❤Chapter One: Part 2❤

25.8K 504 9
                                    

NEMA:




Itinirik ko ang mga mata ko sa taas habang tinitingnan ang mga babaeng kapwa ko estudyante habang nagtitilian sa parking lot ng Univesrity kung saan ako pumapasok..

Akala mo naman artista ang pinagkakaguluhan nila..

Huminto ako at sinuri ang mga nasa crowd..

Anyare?

Sumikat ba ang araw sa kanluran?

Wala yata sina Charmaine at mga alepores niya sa grupo ng mga kababaihang halos maglupasay na sa kilig dahil sa nag iisang tao lang naman..

Sino pa ba ang tinitilian ng mga babae at baklang estudyante dito sa Univesrity?

Iisang lalaki lang naman ang kinababaliwan ng lahat pwera lang sa akin.

Ang suplado,antipatiko at babaerong ubod ng yaman at sikat na Varsity Player..

At nag uumapaw sa sex appeal, aminado ako doon,Ang anak ng biliyonaryong si Michael John Lorenzo lang naman..

Si John Andrie Lorenzo..

Napapailing ako habang umiba ng daraanan..makakasalubong ko kasi siya kasama ng mga nagtitiliang mga kababaihan na pilit siyang hinahabol..

Hindi ko na isasama sa mahabang listahan ng mga babaeng nagkandarapa sa kanya ang pangalan ko..

Such a waste of time..

Ako ang klase ng taong di mag aaksaya ng panahon sa mga bagay na alam kong malabo at di pwedeng mangyari..

Kung gusto kong mangarap yung alam kong may katuparan at may chance na magkakatotoo..

John Andrie is such a illusion in the real world..

Sa mga katulad ni John Andrie..para ka lang nag iilusyon na mapapansin ka niya..

Sa panaginip mo lang pwedeng makasama ang katulad niya..

In reality..suntok sa buwan kung maaabot mo at makakapasok ka sa mundo nito...

Nailing uli ako..habang ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa locker room..

Mga taong mababaw ang kaligayahan..kulang na lang sambahin ang lalaking iyon..

Mag susummer break na kaya ang mga estudyante di na ganon ka busy at ang free time nila inilalaan na lang sa pagpapantasya kay Lorenzo..

Ito na ang huling semester ko sa sikat at private University na ito.

Hinihintay ko lang na matapos ang mga grades ko..

Nagrequest na ako sa registral Office..para sa madaliang pagbibigay sa akin ng TR ko..

Walang nakakaalam kahit na sino man pero Confirmed na ang Ticket ko papuntang Amerika sa susunod na linggo..

Finally..napapayag narin ako ni Auntie Arlene na sumunod sa kanya sa State..

Kung buhay pa si Lola..never akong papayag na sumunod kay Auntie...pero dahil wala na siya..wala na akong maidadahilan pa sa kanya..at isa pa siya ang nagpapaaral sa akin..

Kailangan kong sumunod sa gusto niya..

Honestly,ayaw kong manirahan sa ibang bansa..

Mahirap makibagay sa kultura ng ibang lahi..

Pero do i have any Choice?

Kaya ako nakakapasok sa exclusive and private University na ito..ng dahil kay Auntie..

Malaki ang ang sahod ni anti sa state..

Bilang Finance Consultant sa isangma malaking Investment Fund Company sa NYC

FINDING NEMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon