Chapter 9: Galit ng Magulang

40 6 0
                                    

Sa Tahanan nila Barbara....

"Pwede ba anak!! Layuan mo na ang lalaking yun!!! Ang babata nyo pa para sa gantong kaseryosong relasyon" panenermon ng ama ni Barbara

"Barbara, anak! makinig ka naman sa tatay mo, ituon mo na lang ang atensyon mo sa pag-aaral mo" sumabat na ang kanyang ina

"Yan na lang po ang laging bukang bibig nyo sa akin, pag-aaral, ituon mo na lang ang atensyon sa pag-aaral, hindi ba pwedeng maramdaman ko naman ang sumaya" sambit ni Barbara sa kanila

"Sumaya? at sinong nagpapasaya sayo? ang lalaking yun?" sambit ng kanyang ama

"Oo" simpleng sambit ni Barbara

"Anak naman!!! Ganyan na ba katigas ang ulo mo!!!" sigaw ng kanyang ama

"Barbara, kailan pa tong kahibangan pinaggagawa mo ha?" tanong ng kanyang ina

Nanatiling tahimik si Barbara hanggang sa..

"Ano!!? Kailan pa to!!" galit ng kanyang ama

"isang taon na!! Masaya na po kayo!!" sambit ni Barbara na medyo pasigaw hanggang sa...

Isang sampal ang natikman ng dalaga sa kanyang ama...

"Isang taon mo na kaming ginagawang tanga!! simula ngayon di na kayo magkikita ng sinasabi mong taong nagpapsaya sayo!!" banta ng kanyang ama

"Hindi pwede!!!" sambit ni Barbara habang pinipigilang pumatak ang kanyang luha

"Bata ka pa!! kaya kami ang masusunod!!" sambit ng kanyang ama

"Hindi." huling sambit ni Barbara at tumakbo sya paakyat ng kanyang kwarto at padabog na binagsak ang pinto

Samantala...

"Isabela, bakit mo naman sinabi sa mga magulang ni Barbara ang tungkol sa kanila ni Raphael?" tanong ni Leila

"Natural, kailangan malaman ng mga magulang nya ang mga kalokohan ng magaling nilang anak" natatawang sambit ni Isabela

"Hindi ka ba natatakot na baka mapano si Raphael sa kamay ng tatay ni Barbara?" tanong uli ni Leila

"Magsisilbing leksyon yan kay Raphael sa pagpili nya sa babaeng yun kaysa sa akin, na di hamak na mas maganda pa ako sa Barbara iyun!" sambit ni Isabela na may ngisi

"Isabela, ika'y nagseselos lang kay Barbara dahil sa ating lahat si Barbara ang magaling sa klase tapos ngayon sila pa ni Raphael na unang kita mo palang sa kanya, gusto mo na sya kaso si Barbara pinili nya.." hayag ni Leila

"Manahimik ka nga, ang mahalaga sigurado akong sira na relasyon nilang dalawa, sigurado akong naiyak na ngayon ang babaeng iyon" ngisi ni Isabela

Sa Kabilang banda naman...

"Paeng, okay ka lang pare?" sambit ni Crisanto habang naglalakad sila para ihatid si Raphael sa kanila

"Okay lang ako pare.." tipid na sagot ni Raphael

"Mukhang okay ba iyan mukha mo, parang binaksakan ng langit at lupa" sambit Ligaya

"Iniisip mo pa rin si Barbara?" tanong ni Angelo

"Oo eh, mahirap man aminin pero natatakot ako na ngayon alam na ng mga magulang nya ang totoo, paano kung paglayuin kaming dalawa, di ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun, isang taon palang kami magkasama, tapos paglalayuin lang" buntong hininga ni Raphael

"Raphael, sigurado naman akong hindi papayag si Barbara, mahal na mahal ka nun" sambit ni Linda

"Sana nga, dahil alam kong pinaghihigpitan na lalo si Barbara ng mga magulang nya" sambit ni Raphael

"Nandito lang kami pare, tutulungan ka namin at lagi mong tatandaan suportado namin kayo ni Barbara, tandaan mo yan" akbay ni Crisanto kay Raphael

"Salamat sa inyong tatlo, paano dito na ako, baka mahalata pa ng nanay ko na nandito kayo, gabi na oh" sambit ni Raphael at pumasok na sya sa kanila

"Tandaan mo Paeng, barkada tayong anim, suportado natin ang isat isa.." huling sambit ni Crisanto bago tuluyan silang umalis

Balik kay Barbara...

"Barbara!!! Buksan mo ang pinto, bata ka!! kausapin mo kami!! Tigilan mo na ang mga relasyon relasyon na yan!! Bata ka pa!! naiintindihan mo ba!!" sigaw ng kanyang ama na kinakatok ang pinto ng kwarto ni Barbara

Makalipas ng isang oras....

Hindi na lumabas ng kanyang silid si Barbara at nanatili naiyak hanggang sa...

Tumunog ang kanyang telepono...

"Raphael?" sagot ni Barbara sa kabilang linya

"Barbara? Kumusta ka na?" pag-aalalang tanong ni Raphael

"Eto, mahirap pero kinakaya, ang sakit sakit ng ginawa sa akin nila.." hikbi ni Barbara

"Tahan na, alam kong nahihirapan ka, ganon rin ako.." sagot ni Raphael

"Raphael, ayaw ba nila akong maging masaya?" hikbing tanong ni Barbara

"Syempre gusto nila, walang magulang ang ipagkakait sa kanilang anak ang kasiyahang gusto nito" sambit ni Raphael

"Pero bakit ganon sila? Pinipigilan nila akong maging masaya" si Barbara

"Lahat naman may dahilan eh kaya nangyayari ito sa ating dalawa" sambit ni Raphael

"Paano tayo?" tanong ni Barbara sa kabilang linya

"Tayo pa rin Barbara, tandaan mo yan, Mahal na mahal kita" sambit ni Raphael na alam nya makakapagpagaan ng nararamdaman ng dalaga

"Mahal na mahal din kita Raphael, hindi ako papayag na paglayuin nila tayo" sambit ni Barbara

"Ano mang mangyari, gagawa ako ng paraan makita at makasama lang kita okay?" sambit ni Raphael

"Alam ko, kaya minahal kita eh.." ngiting sambit ni Barbara

"Ako din, di lang sa talino mo sa klase kung di sa simple ikaw kaya kita minahal" masayang sambit ni Raphael

"Salamat Raphael.." sambit ni Barbara

"Para sayo..Kaya wag ng iiyak pangit sa mahal ko ang naiyak ha?" sambit ni Raphael

"Bolero, tigilan mo ako..pano tulog ka na alam kong may pasa ka sa mukha dahil sa tatay ko, pasensya na ha" si Barbara

"Wala ito, malayo sa bituka, masakit pa nga yung nilayo ka nila sa akin kanina, wala man lang akong nagawa.." sambit ni Raphael

"Okay lang yun, mahalaga okay ka, na hindi ka napuruhan" sambit ni Barbara

"Ikaw din, sige na, tulog ka na, mahaba pa ang gabi, Mahal na mahal kita" si Raphael

"Mahal na mahal din kita.." si Barbara

================================

Abangan ang susunod na kaganapan...

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon