Monday Morning...
Bambi's POV
Maaga ako ngayon nagising, ako na rin nag prepare ng breakfast namin, all set na ako nakabihis na rin, hintayin ko na lang sila mommy at daddy na bumaba pati si Ate..
"Aga natin sis ah!!" bati sa akin ni Ate
"Kain na ate!! Ako nagprepare lahat ng yan!!" tanging sambit ko
"Wow!! Ang dami naman pang breakfast nyan, ikaw bunso ang naghanda?" masayang sambit ni daddy kasama si mommy
"Sa tingin ko Ted, may favor yang bunso natin kaya siguro naghanda ng breakfast? Tama ako no Bambi?" say ni Mommy
"Actually mommy, daddy, pwede po bang dumito po muna si Josh this week? Kasi aalis po kasi ang ate nya may seminar daw po sa Baguio, eh wala pong makakasama si Josh don, kung pwede lang naman po?" nahihiyang favor ko
"Kung sa akin, okay lang naman, kakaawa naman ang kaibigan mo kung mag-isa sya sa kanila, ewan ko lang sa daddy mo?" tanong ni mommy kay daddy
"Sure, walang problema sabihin mo na lang kay manang Pipay na ipaayos ang guest room, kailan ba magstay si Josh dito?" tanong ni daddy sa akin
"Mamayang gabi po ang start, ihahatid po sya dito ni Ate Rose kasama ng gamit nya po for the week, gabi po kasi ang alis ni Ate Rose pa-Baguio then Sunday morning na po ang balik nya.." paliwanag ko kila mommy
"Iba na talaga si Miss Future Valedictorian, gagawa ng paraan para maalagaan ang bestfriend nya!!" pang-aasar ni ate
"Ate, tigilan mo nga ako.." sambit ko
"Oh kumusta na nga pala yan si Josh? Okay na ba ang mga sugat nya?" tanong sa akin ni Mommy
"Medyo okay na naman po, pero sabi po ng doktor eh wag daw po masyadong magaslaw, nagkaroon rin po kasi sya ng mild fracture sa left leg nya kaya naka cast po sya ngayon, after 2 weeks pa po bago tanggalin po iyun..." kwento ko kila mommy
"Buti na lang talaga ay inilipat yan si Josh sa school nyo kung hindi ay mas malala pa yan matatamo ng kaibigan nyo sa mga dati nyang kaibigan.." say ni Mommy
" Kaya nga po mommy.." say ko
At nagsikain na kami...
"Mommy, Daddy pasok na po kami!!" paalam namin ni ate kila mommy
"Sige, mag-iingat kayo hah, Bambi papasok ba si Josh ngayon?" tanong ni Mommy sakin
"Opo, sabi po kasi ni ate Rose na wag na muna pagaling po muna sya, eh mapilit po eh, ayaw nya daw po mahuli sa lessons.." say ko kila mommy
"Naku mommy, maniwala po kayo kay Bambi, sis ang sabihin mo, hindi matiis ng bestfriend mo na hindi ka makita ganon" eto na naman si ate
"Oh sya sya!! pumasok na kayo baka mahuli pa kayo sa klase nyan sa pang-aasaran nyo" say ni Mommy at tuluyan na kami umalis papuntang school
Westridge High..
Sa may Gate...
"Bambs, Belle!!" nandito na pala sila Aya, Kris, Jacob at Rick
BINABASA MO ANG
Does History Repeats Itself?
FanficNaniniwala ka ba sa katagang 'History repeats itself?' Maraming nagsasabing totoo nangyayari ito, ngunit para sa dalawang tao ito, 'Past is Past and never been back, Its just a history and it will never happen' Maging tunay kaya ang katagang kanilan...