Chapter Three-Part One

25.8K 567 35
                                    

NEMA:






Mga sampong minuto narin akong nakasandal sa isang kotse na nakaparking malapit sa Lamborgjini ni John Andrie Lorenzo..medyo madilim na ang bahagi ng parking lot na ito ng  University may mga mangilan-ilang pang taong di nakakapasok sa gym..mamaya-maya papasok na rin ang mga ito sa loob pag nagsimula na ang game..

Nasa intrance ng gym sina Charm,Donna at Mia
According to Charm last text..

Hininintay ko lang ang go signal mula sa kanila
Pag nagsimula na ang laro doon na namin gagawin ang plano..

Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko sa pagbutas ng apat na gulong ng bagong-bagong kulay pulang Lamborghini ni John Andrie Lorenzo..

Salamat kay Kuya Lando at pinahiram niya ako ng mga gamit..tinatanong niya ako kanina kung saan ko gagamitin ang mga hiniram ko pero ang idinahilan ko may aayusin lang akong sasakyan ng isang kaibigan..
Mabait naman si Kuya lando lalong lalo na ang asawa niya..
Kaya kahit anong pabor ang hilingin ko sa kanila..di sila tumatanggi..

I really don't want to do this stupidity pero napasubo na ako..ang ipinagdarasal ko na lang di ako mahuli..

Mabuti na lang nakapark ang sasakyan ni  Andrie Lorenzo malayo sa kinalalagyan CCTV kung hindi talagang wala akong kawala...

Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin..nanlalamig ang mga kamay ko..sa totoo lang ninenerbiyos ako ng sobra...

Minsan gusto ko ng mag back out sa kabaliwang ito..pero kilala ko si Charmaine...may pagka maldita pa naman iyon minsan dahil nga nag iisang anak ng isang maimpluwensyang pulitiko kaya ganun.

Knowing her,Unica iha siya ng mayaman at powerful congressman.

Siguro kailangan ko lang talagang mag ingat at bilisan ang bawat kilos ko para matapos na itong kalokohang ito para makauwi na ako..

Nagulat ako ng magvibrate ang Phone ko sa kamay ko..

Thank God..ang pinakahihintay kong message mula kay Charmaine.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko..

It's showtime Nemy..the game is just started..John Andrie is in the hardcourt now..Good Luck! Call me when everythings done

Based sa mga naririg kong hiyawan sa loob ng gym..mukhang tama ngang nagsisimula na ang game..

Mabilis kong binura ang message at sa kasamaang palad na delete all ko ang lahat ng message sa Inbox ko pati mga message ni Anti arlene siguro dahil sa sobrang nerbyos..at saka bigla akong nairita..sa message ni Charmaine...

Bakit ba ako nasuot sa kompromisong ito?

Marahas kong ibinulsa ang Phone ko..Nandito na ito..kailangan ko nang panindigan..

It's now or Never..

Wala akong inaksayang sandali..maingat akong lumapit sa sasakyan ni Lorenzo..

Pero napahinto ako sa paglapit ng biglang sumagi sa isipan kong baka may emergency alarm ito? Imposibleng wala?
Sa ganito kamodernong sasakyan talagang may alarm ito at oras na hinawakan ito sigurado akong tutunog ito at makukuha niya ang atensyon ng dalawang guards sa di kalayuan..

Bakit di ko naisip iyon?

Ang tanga-tanga ko talaga!

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko
Kinuha ko ang Phone ko..this is not gonna work at all
Tatawagan ko na lang si Charmaine.

Nakadalawang ring lang ang phone niya..agad ko ng narinig ang boses niya..

"Yes Nemy..Done?"

FINDING NEMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon