CHAPTER 11

81 14 5
                                    

Jia's POV

Naririnig ko ang bawat segundo na bumabawas sa timer ng bomba. Kaunting oras na lang ay sasabog na 'to ngunit hindi ko pa rin nakikita ang susi ko. 10 minutes and 15 seconds na lang ng tiningnan ko ito sa salamin. Katapusan ko na ata. Binilisan ko ang kilos ko sa paghahanap ng susi. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Halos kalbuhin ko na lahat ng damo para lang mahanap yung susi. Maya-maya ay may sigaw akong narinig sa aking likuran. Sigaw ng isang lalaki. Nilingon ko ito at nakita kong nakahiga na siya sa lupa at may iniindang sakit at habang hawak ng dalawa niyang kamay ang kanyang tuhod. Wala rin siyang suot na tsinelas. Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi dahil paubos na ng paubos ang oras ng bomba. Hindi kinaya ng konsensya ko at pinuntahan ko ang lalaki.

"Ano nangyari sayo kuya?", tanong ko sa kanya. Halos di siya makasagot. Kitang kita sa mukha niya ang sakit na iniinda niya.

"Kuya! Anong nangyari sayo?!", tanong ko sa kanya na medyo tumataas na ang boses. Itinuro niya ang kanyang paa at tiningnan ko ito upang malaman kung anong nangyari dito.

"Aissshhhh!", sigaw ko. Ang daming dugo. Takot pa naman ako sa dugo. Mabilis na umaagas ang dugo mula sa kanyang talampakan. Mukhang may natapakan ata siyang matulis na bagay. Kahit takot na takot na ako ay matapang kong kinapa ang paa niya upang kunin ang matulis na bagay na tumusok sa paa niya.

"Kuya huminga ka nang malalim. ISA! DALAWA! TATLO!"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH.", sigaw niya pagkatapos ko bunutin ang matulis na bagay na tumusok sa paa niya.

"Sorry kuya, sorry.", sabi ko. Tiningnan ko ang bagay na ito at laking tuwa ko ng makita kong isa itong susi and the luckiest thing is that, No.6 ito at ito yung hinahanap kong number. Agad kong sinusian ang bomba at kumalas na ito mula sa aking leeg. 9 minutes and 3 seconds na lang ang natitira. Bago ako bumalik sa mga kasamahan ko ay tinulungan ko muna si kuya. Tuloy-tuloy pa rin kasi ang pag-agas ng dugo sa paa niya eh. Teka ano ba gagawin ko? Nag-isip ako kung anong bagay ang pwede kong ipantapal sa sugat niya.

"Saglit lang kuya", agad akong tumakbo sa may pinakamalapit na booth at humingi ng kahit anong tela. Mabilis kong tinalian ang paa niya upang mapigilan ang pag-agas ng dugo.

"Kuya kailangan ko ng bumalik sa mga kasama ko eh.", sabi ko sa kanya.

"Salamat sa pagtulong andyan na rin naman mga kasama ko.", sabi niya sabay turo sa likod ko. Napatingin ako sa likod at nakita kong may dalawang babae at tatlong lalaki. Mga pang-track and field mga damit nila. Mukha silang mga members ng isang athletic team.

"Sige alis na ko.", sabi ko sa kanila. Aakma na sana akong umalis ngunit pinigilan ako ng lalaki.

"Wait!", pagpigil niya.

"Collin nga pala.", sabi niya sabay abot ng kamay. Inabot ko naman ito at nakipagkamay.

"Jia. Jialyn Rein Acuña. Nice to meet you pero kailangan ko na talaga umalis.", sabi ko at agad ng umalis.

Julie's POV

Hindi ko pa rin nahahanap ang susi ko. Kaunti na lang ang nalalabing minuto. 8 minutes and 49 seconds. Nakasalubong ko si James sa gitna ng paghahanap ko.

"Nahanap mo na susi mo?", tanong niya.

"Hindi pa nga eh. Ikaw?", sabi ko sa kanya.

"Luckily, nahanap ko na din.", tugon niya.

"Mabuti yan.", sabi ko.

"Goodluck! Try ko pang maghanap ng iba.", sabi niya sakin at agad ring umalis. Kumilos na rin ako upang hanapin din ang susi ko. Kaunting minuto na lang ang natitira at maghihiwa-hiwalay 'tong katawan ko kung sakali. Tumakbo ako patungo sa isang playground. May mga nakatayong nakaliherang bakal na tubo paikot sa mga seesaw, slides, swings at mini obstacles. Utak? Utak Utak? Nararamdaman kong medyo malapit lang sakin ang susi. Naghanap ako ng stick upang panghukay sa lupa baka sakaling nakalibing lang ito. Inabot ako ng ilang minuto sa paghuhukay pero wala akong nakita kahit isa. Ito na nga ata ang katapusan ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak.

The Poll (Game of Survival)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon