Chapter 21: Meet the Rebel Troops

55 5 0
                                    

Josh's POV

Masaya kaming nag-eenjoy ni Bambi sa Timezone ng biglang...

"Long time, no see!! Diones!!!" napatigil kami ni Bambi sa kasiyahan namin ng magsalita si..

"Jimbo?" gulat kong sambit ng makita ko si Jimbo kasama ng mga dati kong tropa I mean former rebel troops, na walang ginawa kung di ako ang ipain sa lahat ng maling gawain na gusto nilang gawin

"Buti naman natatandaan mo pa ako Josh Diones!! Akala mo ba makakatakas ka sa ang atraso mo sa amin!!?" ngisi ni Jimbo, alam kong trouble tong mga to, kailan protektahan ko si Bambi laban sa mga ungas na to

"Josh? Sino sila?" takang tanong ni Bambi

"Bambs, ilagay mo na sa bag mo ang mga stuff toys mo, bilis!!" bulong ko sa kanya at agad nyang inilagay ang mga stuff toys nya sa bag nya

"Bakit? Anong problema? Sino ba sila?" bulong pabalik ni Bambi matapos niyang ilagay sa bag ang mga stuff toys

"Diones? Bakit di mo man lang kami ipakilala sa girlfriend mo?" say ni Jimbo, nanlaki ang mga mata ni Bambi tumingin sa akin

"Di ko pa sya girlfriend okay!!? Pwede ba Jimbo, wag na wag mong idamay ang bestfriend ko dito, pwede ba umalis na kayo!!" matapang kong sagot sa ungas na to

"Di mo pa pala sya girlfriend hah? So pwede mag-apply sa cute at maganda mong bestfriend?" talagang sinusubukan ako ng lalaking to ah

"Sabi ko sayo, wag na wag mong idamay si Bambi eh, ang tigas ng bungo mo rin eh noh" akmang susugudin ko na si Jimbo ng pigilan ako ni Bambi

"Josh, wag mo nang patulan, please!!" mahinahon sambit sa akin ni Bambi

"Tama nga naman ang bestfriend mo Diones, wag mo na kaming patulan, kasi baka umuwi kang basag ang mukha mong yan!!" natatawang sambi ni Jimbo na lalong ikinakulo ng dugo ko

"Ano ka ngayon Josh? Mukhang humina ka na ngayon, hah!!" pang-aasar ni Dan, kanan kamay ni Jimbo sa mga rebeldeng gawain ng grupo

"Sabi ng tumigil na kayo eh!! Pwede!! Umalis na kayo!!" banta ko sa kanila pero..

"Ah ganun, paano kung ayaw namin hah?" hinila ni Jimbo ang kwelyo ko

"Jimbo, tigilan nyo na to!!" rinig kong pagmamakaawa ni Bambi

"Alam mo Miss, tuturuan lang naman namin tong kaibigan mo gumalang sa dati nyang mga kaibigan na pinagtaguan kami at bigla na lang nagtransfer ng school!!" seryosong sagot ni Jimbo kay Bambi habang hawak hawak pa rin nya ako sa kwelyo ng damit ko

"Bitiwan mo nga ako ungas ka!!!" pilit kong kumawala pero no used, badtrip bat ba ang hina ko pagdating sa ganto?

"Bitiwan, edi bitiwan!!" napabagsak na lang ako sa sahig ng bitawan ako ni Jimbo

"Boys do the honor!!" mando ni Jimbo, patay ako nito, 1 against 3

"Josh!!" sigaw ni Bambi, kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mukha, wala sya magawa para tulungan ako

Nakatikim ako ng isang tadyak mula kay Dan, ang sakit non!! nakikita kong nakatulala lang ang mga naglalaro sa Timezone sa nangyayari, isang sipa sa likod naman ang tinamo ko sa isang pang miyembro nila

"Jimbo!! Ipatigil mo na to please!!" naiiyak ng sabi ni Bambi kay Jimbo

Bugbog sarado na ako sa grupo nila Jimbo, at patuloy pa rin  nila akong binubugbog ng...

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon