Chapter 55: Eight Years Later

89 5 0
                                    

Walong taon na rin ang lumipas simula nung kagimbal gimbal na pangyayaring iyon..

Nasa Batangas muli ang barkada sa resort ng tito ni Josh na si Gelo, tapos na lahat ang barkada sa kanilang pag-aaral at ngayong stable na sila with work and especially their love life, kasal na sila Jacob at Belle as well as Rick and Luisa, Engaged couple naman sila Kris at Aya..

Naging maayos na rin ang lahat dahil finally pinagbayaran na nila Lexa at Jimbo ang mga kasalanan nila...

Enjoy na enjoy ang buong barkada sa resort ni Gelo..

Samantala...

"Anong iniisip ng Mahal ko?" sabay back hug ni Josh sa kanyang pinakamamahal na si..

"Wala, iniisip ko na lang sobrang dami na ng nangyari last eight years ago!" tama kayo ng iniisip, si Bambi nga ang nagsalita

"Sobrang daming trials, pero tignan mo naman ngayon, buhay pa rin tayo pareho" simpleng sambit ni Josh habang naka-back hug parin kay Bambi

"Kaya nga, yung buong akala mo ay katapusan na natin, na magagaya tayo sa kapalaran ni Tito Raphael at Tita Barbara..." say ni Bambi habang patuloy na pinagmamasdan ang dagat

"Alam mo Bambs, di ko alam ang gagawin ko kung namatay ka nung araw na iyun, siguro susunod na rin ako.." paglalmbing ni Josh

Humarap si Bambi kay Josh...

"Juswa! Sobrang arte mo!!!" natatawang sambit ni Bambi sabay kurot sa ilong ni Josh

"Aray naman!!!" reklamo ni Josh matapos kurutin ni Bambi ang ilong nya

"Sira ka kasi, susunod ka sa akin kung namatay ako noong araw na yun, ano.ka si Romeo?" sambit ni Bambi

"Syempre, malulungkot lang ako kapag wala ka sa tabi ko.." pag-iinarte ni Josh

"Asus!!! Eto tatandaan mo hah, hindi ako mawawala sa tabi mo, promise yan!! Kita mo naman nine years na tayo magkasama, iiwanan pa ba kita?" say ni Bambi

Bigla na lang nagsitakbuhan ang barkada at pinalibutan sila Josh at Bambi...

"Teka? Anong meron?" takang taka si Bambi sa naging aksyon ng barkada kasama na sila Gelo, Ligaya, Linda at Crisanto

Lumuhod bigla si Josh sa harap ni Bambi..

Gulat na gulat si Bambi sa mga nangyayri..

"Gaya ng sinabi mo Bambs, nine years na tayong magkasama, pero gusto ko for life na tayong magkasama, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa --" sambit ni Josh sabay labas ng singsing mula sa kanya bulsa

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon