30 Years Ago...
May dalawang tao nag ngangalang Barbara at Raphael, si Barbara ay isang simpleng dalaga na nag-aaral sa sekondarya sa kanyang ikatlong taon, samantala si Raphael naman ay isang binatang ubod ng yabang at may katigasan ng ulo, inilipat siya sa pampublikong sekondarya dahil sa kanyang ugali, sya ay nasa ikatlong taon na dapat ay ikaapat na taon na dahil sa ugali at kawalan ng gana sa pag-aaral, siya ay nasa ikatlong taon palang ngayon hanggang sa...
*Blagg*
"Aray!" masakit na sambit ni Barbara ng may nakabangga sa kanya
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" sambit ng lalaki nakabangga sa kanya
"Hoy! mister ikaw na nga itong nakabangga sa akin, ikaw pa itong galit!" sambit ni Barbara, habang pinapagpag ang kanyang palda
"Anong mister? hindi pa ako matanda, tindi nito" sambit ng lalaki
"Ano sa tingin mo? mukha ka na ngang nasa ikaapat na taon sa itsura mo" sumbat ni Barbara
"Miss, nasa ikatlong taon lang po ako, kaya huwag mo akong tawaging mister" sambit ng lalaki sabay alis
Naiwang pikon na pikon si Barbara dahil sa ugali ng lalaking yun..
"Huy!! Barbara bakit ganyan ang mukha parang tinamaan ng kidlat sa inis?" biglang dumating ang kaibigan ni Barbara na si Ligaya
"Paano ba naman kasi, may nakabangga sa akin na ubod ng yabang ni hindi man lang nag pasensya, siya pa itong galit, akala mo kay gwapo, kay yabang yabang naman at halatang mukha ng nasa ikaapat na taon.." pag kukwento ni Barbara kay Ligaya habang naglalakad sila patungo sa kanilang silid aralan
"Gwapo nga ba?" tanong ni Ligaya
"Medyo, singkit eh parang Tsinoy, kay halong pagka intsik, hay! basta, kalimutan na natin iyun, pumasok na tayo baka tayo ay mahuli pa sa klase" sambit ni Barbara
"Naku, ako ay may naamoy.." pagbibiro ni Ligaya habang papasok na sila sa klase
"Ako'y tigilan mo Ligaya, baka saan pa mapunta yan biro mo" pagbabanta ni Barbara
*Ring*
"Magandang umaga mga mag- aaral!" bati ng kanilang guro
"Magandang umaga din po guro! " bati ng mga istudyante sa ikatlong taon
" Ngayon araw na ito, nais kong ipakilala sa inyo ang magiging bago ninyong kaklase, siya ay nanggaling sa pribabdo paaralan pero mas pinili ng kanyang mg magulang na dito na siya magpatuloy ng pag-aaral.." pag uumpisa ng kanilang guro
"Sino naman kaya itong bago nating magiging kaklase?" bulong ni Ligaya kay Barbara
"Hindi ko din alam, malalaman natin" tanging sambit ni Barbara
"Hindi ko na patatagalin, iho pasok!" paanyaya ng kanilang guro sa bagong istudyante ng ikatlong taon
Isang makisig na lalaki ang pumasok sa loob, lahat ng kababaihan ay nanlaki ang mata lalong higit si Barbara na parang nakakita multo..
BINABASA MO ANG
Does History Repeats Itself?
FanfictionNaniniwala ka ba sa katagang 'History repeats itself?' Maraming nagsasabing totoo nangyayari ito, ngunit para sa dalawang tao ito, 'Past is Past and never been back, Its just a history and it will never happen' Maging tunay kaya ang katagang kanilan...