Chapter 2: Panliligaw Agad!?

106 5 0
                                    

Pagpapatuloy....

"Anong sinabi mo!?" gulat na sabi ni Barbara

"Pakiulit nga Raphael, anong sabi mo nililigawan mo na ang kaibigan ko? Parang ang bilis naman ata ng mga pangyayari kanina lang ikaw pa itong galit nung binangga mo sya, tapos ngayon manliligaw ka na, ni hindi pa nga kayo ganoon magkakilala, diba kapapasok mo lang dito sa eskwelahan namin" sunod sunod na sambit ni Ligaya na walang preno

"Kaya nga naman Raphael, kay bago bago mo palang dito sa amin, panliligaw na agad ang gagawin, at sa lahat pa ng babae dito, itong si Barbara pa ang napili mong ligawan, eh hindi nga pinapaligawan ng mga magulang nya iyan, aral muna bago ligaw, tsaka..." di na natapos si Linda ng

"Pwede magsalita?" sabat ni Raphael na nakahawak pa rin sa kamay ni Barbara

"Masusunod" sambit ni Ligaya

"Sa totoo lang, Oo nagalit ako kanina nung nabangga ko siya, gusto ko lang naman humingi ng pasensya sa mga inasal ko sa kanya kanina eh.." pagpapaliwanag ni Raphael

"Tapos?" si Ligaya

"Humihingi sana ako sa inyo ng permiso na kung pwede ko syang ligawan.." pagtatapos ni Raphael, lalong nanlaki ang mata ni Barbara

"Hep!! Hep!! Mister Raphael, tinatang--" hindi natapos si Barbara ng

"Sinasagot mo na sya Barbara!" gulat na sambit ni Linda

"Patapusin mo muna ako Linda, pwede?" sambit ni Barbara na ikinatahimik ni Linda

"Raphael, tinatanggap ko na ang pasensya mo sa nangyari kanina, pero tungkol sa panliligaw na gusto mo, hindi pa ako handa sa ganyan, tsaka yan ang kabilin bilinan ng aking mga magulang na mag-aral muna bago magpaligaw, pasensya ka na" sabay bitaw sa pagkakahawak kay Raphael

"Pasensya na rin, unang araw palang ng klase ko dito sa inyo, ganto agad ang hanap ko sa inyo, pero sana pwede maging magkaibigan tayo? Pwede ba?" lahad ng kamay ni Raphael sa harap ni Barbara

"Basta walang pagyayabang na magaganap ha?" banta ni Barbara

"Pangako, magiging  mabait akong kakaklase at kaibigan sa magandang binibini katulad mo" sabay taas ng kamay si Raphael na ikinatawa ni Crisanto at Angelo

"Uso na pala ang baduy sa panahon ito!" natatawang sambit ni Angelo

"Mabuti kung ganon, simula ngayon magkaibigan na tayo!" pagtanggap ni Barbara sa pagkakaibigan ni Raphael na may ngiti sa kanyang mga labi

"Dyan nag-uumpisa ang lahat, kaibigan nauuwi sa ka-ibigan!" hayag ni Ligaya

"Okay tama na iyan at kumain na tayo, malapit ng matapos ang oras ng kainan" sambit ni Crisanto at nagsikain na silang anim

Pagkatapos ng panghuling klase...

Sabay-sabay na lumabas ng paaralan sila Barbara, Ligaya, Crisanto, Linda at Angelo ng..

"Huy! Sandali.." sigaw ni Raphael na pagod na pagod sa kahahabol sa lima

"Bakit ka tumatakbo? Hinga na hingal ka tuloy.." pag-aalala sabi ni Barbara

"Naku, nag-uumpisa na.." pinandilatan ni Ligaya si Crisanto kaya natahimik ito

"Hinabol ko kaya kayo, gusto ko sana sumabay sa inyo pauwi" sambit ni Raphael na hingal na hingal pa rin

"Hindi pa kami uuwi Raphael, maaga pa naman, pupunta muna kami sa pahingahan namin pagkatapos ng klase" sambit ni Barbara

"Saan naman iyon?" takang tanong ni Raphael

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon