Chapter 51: Another Asungot!!?

29 4 0
                                    

Josh's POV

Saturday again, kung tatanungin nyo ako about kay Lexa, ayun nag disappear na lang bigla na parang bula hay! Nakahanap kasi sya ng katapat eh!! Ngayon ko lang nakita ang side ni Bambi ng ganon, may pagka warfreak rin, nakikipagbasagan rin..

Well, andito kami sa Mall, syempre to unwind all the drama at syempre kasama na ang date don..

"Juswa? Tulala ka na naman dyan?" ay oo nga pala nandito nga pala ang cute but terrible kong girlfriend, wag gagalitin baka magalit

"Wala, iniisip ko pa rin yung biglang pagkawala ni Lexa, parang bula na lang, di na pumasok" sambit ko

"So, namimiss mo ganun?" ay eto na po siya

"Bat ko naman mamimiss ang maarteng haliparot na babaeng yun, sobrang clingy daig pa linta!" depensa ko

"Takot nya lang na magkaroon pa ng round 3!" banat ni Bambi habang nabili kami ng ice cream

"Tapang ng girlfriend kong may pagka-warfreak!!" natatawa kong sambit sa kanya ng..

"Aray!!!" inda ko, hinampas na naman ako sa braso, ang bigat ng kamay ng babaeng to

"Warfreak ka dyan!!? Akala mo kasi sobrang bait kong girlfriend, matapang rin kaya to!!" pagmamalaki ni Bambi

"Oo na, parang mas matapang ka pa nga sa akin eh, biruin mo nakadalawang round ka ng cat fight kay Lexa, galing!!!" say ni Josh

"Kaya ngayon, alam mo na hindi lang pang brainiac o pangmahinhin ang girlfriend mo, pwede rin sa rambulan, joke lang pwede rin sa mga mild fight!!" natatawang sambit ni Bambi, ikinatawa ko na rin

"Now I know 'cause you are mine!" sabay akbay ko sa kanya

"Corny hah!!" ngiti nyang sambit

Habang masaya kaming dalawang namamasyal, napahinto si Bambi..

"Bakit?" tanong ko sa kanya ng

"Bambi!!" hah? sino naman tong atribidong lalaking to..

Nang makalapit sa amin yung lalaki tumawag kay Bambi..

"Kumusta?" sambit nung lalaki

"O-kay lang.." nauutal na sambit ni Bambi, something fishy?

Hinila ko si Bambi konti palayo sa lalaking ungas na yun..

"Sino ba yan? Bat parang nauutal kang magsalita?" tanong ko sa kanya

"Josh, sya si Mark, yung nanligaw sa akin nung di ka pa natransfer sa Westridge.." nagulat ako sa sinambit nya

"Hah!? Eh bakit nauutal ka?" say ko

"Josh, nakakatakot yan lalaking yan, lahat ng sumubok na manligaw sa akin, binugbog nyan, pati nga si Kris, nasampolan ng lalaking yan.." sambit ni Bambi, wow, biyolente pala tong isang to

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon