Chapter 43: Last Night in Batangas

37 5 0
                                    

Belle's POV

Last day na namin dito sa Batangas, ang bilis noh? Enjoy naman ang lahat sa biglaang gala namin dahil next week, busy busihan na ang lahat, lalo na kami dahil ilang months na lang ay gagraduate na kami nila Kris, Jacob, Rick at Luisa, sila Josh, Bambi at Aya nalang maiiwan, pero atleast nakagala kaming barkada sa kabila ng madramang unang araw namin dito dahil kay Bambi, speaking of Bambi, tulala na naman ang baby sis ko, magulat nga!

"Hoy!" gulat ko kay Bambi, napatalon ang loka

"Ate naman eh! Manggulat ba?" sambit ni Bambi

"Tulala ka naman eh! Sis, last day na natin dito sa Batangas, emotera ka pa rin, tutulala mag-isa, pareho talaga kayo ng jowa mo, sabi ni Jacob kung di nakatitig sa kisame, nakatitig sa kawalan, ano bang problema nyong dalawa? Nag-away ba kayo?" tanong ko sa kanya

"Wala, di kami nag-away noh, nakita nyo na ba kaming mag-away, mang-asaran madalas, pero away, di pa naman!" depensa ni Bambi

"So? Anong problema nyo? Wag mong sabihin, affected pa rin kayo sa sinabi ni Ms. Ligaya Baltazar tungkol sa what so connection niyo ni Josh sa story nila Barbara at Raphael? Bambi naman, akala ko ba nagkasundo na kayo ni Josh na kahit anong mangyari, mangyari man o hindi ang nakaraan ay magiging matatag kayong dalawa, diba?" sambit ko sa kanya

"Hindi ko naman maiiwasan hindi isipin yun eh, hanggang ngayon nakakawindang pa rin ang mga possibility na yun noh!" say ni Bambi

"Alam mo, inawan mo muna yang problema nyong dalawa at i-enjoy ang last day natin dito please! kahit ngayon lang sis, para naman hindi malungkot itong unang gala natin with the barkada, please? " pag-mamakaawa ko sa kapatid kong ang daming drama sa buhay

"Sige na nga! Once talaga na makita namin ni Josh ang picture na yun, mapapanatag na ako kung ano man ang nakatago sa likod na yun at sa librong yun" say ni Bambi

"Tara?" say ko

"Tara!" sabay hila sa akin palabas ng kwarto papunta sa may swimming pool, by the way gabi na ngayon, kaya naisipan namin barkada na mag night swimming enjoy the night dahil bukas ng tanghali ay babalik na kaming Manila

End POV

Lumabas na ang magkapatid na si Bambi at Belle sa may pool side, nandun na ang barkada, sila Kris at Aya ang in charge sa pag-iihaw ng barbeque, si Rick at Luisa naman ang in charge sa preparation ng boodle fight nilang barkada..

"Belle, tara tulungan mo ako dito please?" yaya ni Jacob kay Belle na mag-ayos ng mg drinks at dessert nila..

"Sis, puntahan ko muna si Jacob hah?" say ni Belle at pumunta na sya kay Jacob, naiwan mag-isa si Bambi, napansin nyang wala si Josh sa nag-aayos, naglakad-lakad muna sya sa may tabi ng pool ng mapansin nyang may lalaking nakatulala habang nagbababad ng paa nya sa swimming pool

Naisipan ni Bambi na tabihan ito..

"Ang alim ng iniisip natin dyan ah?" sambit  ni  Bambi, nakibabad na rin siya ng paa sa pool

"Bambs, ikaw pala?" nagulat si Josh ng tabihan sya ni Bambi

"Ay hindi! Anino lang ako!" natatawang asar ni Bambi kay Josh

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon