Ikalawang gabi bago ang paglipat ni Barbara sa ibang eskwelahan..
Matyaga naghihintay si Raphael sa sakayan papuntang Batangas...
"Sasakay na ho kayo?" tanong ng nagatawag ng pasahero kay Raphael
"May kasama ho ako, hintayin ko lang po sya.." sambit ni Raphael
"Sige po, malapit na po ang huling biyahe" sambit ng nagatawag
"Nasaan na ba yun?" sambit ni Raphael sa sarili ng..
"Raphael.." tinig na nanggagaling sa kanyang likuran
"Linda? Ligaya? Angelo? Crisanto? Kayo lang? akala ko ba tutulungan nyo si Barbara na hindi mahuli ng magulang nya?" nagtatakang tanong ni Raphael
"Alam mo Paeng, wag kang ganyan, pwede ba yun? Barbara.." sa pagsambit ni Linda ng pangalan nya nasilayan ni Raphael ang taong hinihintay nya
"Akala ko di ka tutupad sa sinabi mo?" hindi makapaniwala si Raphael
"Pasensya na, nahirapan kasi akong makatakas sa mga magulang ko kaya bagpack lang ang nadala ko para hindi halata.." sambit ni Barbara
"Ano naman ginawa ng mga to?" turo ni Raphael sa apat
"Sila lang naman ang naglibang sa nanay at tatay ko para hindi nila ako mahalata.." sambit ni Barbara
"Pasalamat ka Raphael, suportado namin ang balak mo.." sambit ni Linda
"Basta alagaan mo itong kaibigan namin, oras na malaman namin umiyak yan, naku pare!" banta ni Crisanto
"Pakatatandaan ko yan pare, makakaasa ka sa akin, tsaka kahit nag-aaral palang tayo may sapat na ipon na naman ako eh.." sambit ni Raphael sa mga kaibigan
"Teka nga, saan mo nga pala dadalhin itong kaibigan namin ha? Alam nga namin ang balak nyo pero di naman namin alam kung saan?" tanong ni Ligaya
"Sa Batangas, may pinsan kasi ako don, may bahay bakasyunan sila don, kaya pansamantala dun muna kami tutuloy.." sambit ni Raphael
"Mabuti kung ganoon alam namin kung saan kayo pupunta para di naman kami mag-alala.." sambit ni Angelo
"Ligaya, Linda, Angelo, Crisanto, salamat hah, alam ko nabigla kayo ng sabihin namin ni Raphael tong balak namin, pero sana, walang ibang makakaalam.." sambit ni Barbara
"Di ba sabi namin sa inyo suportado namin kayo kaya makakaasa kayo sa amin.." sambit ni Linda
"Salamat talaga!!" sambit ni Barbara na naluluha na
"Wala bang yakap dyan?" pagpaparinig ni Crisanto at nagyakapan na silang apat
"Huling biyahe na po pa-Batangas, maaari na pong sumakay"
"Oh paano ba yan? Ingat kayo hah" sambit ni Linda na naiiyak na
"Kaya nga, kita kita na lang tayo ulit kung kailan man.." biro ni Angelo
"Angelo talaga, magkikita pa rin naman tayo eh" sambit ni Barbara
"Kayo na bahala dito, Barbara, tara na?" yaya ni Raphael sabay hawak sa kamay ng dalaga
"Sige, paano paalam na muna sa ngayon, Ligaya kung sakali man, huwag naman sana, pagbutihin mo ang pag-aaral mo hah ikaw rin Linda, Angelo, Crisanto, alagaan mo mabuti si Ligaya, tulungan mo syang makamit ang pangarap nyang maging tanyag na manunulat hah, ikaw naman Angelo, huwag papaiyakin yang si Linda baka matikman mo ang suntok nyan.." huling bilin ni Barbara sa apat
"Parang nagpapaalam na hah, daming habilin, magkikita pa rin tayo Barbara, Raphael, huwag ganyan" sambit ni Linda
"Barbara, tara baka maiwan pa tayo ng huling biyahe" sabay hila ni Raphael sa kay Barbara
"Tatandaan namin yun Barbara, huwag kang mag-alala" huling sambit ni Crisanto at tuluyan ng nakasakay ang dalawa sa bus...
Samantala...
"Akala nyo tapos na ako sa inyo ha? Yun ang akala nyo, tignan natin kung hanggang saan aabot yang pagtatanan nyo dalawa" tahimik na sambit ni Isabela habang nakasulyap sa malayo
Habang nasa biyahe..
Tahimik na nakatingin sa bintana sa Barbara..
"Uy?" pagtawag ni Raphael
"Bakit?" sagot ng dalaga
"Tahimik ka?" tanong ni Raphael
"Wala, unang beses ko kasing ginawa ito sa buong buhay ko" sambit ni Barbara
"Nagsisisi ka ba?" deretsong tanong ni Raphael sabay iwas ng tingin sa dalaga
"Hindi ako nagsisisi Raphael.." iniharap ng dalaga ang mukha ni Raphael sa kanya
"Bakit malungkot ka?" tanong ni Raphael
"Sabi ko di ba unang beses ko itong ginawa sa buong buhay ko kaya medyo naninibago ako, pero di ako nagsisisi na sumama sa iyo.." sambit ni Barbara habang nakatitug sa mga mata ni Raphael
"Sigurado?" tanong ni Raphael
"Alam mo ang kulit mo, Oo nga!" tatawang sambit ni Barbara
"Bakit ka naman natatawa?" tanong ni Raphael
"Masama ba tumawa sa itsura ng mukha ng taong mahal ko?" sambit ni Barbara
"Ay ganon.." lungkutan mukha ang sinagot ni Raphael
"Oh walang ganyanan.." panunuyo ng dalaga kay Raphael
"Sige na naniniwala na ako, pasalamat ka.." di na natapos ni Raphael ang sasabihin ng..
"Mahal mo ako..alam ko na yun.." sambit ni Barbara
Naging maayos ang naging biyahe ng dalawa hanggang sa makarating sila sa kanilang paroroonan..
Batangas....
"Narito na tayo.." sambit ni Raphael
"Ang laki naman ng bahay bakasyunan na ito Raphael, sigurado ka dito tayo tutuloy?" sambit ni Barbara habang pinagmamasdan ang paligid
"Oo, may permiso naman sa may-ari tsaka, di naman tayong dalawa ang nandito.." sambit ni Raphael ng may lumapit sa kanila
"Kayo ho ba si Raphael, ang pinsan ni Señorito Paulo?" tanong ng isang ginang na nangangalaga sa bakasyunan na iyon
"Ako nga ho, kayo ay marahil si Manang Sesil.." sagot ni Raphael
"Ako nga iho, narinig ko mula sa Señorito na dito muna kayo tutuloy, ganon ho ba?" tanong ni Manang Sesil
"Ganoon nga po Manang" masayang sambit ni Raphael
"Mabuti kung ganoon, sandali, maharil ang binibini bang iyong kasama ay iyong kabiyak na?" tanong ni Manang Sesil na ikinigulat ni Barbara
"Naku, hindi ho manang, siya po si Barbara, siya ay aking kasintahan, tsaka kami mga bata pa para maging magkabiyak.." natatawang sambit ni Raphael
"Ganoon ba, pasensya na, pero mahusay ka pumili iho, napakaganda at mukhang mabait ang iyong kasintahan" masayang sambit ni Manang
"Salamat po Manang, ako yata ang masuwete sa aming dalawa, sapagkat ako ang kanyang pinili na maging kasintahan nya.." masayang turan ni Raphael
"Nakikita ko nga ang lubos na pagmamahalan nyong dalawa kahit na sa murang edad nyo pa lamang.." sambit ni Manang Sesil
"Salamat po Manang" sambit ni Barbara na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Raphael
"Paano? ihatid ko na kayo sa inyong tutulugan?" pag-aaya ng tagpangalaga
"Sige po.." at sumunod na ang dalawa kay manang Sesil
================================
BINABASA MO ANG
Does History Repeats Itself?
FanficNaniniwala ka ba sa katagang 'History repeats itself?' Maraming nagsasabing totoo nangyayari ito, ngunit para sa dalawang tao ito, 'Past is Past and never been back, Its just a history and it will never happen' Maging tunay kaya ang katagang kanilan...