Chapter 40: People Behind The Story

40 5 0
                                    

Josh's POV

Nagulat si Tita Ligaya ng tanungin sya ni Bambi na kung sya ba ang nagsulat ng librong kinuwento sa akin ni Bambi kanina...

"Alam mo ang tungkol don iha?" biglang tanong ni tito Gelo kay Bambi

"Yes tito.." sambit ni Bambi, nabalot ng katahimikan ang lahat, napansin ko lang na parang naluluha si tita Ligaya

"Tita, naiyak po ba kayo?" biglang tanong ko kay Tita Ligaya

"Ah hindi iho, may naalala lang ako, Oo nga pala Bambi, saan mo nabili yung libro?" tanong ni Tita kay Bambi

"Sa isang bookstore po sa Manila, actually nag-iisa na lang po yan eh nung nabili ko kasi feel ko pong may something sa libro kaya nabili ko po ito" say ni Bambi

"Alam nyo, yung librong yun ang pinaka espesyal na nagawa ko sa lahat ng isinulat kong libro, alam nyo kung bakit?" say ni Tita, nagsiupo muna kami sa couch sa office ni tito para comfortable, katabi ko si Bambi

"Isa po kayo sa nasa kwento di ba po? Kayo ni Tito Gelo at Tito Crisanto at si Tita Linda? " nagulat ako sa tanong ni Bambi iyun, saan nya napupulot ang lahat ng iyun

"Bambi?" saway ko sa madaldal na bibig ni Bambi

"Josh, wag mo ng sawayin si Bambi, ang totoo nyan sa lahat ng nakabasa at nakabili ng libro kong yun, siya lang ang tanging nakadiskubre kung sino talaga ang nasa kwentong iyun.." say ni Tita Ligaya

"So totoo nga po na kayo iyun nasa kwento, si Ligaya, Crisanto, Linda at Angelo?" si Bambi, ibang klase talaga ang utak nito, infairness Im proud of her..

"Tama ka iha, kami nga yun si Tita Ligaya, Tito Crisanto, Tita Linda mo at ako si Tito Angelo nyo ang nasa kwento.." hayag ni Tito Gelo

"Matalino ang girlfriend mo iho, it reminds me of-- " di na pinatapos ni Bambi si Tito Crisanto na magsalita

"Tita Barbara po.." say ni Bambi

"Tama ka, your characteristic reminds us of her.." simpleng sambit ni Tito Gelo

"Tito paano nyo naman po nasasabing katulad ni Bambi si Tita Barbara?" sumabat na ako sa usapan

"Not just Bambi, you too Josh, Both of you have the same similarities as them, your Tita Barbara and Tito Raphael.." hayag ni Tita Ligaya

"Po? pati ako? Kay Tito Raphael?" anong connection namin sa mga taong matagal ng patay

"So lahat ng nasa libro ay totoong nangyari?" sambit ni Bambi

"Totoong nangyari yun Bambi, lahat ng yun, as you can see today, kami lang ang nakikita nyong buhay, at si Tita Linda nyo na nasa Amerika ngayon.." pahayag ni Tito Crisanto

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon