Chapter 20: Getting Closer

59 4 0
                                    

3 weeks had passed....

Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung maging friends sila Bambi at Josh, dating nag-aasaran, salungat ang ugali sa isa't isa, ngayon ay magkasundong magkasundo na, daig pang magjowa pero di pa sila mag on, kahit ang mga kaibigan na nila ang nagsasabi na parang sila pero hindi pa sila...

Saturday Morning...

Nagkayayaan ang barkada pumunta ng mall, kaya ayun mag mamall sila, barkada na sila Josh, Jacob, Rick at Kris kila Bambi, Belle, Luisa at Aya..

"Bambi!!! Bangon na, di ba may malling pa tayo ngayon!!?" sigaw ni Belle mula sa baba

"Ay oo nga pala!!!" balikwas si Bambi ng tayo, at nag-aayos, nakapaligo na sya ngunit di pa sya nakakapagsuklay kaya bumaba siya ng nakasabit ang suklay sa buhok nya

Nang makarating na si Bambi sa may dining area nila, nanlaki ang mga mata nya...

"Morning Bess!!!" bati ni Josh sa kanya, bigla si Bambi nahiya sa itsura nya at dali dali syang nagsuklay sa may salamin ng living room nila..

"Nangyari don?" takang tanong ni Josh kay Belle

"Nahiya siguro sa itsura, masanay ka na dyan sa kapatid ko, ganyan yan kapag kami lang nila mommy at daddy, di ba my?" sambit ni Belle kay Josh

"Kaya nga iho, masanay ka na dyan sa bunso namin, ganyan yan..di ba Ted?" sambit ni Irene kay Josh

Tapos ng magsuklay at mag-ayos si Bambi at umupo na siya para makapag-agahan..

"Bess?" tanong bigla ni Bambi kay Josh

"Oh?" sagot ni Josh

"Kay aga-aga mo dito at dito ka pa talaga makikikain hah? Wala ka bang bahay?" sermon agad ni Bambi kay Josh

"Anak naman, ang aga sermon naman yan pinapakain mo sa kaibigan mo, welcome naman lahat ng kaibigan nyo ng ate mo dito" saway ni Irene kay Bambi

"Kaya nga naman Bess, makinig ka naman sa mommy mo, diba po tita?" sumang-ayon naman si Josh sa mommy ni Bambi

"Sige na, pwede ka na dito kumain, pasalamat ko bess kita kung hindi.." banta ni Bambi

"Oh tama ng asaran nyong dalawa, mabuti pa magsikain na kayo at alam kong may lakad pa kayo.." sambit ni Ted at nagsikain na sila

Habang nakain sila...

"Josh?" tawag ni Ted kay Josh

"Bakit po tito?" tanong ni Josh

"Kayo ba talaga bang kayo ng anak kong ito ay mag bestfriends lang talaga?" biglang nasamid si Bambi sa tanong ng daddy nya kay Josh

"Anyari sayo sis?" gulat na sabi ni Belle

"Wala nasamid lang.." sambit ni Bambi

"Opo tito, magbestfriends lang po kami ni Bambi.." simpleng sagot ni Josh

"Talaga? Hindi ba pumasok sa isipan mo ligawan tong bunso namin? " muntik nang maibuga ni Bambi ang tubig sa mukha ni Josh ng tanungin si Josh nito

"Abay sis, ano bang nangyayari sa iyo? kanina nasamid? ngayon naman muntik mo nang maibuga yang iniinom mo sa mukha ni Josh?" sunod sunod na tanong ni Belle kay Bambi

"Okay ka lang Bess?" sabay abot ng tissue si Josh kay Bambi

"Okay lang ako, daddy naman kasi, mga pinagtatanong mo po kay Josh eh, nakakahiya!!" nahihiyang reklamo ni Bambi sa daddy nya

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon