Chapter 28: Tampuhan Blues

58 6 0
                                    

4 days after...

Simula nung nag headlines si Bambi at Josh sa site ng Westridge, ay medyo na lie-low ang panliligaw ni Josh dahil hindi sya pinapansin ni Bambi, apat na araw na, nakatulala ngayon si Josh sa kwarto nya ng..

"Hoy!! Tulala ka na naman dyan" muntik ng mahulog sa kama si Josh ng bulabugin sya nila Jacob, Kris at Rick

"Mga tol, uso kumatok.." sambit ni Josh sabay ayos ng upo

"Bro, may good news sa atin si Jacob!" sambit ni Rick sabay tabi kay Josh ganun din si Kris at Jacob

"Ano naman yun?" tanong ni Josh

"Mga bro! Pinayagan na ako ng parents ni Belle na manligaw kay Belle.." masayang sambit ni Jacob

"Nice one bro!! Graduate ka na sa pagiging torpe.." apir ni Kris

"Good for you bro.." malungkot na sambit ni Josh

"Bat parang di ka masaya bro para kay Jacob? Teka, di ka pa rin pinapansin ni Bambi no?" say ni Kris sabay akbay kay Josh

"Ganun na nga, simula ka si nung naging headlines kami sa site ng school, eh bigla na lang sya natahimik at hindi ako kinikibo.." hayag ni Josh

"Apat na araw na yan bro, mahirap yan, nanliligaw ka palang sa kanya, ayusin mo yan pare, ang alam ko kasi, hindi sanay si Bambi na pinagchichismisan sa school, oo alam natin na maraming nanligaw sa kanya pero hindi naman napagchichismisan sa school, first time lang ngayon, di lang talaga sanay yun sa ganun, sabi mo nga simpleng babae lang yan si Bambi, so ano plano mo?" kwento ni Rick

"Alam ko na pare.." masayang sambit ni Kris

"Ano naman yun bright idea mo ha?" tanong ni Josh kay Kris

"Di ba sabi mo, ang style ng panliligaw mo ay old style, nagawa mo ng maging close sa parents nya, ngayon naman, para magbati kayo dalawa, idaan mo sa harana!" pagmamalaki ni Kris

"Harana talaga bro? baduy!!" sambit ni Rick, binatukan naman sya ni Jacob

"Uyuy!! Di baduy yun no.." sambit ni Jacob

"Harana? kailan ko naman gagawin yun hah?" tanong ni Josh

"Mamayang gabi!!" say ni Kris

"Agad agad bro? eh wala pa naman ako nasasaulong kanta gamit ang gitara ko.." reklamo ni Josh

"Don't you worry bro!! we got your back!! Di ba Jacob?" sambit ni Kris kay Jacob

"Oo naman, ikaw Rick sasali ka ba?" tanong ni Jacob kay Rick

"Sige na nga, kahit puro kabaduyan ang naririnig ko sa inyo tatlo.." sambit ni Rick at nabatukan na naman sya, this time si Kris naman

"Nakakarami na kayo ah!!" reklamo ni Rick

"Salamat mga tol ah!!" ngiting sambit ni Josh

"Sus!! wala yun bro, tsaka what are friends are for di ba?" say ni Rick

"Himala, may maganda ka ngayon nasabi bro ah" asar ni Kris

Does History Repeats Itself?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon