Chapter 26: Can I Court You?

37 5 0
                                    

Josh's POV

Monday Morning...

This is it!! The first move I will do is to court her without her knowing, surprise nga di ba!! and I want the entire Westridge to witness my Day 1 courtship to my lovely princess..

End POV

Papasok na ng gate ng school ang girls, kaya on cue na ang boys with matching kankuntsaba sa ibang school mates nila

"Miss para sayo!!" isang student sa Westridge ang nagbigay ng isang rose kay Bambi, laking taka naman niya..

"Anong meron?" tanong ni Bambi sa student na nagbigay

"Sorry miss.." agad na tumakbo ito palayo

"Iba ka na talaga sis!! May pa rose sa Monday morning.." pang-aasar ni Belle at nagpatuloy ang girls sa paglalakad ng may isa na naman nagbigay ng rose kay Bambi..

"Meron na naman? Ano bang meron dito ngayon?" takang taka na si Bambi

"Bambs, ang dami talagang nag-aadmire sayo!!" kinikilig na sambit ni Aya, at nagpatuloy sila sa paglalakad ng meron na naman nag-abot ng rose kay Bambi

"Ang dami naman nito? Sino naman kaya may pakana nito?" tanong ni Bambi sa girls at nagkibit balikat lang ang mga ito, this time may nakabuhol sa rose na notes, kinuha nya ito at binasa..

"Come to the basketball court, Im waiting.."

"Ano daw nakalagay sis?" sabay hablot ng notes sa kamay ni Bambi

"Ayyyy!!! Sino naman ito!!???" irit ni Belle at nakiusyoso na rin si Luisa at Aya

"Go na girl!!!" sabay tulak ni Aya kay Bambi

"Grabe manulak Aya ah!!" reklamo ni Bambi

"Girl, wag ng pakipot pa!! Go na!!" sambit ni Luisa

"Sige na.." tanging sambit ni Bambi, at pumunta na sya sa Basketball court at syempre nasunod sa kanya ang girls without her knowing..

Basketball Court..

Nakarating na si Bambi sa Basketball court, laking gulat nya na ang daming balloons at petal of roses ang nagkalat, ng lumapit sa kanya si Rick nagbigay rin ng rose..

"Sorry Bambs, napag utusan lang" say ni Rick at sumunod naman na nagbigay si Kris

"Same answer as Rick, Bambs!!" ngiting sambit ni Kris and finally si Jacob

"Oh pati ikaw?" takang tanong ni Bambi kay Jacob

"His waiting Bambs.." tanging sambit ni Jacob at umalis ito

"Ano ba talaga nangyayari dito?" sambit ni Bambi

Nang may biglang nagsalita sa likuran ni Bambi, tumingin sya sa likuran, laking gulat nya..

"Hi Princess, or should I say my princess.." sambit ni Josh habang papalapit kay Bambi na may dalang boquet of roses

"Josh, ikaw may gawa ng lahat ng ito?" tanong ni Bambi

"Hindi ba halata.." biro ni Josh ng makalapit sya kay Bambi at binigay ang boquet of roses sa kanya

"Thank you!!" ngiting sambit ni Bambi

"You like it?" tanong ni Josh sa kanya

"Akala ko naman may nang titrip sa akin dito eh!!" sambit ni Bambi

"Bakit? Mukha bang trip to?" tanong ni Josh na medyo nagsad face

"Oh? Ayan ka naman, lungkot face ka naman,  sayang ang chinito look mo kung malulungkot ka, ano ba kasi ang lahat ng gimik mong to?" simpleng tanong ni Bambi, pero instead na sagutin sya ni Josh ay lumuhod ito sa harapan nya, nagulat si Bambi sa naging aksyon ni Josh

At nagsilabasan na ang lahat ng students sa may bleachers at kinikilig sa nakikita nila..

"Josh..anong ibig sabihin nito?" nagtatakang sambit ni Bambi habang nakaluhod si Josh sa harap nya

"Bambs, sila lahat ang magiging witness ko na magpapatunay na... I want to take this friendship of ours to the next level.." umpisa ni Josh

"Josh..I know that I already confess my feelings for you two weeks  ago, pero di ba sabi ko sa iyo na I need to consult this to my parents and --" di na pinatapos ni Josh sa pagsasalita si Bambi

"Bambs, you don't need to worry about that matter because.." biglang may nagflash na video message sa led screen ng basketball court ng school, laking gulat ni Bambi na ang parents nya ito

"Anak, alam namin na sa ngayon nasa harapan mo na ang lalaking nagpapasaya sayo, don't worry anak, dahil alam na namin na he is special to you and he also said that you are special to him, pasensya ka na at inilihim namin ang lahat ng ito, pero alam namin ng mommy mo na kailangan mo pang magpaalam sa amin oras na mangyari ang nakikita mo ngayon, di mo na kailangan gawin yun anak! dahil ang lalaking nasa harap mo ay naglakas loob na magtapat sa amin na mahal ka nya, at humingi sya ng permiso sa amin ng mommy mo kung pwede ay ikaw ay kanyang ligawan, alam mo anak! mabait na bata yang si Josh, at alam namin na kahit na maikli palang ang pagsasama nyong dalawa ay nakita namin na masaya ka kapag kasama sya, dahil anak, kung saan ka masaya, susuportahan ka namin ng mommy.." video message ni Ted para kay Bambi

"Pero anak!! Wag na wag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa iyo, students pa lang kayo, kaya kahit na pumayag kang magpaligaw dito kay Josh  ay wag na wag nyong dalawa pareho na kakalimutan na mag-aral mabuti at know your limitation okay ba anak? So, its up to you to decide if you will accept this gimik of him, basta anak we are all here to support you okay? Josh ikaw ng bahala iho!!" sambit ng mommy ni Bambi sa video message

Humarap muli si Bambi sa nakaluhod pa rin si Josh..

"Nung unang gabi ko sa inyo, naglakas loob na akong humarap sa parents mo para mahingi ang permiso nila, happily they permit me to do this, so Bambi, saksi ang buong student body, I want you to answer this question of mine, Miss. Bambi Fortez, can I court you?" finally Josh said it, lahat ng tao ay nakatingin kay Bambi sa kung ano ang sasambitin nito

"Yes na yan!!! Yes na yan!!" sigaw ng buong student body

"Woohoo!!! Go JoshBi!!!!!" sigaw pa ng ibang girls sa student body

"Sis!! No more pakipot effect, sumagot ka na!!" sigaw ni Belle

"Josh, tumayo ka na nga dyan!!" pinatayo ni Bambi si Josh

"So?" sambit ni Josh, hinihintay ang sagot ni Bambi

"Sige na, pwede ka ng manligaw Mr. Josh Diones!!" sagot ni Bambi, na ikinasigaw ng buong student body

"YES!!!" napayakap na lang si Josh ng mahigpit kay Bambi

Nagkatinginan ang barkada at sabay sabay na sumigaw...

"SANA ALL!!!! May manliligaw!!" natatawang sigaw ng barkada

Kumalas si Josh sa pagkakayakap...

"Thank you Bambs!! I Love You!!" masayang sambit ni Josh

Imbis na sagutin sya ni Bambi, ay hinalikan na lang sya ni Bambi sa pisngi, lalong dumagundong ang buong gym sa sigawan

"Saka na ang 'I Love you too' kapag sinagot na kita okay?" ngiting sambit ni Bambi

"As you wish, my princess!!" sambit ni Josh

=================================================================

OMG!! Officially courting na si Juswa..KV!!

Ano na kaya ang susunod na mangyayari?

Abangan..........


Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon