina ako umintindi ng mga ganito. Hays, mamaya ka na nga.
Dumiretso na ko sa Room 6 kung saan ang kwarto ni Henzel. Hindi ito nakalock buti na lang. Pagbukas ko ng kwarto ay hinanap ko agad ang maleta. Dalawang dilaw na maleta ang nakita ko. Saan kaya dito sa dalawa? Bahala na. I have the permission of the owner kaya hindi naman ata magagalit yun. Binuksan ko ang unang maleta at tumambad sa akin ang iba't ibang klase ng damit. May mga floral pang underwears. Ang cute tingnan. Di ko akalain may mga ganito pala si Henzel. May mga plain ding damit doon at jackets. May pink, yellow, grey at black. Grabe ang pakialamera ko na ba? Kinapa ko ang bulsa ng maleta at meron itong accessories, make ups, earphones, susi at naroon na rin ang sunblock. Sinarhan ko na ang maleta at agad na lumabas. Paglabas ko ng kwarto ni Henzel ay naroon si Keara na kakalabas lang din ng kwarto niya. Tila nagulat siya sa paglabas ko. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likod na tila may hawak at pilit na itinatago.
"Okay ka lang ba?", tanong ko sa kanya.
"Yeah, I'm good.", sabi niya at pumasok ulit sa kwarto niya. Ano kaya problema nun.
Kirsel's POV
Masyadong nagkakasala ang mga mata ko dito. Nakakailang gumalaw. Nakashorts ba naman si Ivan tas wala siyang pantaas. As in, may abs siya like afritada! Nakakabusog! Plus dumagdag pa tong si James, my God! Marry me. Hays, ang harot ko talaga. Pormal Kirsel, pormal! Tandaan mo isa kang dalagang pilipina yeah!
Nakaupo lang ako sa gilid ng dagat na parang bata. Kasi hindi ako marunong lumangoy.
"Girl, punta ka naman dito sa malalim. Halos talampakan mo lang nababasa dyan.", pag-aya ni Rex sakin.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Misterio / SuspensoEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...