Chapter 3: Nagkakamabutihan

60 5 0
                                    

Pagpapatuloy....

Umpisa na ulit ng umaga, kaya lang...

"Barbara!!!!??" sigaw ng kanyang ina mula sa baba

"Nariyan na po nay!!" sambit pabalik habang nag-aayos pababa sa kanilang sala ng..

"Magandang umaga, Barbara!" masayang sambit ni Raphael

"Uhm..Raphael, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" nauutal na sambit ni Barbara

"Sinundan kita kagabi, sinigurado ko lang naman na ligtas kang makakauwi sa inyo kaya ayun.." paliwanag ni Raphael

Nanatiling nakatulala si Barbara kay Raphael ng may humila sa kanya..

"Barbara, sino naman yang lalaking iyan? wag mong sabihin manliligaw mo iyan, naku makakatikim ka sa akin at sa tatay mo! kabilin bilinan ko sayo magtapos muna bago ka lumandi.." pabulong na banta ng kanyang ina kay Barbara

"Nay naman, lumandi agad, tsaka hindi ko po siya manliligaw, kaibigan ko lang po siya, tsaka wala pa naman sa isipan ko ang magpaligaw,  sabi nyo nga po diba aral muna bago ligaw" sambit ni Barbara

"Siguraduhin mo lang bata ka! naku! oras na malaman kong nagpaligaw ka  lalo na ang tatay mo, ewan ko lang!" muling nagbanta ang ina ni Barbara

"Opo! sisiguraduhin ko po!" pangako ni Barbara

"Barbara, tara na andyan ang sasakyan ko, pwede ka nang sumabay?" yaya ni Raphael

"Sige, nay una na po ako!" paalam ni Barbara

Bago sila makalabas ng bahay, sinenyasan siya ng kanyang ina tungkol sa pangako nito

Pagkatapos ng pang umagang leksyon...

Canteen...

"Naku! sabay na naman sila oh!" panunukso ni Angelo

"Huy! Angelo manahimik ka nga dyan, baka may makarinig sayo.." sambit ni Barbara sabay upo katabi si Raphael

"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na nahuhulog ka na dito kay Raphael--" hindi natapos ni Angelo ang kanyang sasabihin ng masamid si Raphael sa kanyang iniinom

"Oh! Raphael, dahan dahan naman sa pag inom, eto panyo oh, punasan mo muna yang damit mo nabasa oh" abot ni Barbara ng panyo kay Raphael

"Salamat, nabigla lang siguro ako sa pag inom" sambit ni Raphael

"Naku Raphael, ang sabihin mo nabigla ka na nahuhulog na sayo itong si Barbara" si Crisanto naman

"Huy!!! kayong dalawa manahimik nga kayo dyan!! " banta ni Barbara

"Ang tanong? totoo nga ba Barbara?" si Ligaya naman ang nakisali

"Dali na Barbara umamin ka na" si Linda naman

"Kayo talaga, wala talaga kayong magawa noh!" sambit ni Barbara

"Wala naman masama kung aaminin mo sa amin di ba?" si Ligaya

"Tigilan nyo nga, wala kayong malalaman" pagmamatigas ni Barbara

"Huwag niyo ng pilitin si Barbara" pagtatanggol ni Raphael

"Pasalamat ka inawat na kami ng kaibigan o di kaya ka-ibigan mo!!!" sabay tawa ng apat

"Hay ewan ko sa inyo!! Makabalik na nga sa klasrum, tara na Raphael!!" sambit ni Barbara, at sinundan naman siya ni Raphael papuntang klasrum

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon