Moon 1

201 5 1
                                    

                        chapter 1
                             
Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.old

Maessy's POV

"Gising!"
Hindi masiyadong malakas, di rin naman mahina ang pang gigising ko.

"Scarlet ano ba!"
Pag uulit ko nang hindi niya ako narinig. Nakalatay siya sa damuhan sa ilalim ng puno.

"Mmmm"
Ungot niya habang inaalog alog ko.
Bahagya ko pang hinipo ang leeg niya.
"Okay ka lang ba ha? Ang init mo"

"Mm-m"
Tanging sagot niya. Na nanatiling naka pikit.

"Scarlet naman eh! Ano ba kasing ginagawa mo dito.."
Nag aalalang tinig ko, ang dungis dungis ng suot niya na para bang magdamag siyang naruon sa puwesto niya.

"Maessy..."
Tawag niya sakin habang nakapikit.

"Wuy! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namuong luha, hindi niya ako sinasagot dahil sa kalagayan niya pero gusto ko paring malaman ang sagot niya.

Dahil sa pag alala ko ay kinapa ko ang cellphone sa bag ko at dali-daling di-nial ang number ng daddy ni Scarlet.

"Tito...."
Gumaralgal na ang boses ko at konti nalang ay tutulo na ang namuong luha ko.

"Maessy hija? What happened?"
Nag aalalang tanong niya matapos marinig ang boses ko na pipiyok na dahil sa pagpipigil kong maluha.

"Help..tito, Scarlet...is"

"Scarlet-what?"
Nag aalalang tugon ni Tito, batid kong sobra sobra na ang pag aalala niya kay Scarlet.

Ilang minuto pa'y sinundo kami ng daddy ni Scarlet kasama ang mga iba pang kasamahan nito. Hindi palang nakahinto ang kotse ay nagmamadali nang bumaba si tito papunta sa anak na nakahiga na ngayon sa hita ko. Sobrang init ni Scarlet na kapag tatagal ay nakakapaso. Sabay sabay na inakay si Scarlet pasakay sa kotse kasama ang daddy niya.

"What was just happened Maessy?"
Taas tonong tanong ni tito sakin.

"I don't know .. I really don't know...tito..nadatnan ko nalang siyang nakahandusay..."
Nakayukong sagot ko na hawak hawak ang aking mukha.

"Oh my-! Scarlet.."
Nagmamadaling sumakay si tito sa kotse at sumunod naman ako.

Sa biyahe palang ay kitang kita ko kung gaanong nag alala si tito habang nakatingin sa anak nito na putlang-putla.

"What the hell- are you doin' there Scarlet?"
Singhal ni tito sa walang malay na anak, mahihimigan ang naghahalong galit pero lamang parin ang pag aalala.

"Please- calm down.."
Boses ni tita na ngayon ko pa lang napansin na kasama pala siya. Kung gaano'ng nag aalala si tito ay mas lalong nag aalala ito.

"How can I calm down..my god..look at our daughter..."


Walang ano ano'y narating namin ang hospital nang hindi nalalaman. Agad na inasikaso si Scarlet ng mga assign doctors and nurses. Dumating naman sila mommy at daddy para konsultahin ako lalo na si Scarlet.

"Maessy anak, are you okay?"
Tanong ni mommy nang makalapit siya at tumabi sa kinauupuan ko. Dahil sa matinding niyerbis at pag aalala ay umiling na lang ako.

"Sorry anak.... Hindi akma ang tanung ko..."
Tanging nasabi ni mommy, mas lumapit pa siya sa kin at yinakap ako sa tagiliran. Lumipas pa ang ilang minutong katahimikan bago ako nakapag salita.

"I don't know what to do mom...I really don't know, if I was there to stand beside her... it would'nt be happened.."
Tsaka lang lumabas ang kaninang pinipigilan kong luha, luha na may kasamang hikbi na nakakapanikip ng dibdib.

"Shhh.. anak, no one thought it would be happen okay? Its not your fault anak.. don't think that way.."
Pagtatahan ni mommy sakin,  habang hinimas himas ang aking likuran. Maya maya pa'y lumabas galing emergency room sila tita.

"How is she?"
Tanong ni mommy sa mag asawang papalapit sa gawi namin.

"She's okay, according to the doctor she need a proper rest..."
Sagot ni tito na nakaharap na sa amin.

Bahagya akong tumayo na nakayuko sa harapan nila.
"Im sorry tito.. I'm really sorry.."
Papaluhang ani ko na nakahawak ang aking sariling mga kamay sa isa't isa.

"No, Maessy its not your fault, aside dapat nga naming magpasalamat sa iyo dahil ikaw ang nakakita sa kaniya"

"Pero po..."

Lumapit sakin sila tita at tito para yumakap sakin.

"Gagaling din siya okay? She will be.."
Tsaka sila kumiwalas sa pagkakayakap at bahagyang ngumiti ngunit makikita parin ang lungkot.

Nagpa alam muna ako sa kanila, dahil kailangan ko nang kaunting pahinga at makapag ayos sa sarili. Inalalayan ako ni kom na makasakay sa kotse hanggang sa pagbaba.

"How is she? Is she awake now or what?"
Hindi paman ako naka pasok ay sinalubong na ako sa asungot kung kuya.

"Yah! Kailangang magpahinga ng kapatid mo"
Pagpipigil sa kaniya ni mon ng akma itong lalapit sakin at nagpupumilit na malaman ang sagot sa kalagayan ni Scarlet.

"Wae! Wae! Wae? What's on asking if she's okay or not?! Huh!"
Pangungulit parin nito na nakaharang na sa dinadaanan ko papuntang kwarto.

"Pwede ba! Tigil tigilan mo ko diyan sa kaka-korean mo ah! Kelalaking tao.. nakiki adik...Tabi!"

"Why don't you just answer me? It's a simple yes or no? Why is it hard for you to answer that short?"
Seryosong ani Kuya Michael.

"Why don't you visit her yourself?"
Striktong sagot ko na ikinalaki ng mata niya at padabog na lumakad paalis.

Nang makarating ako sa aking silid ay nagpa alam na ako kay mom na ako nalang ang papasok sa kwarto ko't kaya kong mag isa. Nag ayos ako sa sarili tsaka nagpahinga.

To be continued

SELENOPHILE |completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon