CHAPTER 7

107 13 6
                                    

Rex's POV

Naririnig ko na ang malakas na kabog ng aking dibdib. Unti-unti nang yumuyuko ang tao upang sumilip sa ilalim ng kama ni Yaya Betty kung saan ako nagtatago. Napatigil siya ng makarinig ulit siya ng kalampag sa ibang parte ng bahay. Sino naman kaya 'yun? Kung sino at ano man 'yun nagpapasalamat ako ng sobra. Napatayo ulit ang babae at lumabas na ng kwarto. Nang tuluyan na siyang makalayo sakin ay chineck ko ulit ang phone at 12:45 a.m. pa lang. Medyo matagal pa.

Layca's POV

Nagtatago ako ngayon sa mga matataas talahib. Pinipilit kong hindi makagawa ng kahit na anong tunog. Ilang saglit lang ay naramdaman kong malapit lang siya sakin. Nakakarinig na rin ako ng mga tila tunog ng mga nababaling maliliit na kahoy. Ano na gagawin ko? Pinipilit kong ikalma ang sarili ko. I was born tough and strong. Hindi ko kailangan maging weak dito. Nakikita ko na ang imahe niya. May bitbit pa ring palakol. Nagulat ako ng napatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakikita niya ako. Madilim ang parte ng talahiban ng tinataguan ko kung saan pilit kong isiniksik ang sarili ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Gagalaw ba ko? Nakita niya ba ako? Nang makalapit siya sakin ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at binigyan siya ng isang malutong na suntok sa tiyan. Natumba siya at ininda ang sakit. Hindi na ako nag-atubiling tumakbo papalayo sa kanya upang takasan siya. Tumakbo ako ng mabilis kahit madilim ang daan. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Nasa maximum level na ata ang adrenaline rush ko. Napahinto ako ng saglit. Huminga ng konti dahil sa sobrang pagod. Napatingin ako sa paligid ko ngunit tila wala ng ibang daanan. Wala na kong nagawa kundi umakyat sa puno at doon nagtago.

Rex's POV

Ilang minuto na akong nagtatago dito sa ilalim ng kama. Tiningnan ko ulit ang oras at 1:20 a.m. na. 40 minutes na lang matatapos na ang challenge na 'to. Halos wala na akong naririnig na kahit na anong ingay sa aking paligid. Uhaw na uhaw na rin ako. Napagdesisyunan kong lumabas na sa pinagtataguan ko. Nakahinga rin ng konti. Konti na lang kasi masusuffocate na ko sa ilalim ng kama. Nasisinghot ko na rin ang mga alikabok sa ilalim. Dahan-dahan akong naglakad patungong kusina. Pagtingin ko ay wala namang kahit na anong bagay ang nakakatakot dali-dali akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig at uminom. Pagkatapos ko ay tumalikod na ako upang bumalik sa pinagtataguan ko ngunit tila nag-init ang kalamnan ko ng tumambad sakin ang isang babae na nakatayo hawak hawak pa rin ang palakol limang metro ang layo sakin.
Naka face mask siya at nakaipit ang buhok. Medyo madilim kaya hindi ko rin mamukhaan. Kinakabahan na ako. Nasa harap ko na ngayon ang kamatayan.

"Huwag kang lalapit sakin!", sigaw ko sa kanya na may halong kaba. Dahan dahan siyang humahakbang papalapit sakin. Ako naman ay walang magawa. Cornered ako.

"Please, parang awa mo na. Huwag mo kong patayin. Hindi ko naman ginusto 'to eh.", pagmamakaawa ko sa kanya ngunit patuloy pa rin siya sa paglapit at hindi man lang umimik. Nang makalapit na siya ay agad niya hinabas ang palakol papunta sakin. Mabilis akong nakailag at tumakbo. Hinabol niya ako hanggang sa nacorner ulit ako sa ibang parte ng kusina. Habang nasa gilid ako ay may nakapa akong isang kutsilyo. Nanginginig akong kinuha ito at itinutok sa kanya.

"Sige! Lumapit ka! Hindi ako magdadalawang-isip na isaksak to sayo!", tapang tapangan kong sabi kahit na palakol ang hawak niya at sakin ay kutsilyo lang. Tumakbo siya ng mabilis papalapit sakin habang nakapwesto ang palakol na tila ihahabas niya sakin.

"HUWAGGGGG!", sigaw ko at napatakip na lang ako ng braso sa mukha. Ngunit naramdaman kong wala naman tumamang palakol sakin. Inalis ko ang braso ko at tiningnan ang babae. May tiningnan siya sa cellphone niya at agad siyang umalis. Nabunutan ako ng malaking tinik sa katawan. Bakit hindi niya ako pinatay? Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras 1:45 a.m. pa lang naman ah. Naglog in ako sa BookTalk account ko at agad na inopen ang message. Nagulat ako sa nakita ko.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon