Jed's POV
Paulit-ulit lang naman routine ko sa BookTalk. Manood at mag-upload ng dance covers at mag-upload ng pictures ko. As usual, may magrereact at magcocomment. Boring! Dahil sa sobrang boring ng BookTalk ko ngayon. Sumali ako sa GC 'daw' na may exciting game. Nakita ko lang siya while scrolling. Although weird, but wala namang mawawala. Nagscroll ulit ako sa feed. And then nakita ko yung post ni Patricia. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang kailan ko ba itatago 'to?
Hanggang kailan ba ko magpapakatorpe?Nagkagusto ako kay Patricia mula ng makita ko siya nung first day. Sabi daw nila 'pag tinamaan ka sa isang tao, magdidilim daw ang paligid mo, at yung taong 'yun lang daw ang makikita mo. Medyo naniwala ako ng kaunti when it happened to me. I was practicing in the dance studio para sa production number sa isang program and then suddenly, someone entered the door. The surroundings went black and all I can see is her, Patricia. At doon ko napatunayan na tinamaan nga ako. Lahat ng dance competition matapang kong hinaharap pero 'bat sa pagconfess ng tunay kong nararamdaman ang duwag-duwag ko. Pinindot ko ang notification icon at isa ang umagaw ng atensyon ko. I made a right decision.
'Patricia Cole Sy also commented on Anonymous666's thoughts.'
Kung sakali mang makasali ako sa GC na yun, sana makasali din si Pat at sana mapansin niya ko dun. Lumabas muna ako ng kwarto upang kumain. Nagugutom na rin kasi ako eh. Pagpunta ko ng kusina ay nandun na rin pala si Daddy at Mommy pati na rin si Kuya.
"Jed, umupo ka na sumabay ka na sa'min," aya ni Daddy. Tumango lang ako at umupo. As much as I can, I don't wanna enter topics with regard to studies. Pero hays, as usual. Pinag-usapan na naman nila Mommy. Bababa na naman ang pagkatao ko sa mga oras na ito.
"How's your study?", tanong nila kay kuya na ayaw na ayaw kong marinig kina Mommy at Daddy.
"Okay lang naman po. Actually, mom, dad, Top 1 pa rin ako sa buong Grade 12 ng Holconry University.", masayang sabi ni Kuya. Edi sana all.
"As usual naman anak. Galing mo talaga Zed.", pagpuri ni Daddy kay kuya.
"Ikaw Jed, kamusta studies?", pagpasa ni Mommy ng tanong sakin.
"Okay lang naman po.", mahina kong tugon.
"Paanong okay? Yung bumagsak ng tatlong subjects sa Midterms exam? Nakausap ko yung pinsan mo, si JV.", sabi ni Daddy in a serious voice.
"Pasa pa rin naman ata yun Dad.", sabi ko sa kanya.
"Kailan ka ba titino Jed? Bakit hindi mo gayahin yung kuya mo? Tsaka ilang beses ko nang sinasabi sayo na itigil mo na yang kakasayaw diba? Ano ba nakukuha mo dyan?", bulyaw ni Daddy. Yan yung pinakaayaw ko sa lahat. Yung kinukumpara ako kahit kanino. Di ko alam, sa pagsayaw na nga lang ako magaling di pa nila masuportahan.
"Excuse me mom, dad.", paalam ko sa kanila. Nawalan na ko nang gana kumain. Naglakad ako pabalik ng kwarto.
"Saan ka pupunta?", pasigaw na sabi ni Daddy. Di ko na sila nilingap at dumiretso na ko papasok ng kwarto. Dumapa na lang ako sa kama at ibinuhos ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Napakamalas ko. Isang bagay lang naman hinihingi ko sa kanila. Ang maging proud sila sakin. Nang medyo gumaan-gaan na ang aking pakiramdam ay kinuha ko ang cellphone ko at naglog in sa BookTalk. Pagkabukas ko ay nakita kong inadd na pala ako sa GC pati na rin si Patricia. Nagdadalawang isip ako kung magmemessage ba ako o hindi. Since di pa rin naman nagmemessage si Patricia. Nagseseen lang ako sa mga messages nila until Anonymous666 instructed us about the game. Anong klaseng laro kaya 'to? Napakaweird, medyo corny din kasi akalain mo ba naman, magpapakilala pa daw kami, tas pag hindi daw namin ginawa ay bibigyan niya kami ng cut sa katawan. Weird diba? Hinintay ko na magmessage si Patricia sa GC pero wala talaga. Hanggang sa pumatak ang 9:00 pm.
BINABASA MO ANG
The Poll (Game of Survival)
Mystery / ThrillerEverything in this story is just a work of fiction. The names of the characters, places, events and etc. were based on the imagination of the author. Any similar events to the other stories are just coincidence. GENRE: MYSTERY/THRILLER LANGUAGE: TAG...