Nema:
Pagbaba na pagbaba namin sa parking lot ng Saint lukes..
Nakuha ng atensyon ko ang komosyon sa entrance ng hospital..
Maraming tao at may mga alagad pa ng kapulisan na pilit itinataboy ang napakaming miyembro ng media na nagkakagulo sa mismong entrance ng hospital..What happen?
Siguro may importanteng personalidad silang inaabangan..
Ganun naman talaga ang media saan may scoop at balita doon sila..Nagulat ako ng hinawakan ni Andrie ang kamay ko .
Nilingon ko siya nasa mata ko ang pagtatanong dahil sa dami ng mediang nasa entrance..Pero hinila niya ako sa ibang direksyon.
Napasunod ako sa kanya pero pilit ko paring nililingon ang maraming taong nasa entrance..Nakapalibot sila sa isang ambulasiya
Baka may namatay o na ospital talagang sikat na personalidad sa ospital na ito..Kung ordinaryong tao lang di pag aaksayahang ng mediang pag ukulan ng pansin yun..
Pumasok kami sa isang pintuan..
Saka ko lang napansin na papasok na yun sa Lobby ng hospital..Napahanga ako sa napaka eleganteng lobby ng hospital.
Naririnig ko lang ang Saint Lukes na one of the best private hospital in the country pero never pa akong napunta dito kahit nong nandito pa ako sa pinas noon..Napapikit ako ng mariin..
alam na alam ko ang rate ng ganitong ospital..
Sa private room pa lang nito magbubutas kana ng bulsa..This hospital is screaming for wealth..
Binitiwan ako ni Andrie ng matapat kami sa sofa..
"Stay here..ako na bahalang makipag usap "
"But Andrie..."
"Shhhhhh..Just stay here..ill take care everything..Major shareholders ang pamilya namin dito"
Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo..
Wala akong nagawa kundi tumango at dahan dahan napaupo sa sofa..
Nasundan ko lang siya habang papalapit sa Receptionist..Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng malawak na lobby..
Napatuon ang paningin ko sa grupo ng medical staff at di baba sa sampong lalaking nakasuot ng pang Men in Black outfit..
May hinihintay sila sa elevator..
Nakatuon lang ang paningin ko sa elevator..Nanlamig ang katawan ko ng iluwa noon ang stretcher na may nakahigang natatabunan ng telang puti..
Meaning patay na ito..
Kinilabutan ako..
May mga pulis din na nakaantabay sa exit door ng ospital..Nakasunod lang mga mata ko sa bawat galaw nila..
Ngayon ko narealize na ito marahil ang hinihintay ng maraming media sa labas..
BINABASA MO ANG
FINDING NEMA
Romance"I will give you two options Miss Car Jacker" First, I will sue you and put you in jail and pay the damages for my car? Second, You'll going to stay and sleep with me in three nights in a row sa Resthouse ko sa Tagaytay ?" Ano ang pipiliin ni Nema...