CHAPTER 16 (THE RESORT)

76 9 2
                                    

Kirsel's POV

Nagising ako sa ingay ng boses ng isang lalaki. I mean bakla pala. Boses pala ni Rex.

"Guys gising andito na tayo!", sigaw ni Rex. Kinuha ko ang phone ko at chineck ang oras. Grabe inabot pala kami ng anim na oras. Kinusot-suot ko muna ang aking mata. Iniangat ang aking dalawang kamay at inistretch. Tanaw ko sa labas na halos puro puno lang ang aking nakikita. Halos wala man lang akong nakikitang ibang mga buildings na kalapit dito. Kinuha ko na ang maleta ko sa itaas at agad na bumaba. Sobrang payapa ng paligid. Kalmado ang ihip ng hangin. Dinig ko rin ang hampas ng mga alon mula sa kabilang dako.

Nag-usap naman si Ivan at ang driver ng bus at sinagot na rin ni Ivan ang bayad nito. Pagkatapos ibaba lahat ng aming mga gamit ay umalis na rin ang bus.

"This is it guys. Ready yourselves. It will gonna be a bloody days.", sabi ni Marjon. Nasa harap kami ngayon ng gate. Sa itaas nito ay may isang napakalaking arch-like structure na may nakasulat na 'Morada de Resort'. May dinukot si Marjon sa kanyang bulsa isang susi. Susi ata ng gate ng resort. Inunlock niya na ang kandado sa gate at agad din naman itong nagbukas. Bumungad sa amin ang isang maaliwalas na lugar. Abandonado na ito pero mukha pa ring may maintenance. Naglakad kaming lahat papasok. Sa left side ay may 4 story building na may rooftop at ganun din sa right side. Sa gitna nito ay may isang malawak na pool. Bago ka makapasok sa loob ay may dadaanan kang isang room na di ko alam kung para saan yun. Kita sa mukha naming lahat ang pagkamangha. Naglakad pa kami nang naglakad hanggang sa makalagpas kami sa pool at doon na namin natanaw ang malinaw na tubig ng dagat katabi ang pino at mapuputing mga buhangin. Sa gilid din nito ay mga cabanas. Sobrang ganda.

"Ay bongga naman pala dito mga 'te. Parang magbabakasyon lang tayo.", sabi ni Rex.

"Bakasyon ka diyan.", sabi naman ni Kate.

"So saan tayo tutuloy?", tanong ni Joshua.

"Doon tayo sa right building.", sabi ni Marjon.

"Ay taray, may wrong building ba?", sabi pa ni Rex.

"Oo meron ikaw, mukha kang wrong turn.", sabi pa ni Marjon.

"Tara na guys. This way.", aya pa ni Marjon. Sumunod naman kaming lahat. Malamang, siya lang naman may alam dito. Inopen niya na ang entrance ng building at ayun. Sobrang ganda ng loob kahit medyo madilim.

"So paano yan? Walang kuryente? Can't stay in this place very long.", sabi ni Cassandra.

"Ah may generator naman dito. Wait papaganahin ko muna.", sabi ni Marjon at tumungo na sa di namin alam kung saan man siya tutungo. Ilang saglit pa ay umilaw na ang paligid.

"Tarannnn.", sabi ni Marjon. "Actually guys, palagi naman 'tong binibisita para sa maintenance. Hindi naman kasi siya totally na abandoned kasi pinagpaplanuhan din na tayuan ito ng bagong business. Kaya kahit papaano may resources pa dito.", dagdag pa niya. Maganda talaga ang place. May isang malaking chandelier sa aming itaas ngayon. Sa bawat gilid ay may elevators.

"So guys ihahatid ko muna ang mga girls kung saan ang magiging kwarto nila. Wait muna kayo dito tara na girls.", sabi ni Marjon. Sumunod naman kami sa kanya at sumakay sa elevator. Syempre nauna muna kami nina Marjon, Henzel, Jia, Julie at ako. Baka kasi mag-overload kami di kasi kami kaya lahat na isakay Although medyo malapad ito, may mga gamit pa kasi kami. Pinindot ni Marjon ang ikaapat na floor. So doon pala kami magroroom.

"Dito muna kayo sunduin ko muna ang iba.", sabi ni Marjon.

"Sige.", sabi ko naman. Base sa mga nakikita ko may hallway at maraming rooms. Well not bad kasi parang convenient naman ang place. Sa bandang dulo ay parang may balcony na medyo malapad. Parang maganda magpahangin. Sa bandang gilid ng elevator ay mayroon ding hagdanan. Ilang saglit pa ay nakaakyat na rin sina Cassandra, Kate, Patricia at Keara kasama si Marjon.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon