CHAPTER 4

118 16 3
                                    

Kirsel's POV

Medyo kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Parang may mali. Parang may nangyayaring hindi maganda. Anong klaseng laro ba 'to? Tinry ko ulit magleave baka sakaling gumana na pero ayaw talaga. Kakaibang kaba ang aking nararamdaman dahil sa mga nangyayari. Ibinaba ko muna ang cellphone ko upang kalmahin ang aking sarili at isipin ang mga nangyayari. Gising ba ko? Sinampal sampal ko pa ang sarili ko. Medyo masakit, gising nga ako. Pagkalipas ng mga ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nagulat ako sa tumambad na larawan na sinend ni Anonymous666. Isang larawan ng babaeng duguan at nakabuklat ang likod na tila binaboy ang kanyang katawan. Karumal-dumal ang kanyang sinapit. Napahawak ako sa aking bibig at napaisip kung totoo ba talaga ang larawan o hindi. Bumaba ako patungong kusina upang kumuha ng tubig. Pagbaba ko ay napadaan ako ng sala at mas kinabahan ako sa napanood ko sa TV.

"Breaking News: Isang babae sa Kerville Village ang natagpuang walang buhay sa kanyang kwarto kani-kanina lang. Karumal-dumal ang sinapit ng isang dalaga. Kinilala ang babae bilang si Yna Jei Loraza. Isang Senior High School student sa Dalfori University," sabi ng reporter sa TV. Nanginginig na ang buo kong katawan at hindi ko na rin alam ang gagawin. Binuksan ko ang cellphone ko at sinilip upang tingnan kung may message.

---
(Game of Survival)
Active

Anonymous666: YNA JEI LORAZA ELIMINATED.

Rex: Hindi 'to totoo.

Julie: Napanood niyo ba yung news?

James: Oo. Anong nangyayari? Sino ka ba? Anonymous666?

Kendrick: Who the hell are you? Let me get out of this game!

Anonymous666: WALANG MAKAKATAKAS NI ISA SA INYO. MY WORDS ARE MY WORDS.

Layca: Ayoko na! Paano kami makakaalis sa larong 'to?

Anonymous666: TAPUSIN ANG LARO O DI KAYA'Y KAYO ANG TATAPUSIN NG LARO. SINIMULAN NIYO KAYA LARUIN NIYO HANGGANG DULO.

Cassandra: Napakawalang hiya mo talaga! Napakademonyo mo! Anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Anong ginawa mo kay Yna?!

Anonymous666: KALMA! GANYAN ANG NAPAPALA NG MGA HINDI MARUNONG SUMUNOD SA LARO. ANG LARO ANG BATAS, ANG LARO ANG MAGDIDIKTA KUNG HANGGANG SAAN AT KAILAN KA LANG MABUBUHAY.

Marjon: Kalma? Isang malaking katangahan! Paano kami kakalma? Eh buhay ang nakataya sa larong 'to?

Anonymous666: THIS IS WHAT ALL YOU WANT. A GAME. REMEMBER?

Ivan: But not the game the way you want. It's unfair. We're expecting something exciting, something fun. Not this brutal and sinful game. How can we win? How can we beat you?

Anonymous666: ME? OR SHOULD WE SAY, WE. YES WE'RE THREE. MATATALO NIYO LANG ANG LARO KAPAG NALAMAN NIYO KUNG SINO ANG MGA KILLERS. TO BE FAIR WITH YOU. WE'RE GONNA GIVE YOU SOME CLUES KUNG SINO KAMI.

Ivan: How?

Anonymous666: LET YOURSELVES KNOW HOW.

Ivan: It's unfair!

Anonymous666: Sent a photo.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon