Julie's POV
Magsisimula na naman ang isang madugong laro. Wala akong kaide-ideya kung ano na namang klaseng laro ang gagawin namin. Medyo hindi pa maayos ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na wala na kami ni Peter. Oo bata pa naman kami, pero ang hirap bitawan ng mga alaala lalo na noong mga panahong takot ako sa mundo, takot ako sa mga tao, takot akong makisalamuha, takot ako sa lahat. He saved me, he saved me from that dark world I'm caged in. Masakit pa rin para sa akin. Itinuon ko muna ang atensyon ko sa laro. Mahalaga pa rin ang buhay ko kahit papaano.
Pumili na ako ng pangalan na aking ililigtas. Hindi ko pa sila masyadong kilala personally. So bumoto muna ako ng kahit sino. Tiningnan ko sila sa mata isa-isa. Hays bahala na. Nilagyan ko ng check ang pangalan ni Kirsel. Mukha naman siyang mabait. Lahat kami ay halos tutok at seryosong tumititig sa aming mga cellphones. Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari. Ilang minuto lang ang nakalipas ay ibinaba na nila ang kanilang mga cellphones hudyat na tapos na silang bumoto. Ramdam ko ang kaba ng bawat isa at halatang tensyonado sa mga susunod na mangyayari. Walang may gustong umimik ni isa. Sabay sabay ulit na tumunog ang aming mga cellphones senyales na mayroon ng resulta sa naganap na poll. Agad kong tiningnan ang groupchat.
---
(Game of Survival)
ActivePoll's Result
(1) Cassandra
(1) Henzel
(1) Ivan
(0) James
(2) Jed
(0) Jialyn
(0) Joshua
(1) Julie
(0) JV
(4) Kate
(2) Keara
(1) Kendrick
(2) Kirsel
(0) Marjon
(1) Patricia
(1) Patrick(SAFE: REX AND KATE)
Anonymous666: KATE AND REX. YOU ARE EXEMPTED IN THIS CHALLENGE. CONGRATULATIONS. THE REST WILL PLAY THE THIRD CHALLENGE.
CHALLENGE 3:
THERE ARE EXACTLY 15 KEYS SCATTERED IN THE PARK.
BE SMART IN SEARCHING FOR IT.
USE YOUR MINDS AND SIGHTS ON SEARCHING FOR THE KEYS.
THESE KEYS WILL STOP
THE TIMER OF THE BOMBS BEING
PLANTED IN YOUR NECKS.
BOMBS AND KEYS HAD AN INDICATED NUMBER.
ONE BOMB FOR ONE SPECIFIC KEY.
THE BOMB WILL EXPLODE
IN JUST 30 MINUTES.BOMB NUMBERS:
Cassandra: No. 1
Henzel: No. 2
Ivan: No. 3
James: No. 4
Jed: No. 5
Jialyn: No. 6
Joshua: No. 7
Julie: No. 8
JV: No. 9
Keara: No. 10
Kendrick: No. 11
Kirsel: No. 12
Marjon: No. 13
Patricia: No. 14
Patrick: No. 15READY, SET, PLAY.
---
Neck? Agad kong kinapa ang aking leeg and I was so shocked ng mayroong matigas na bagay ang nakadikit dito. Pinilit ko itong tanggalin ngunit nabigo ako. Kung pupwersahin ko mang tanggalin ito, siguradong kasama pati balat. Pero paano nagkaroon agad-agad ng bomba ang leeg ko? Paano nailagay agad 'to? Bago pa man gumulo ang isip ko ay agad na akong kumilos upang maghanap ng susi. Lahat din sila ay agad nang nagsitakbuhan upang hanapin ang kani-kanilang mga susi. Napakalawak ng Lissandro's Park kaya para kang naghahanap ng karayom sa malawak na karagatan.
Jialyn's POVHindi ko alam pero durog na durog ako ngayon. Nasaktan ako ng sobra nang makita ko ang resulta ng poll. Wala akong nakuhang boto. Kahit isa, kahit man lang galing sa bestfriend ko. Mas pinili niya pang iligtas si Patricia na kakakilala niya pa lang kaysa sa akin na bestfriend niya na matagal niya nang kakilala. Tumakbo ako ng mabilis habang ramdam kong nagbabagsakan na ang mga luha ko. Nilalabanan ko ang nararamdaman ko ngayon dahil nasa gitna ako ng isang madugong laro. Pinilit kong magfocus sa paghahanap ng susi kung hindi, sasabog ang bomba kasama ng pagsabog ng katawan ko. Huminga ako ng malalim upang ikalma kahit papaano ang sarili ko. I am a player, so I should play.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...