Chapter 14: Meeting the Rebel

49 6 0
                                    

National Bookstore...

"Ano-ano pa ba ang kulang mong gamit Bambs?" tanong ni Aya ng makapasok sila sa Bookstore

"Ang totoo nyan, wala na naman akong kulang na gamit eh.." nahihiyang sambit ni Bambi

"Ano? Eh bakit gusto mong pumunta ng bookstore? Alam ko na bibili ka naman ng libro noh? " say ni Aya na nakacross arms

"Alam mo Aya? Bestfriend talaga kita eh alam mo na agad ang pakay ko dito eh noh!" masayang sambit ni Bambi

"Alam mo bess basang basa na kita.." say ni Aya

"Oo na, eh ikaw baka gusto mo rin umikot muna dito habang hinahanap ko yung libro bibilhin ko, sige ha kita na lang tayo dito sa entrance ng bookstore" akmang aalis na si Bambi ng pigilan sya ni Aya

"Anong libro naman ang bibilhin mo aber?" tanong ni  Aya

"Alam mo na nahihilig ako ngayon sa romance eh!!" kinikilig na sambit ni Bambi ng kurutin sya ni Aya sa tagiliran

"Ang harot bess!! Kailan ka pa naging maharot ng ganyan?" natatawa sambit ni Aya

"Grabe sa harot bess, teenage life, alangan naman puro Geometry books hawakan ko noh!" paliwanag ni Bambi

"Sabagay!! sige na nga!! Dali hanapin mo na yung sinasabing mong romance book na gusto mo, iikot muna ako bye!!" say ni Aya sabay alis nito

Habang naikot si Bambi sa loob ng bookstore para hanapin yung libro gusto nya ng biglang may nakita siyang lalaking akmang kukuhanin yung isang libro..

"Huy!!! Ano yan hah?" sambit ni Bambi ng medyo malakas ng marinig ito ng security guard

"Anak ng tokwa!! Bakit ka ba sumigaw ha!!?" reklamo ng lalakinkay Bambi

"Bawal yan ah!!" sambit ni Bambi ng dumating ang security guard ng bookstore

"Anong nangyayari dito hah? Ikaw na naman batang ka!!! Ano na naman kukunin mo ha!! Salamat iha hah?" pagtapik kay Bambi ng security guard

Biglang napatakbo ang lalaki..

"Huy!! Bumalik ka dito, salamat iha, kung di mo nahuli yung lalaking yun baka may kalokohan na naman yung ginawa!!" sambit ng security guard

"Wala pong anuman kuya!!" sambit ni Bambi

"Sige iha!! dyan ka muna, balik muna ako sa pwesto ko baka bumalik na naman ang batang iyon, sige!!" sambit ng security guard at bumalik na ito sa pwesto

"Sige po!!" sambit ni Bambi at nagpatuloy sya sa paghahanap sa librong hinahanap nya

Nagpatuloy sa paghahanap si Bambi at may napansin siyang nag iisang libro sa estante kung saan nakahalera ang librong hinahanap nya..

"Bakit kaya nag-iisa na lang ito?" tanong ni Bambi habang pinahmamasdan ang nag-iisang libro iyun ng mapansin sya ng isang staff na nagrerestock ng mga libro sa tabi nya

"Kunin nyo na yan miss, nag-iisa na lang yang libro na yan, mabili yang librong yan" sambit ng staff

"Po? Bakit naman po ate?" tanong ni Bambi

"Sabi kasi ng ibang teenagers na nakabili nyang librong yan, sikat daw yung author nyan at tsaka sabi din nila true to life daw na nangyari yung storya ng librong iyan at sabi daw nila nakakakilig daw, kaya kunin mo na baka interesado ka? Yan lang daw ang nag-iisang Romance book na nangyari sa totoong buhay!" kwento ng staff

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon