Chapter 17: Texting War

45 5 0
                                    

Josh's POV

Afternoon Class....

Nasa kalagitnaan na kami ng klase, at si Ms. Taray very attentive talaga, may pinapatunayan, hindi ako pinapansin ngayon, ka-boring naman, wala akong maasar..well let see about that later!!

Bell Ring....

"Okay Class Dismissed!! Don't forget your assignments for tomorrow okay?" say ni mam

"Yes mam!!" sabi ng mga masunurin kong kaklase kabilang na doon si Ms.Taray

"Bambi, tapos ka na ba?" rinig kong tanong ni Aya kay Bambi

"Mauna ka na Bess, hintayin mo na lang ako sa may gate baka nandun na rin sila Ate" rinig kong say ni Bambi

"Ok, bilisan mo dyan ah!" say ni Aya at lumabas na ito, and here we are again, the two of us..

"Bambi?" nagsalita na ako

"Bakit na naman?" tanong niya ng hindi tumitingin sa akin

"Wala lang, di mo kasi ako pinapansin kanina" say ko

"At ano naman ang mapapala ko pag pinansin kita aber?" mataray nyang sabi

"Para makita ko lang ang cute mong mukhang umuusok na sa inis!!" natatawa kong sabi

"Ah ganon!!? Ewan ko sayo!!" binatukan ako sabay alis, grabe may pagkabiyolente rin pala ang babaeng yun

Hay!! Ms. Taray, ang cute mo talaga pag inaasar, Oooopss did I say cute for the second time? Nako!! Nevermind!! Makalabas na nga

End POV

Bambi's POV

Buysit na lalaking yun, wala na talagang magawa sa buhay kung di mang asar, naku!!! Kung di lang talaga sya singkit at cute!!! Naku!!!!

"Hoy Bambi? Okay ka lang?" nagulat ako ng tapikin ako ni Ate

"Kaya Bambs? Ano na naman problema?" tanong ni Luisa

"Si Josh na naman yan noh? Inasar ka naman ba?" tanong ni Aya

"Buysit na lalaking yun talaga!! Nanahimik na ako, paalis na ako oh,  nagsalita na naman sya, hindi ko raw siya pinapansin, pakealam ko naman sa kanya, eh wala naman akong mapapala sa kanya, tapos may pasabi sabi pang gusto nyang makita ang cute kong mukhang umuusok sa inis, okay na sana ang cute na mukha eh, sinamahan pa ng uumusok sa inis, grabeh!!! Feeling cute at gwapo!! Ano ako!!? madadala sa pang aasar nya at papacute, naku!!!" pagkukwento ko sa kanila at iisa lang ang lumabas sa kanilang mga bibig nila

"Bambi Fortez, I think he likes you?" sabay sabay na sabi  nila Ate, Luisa at Aya

"Ano!!? Yun lalaking yun na ubod na mang-aasar, may gusto sa akin? nagkakamali kayo na hinala sa asungot na yun, halata naman pang-aasar lang ang alam non!!" depensa ko sa kanilang tatlo

"Kung hindi ka nya gusto? eh bakit ikaw na lang nang ikaw ang pinapansin nya?" tanong ni Ate, may point si Ate bakit nga ba ako lang lagi inaasar ng asungot na singkit na yun?

"Ewan ko!! Wala lang sigurong magawa sa buhay ang lalaking yun, kaya ako lang lagi pinagtitripan, buysit na lalaki na yun!! First day of School ko nasira dahil sa lintek na Juswa yung feeling gwapo!!" say ko ng may nagsalita sa likuran ko

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon