chapter 13
➳ Kelly "ely" Miller 18yrs.oldKelly's POV
Inirapan ko lang si Rinz dahil nagyayabang na naman, I just want to check his phone if wala ba talaga siyang kinuhang video kagabi. I knew him that much, na kahit hindi mo sabihan ay ginagawa niya.
Nagulat nga ako kagabi na naruon siya and the worst is alam kung ako ang ipinunta niya.
Naroon siya sa kwarto niya ngayon kaya malaya ako kung ano mang gawin ko ngayon. Hindi ko na nakakausap at nakikita sila Messy lalong lalo na kay Scarlet na hindi pa masiyadong naka alala.
Nagpa alam ako kay manang na aakyat na munang kwarto, nang makapasok ay diretso kung kinuha ang phone na nasa pouch na dinala ko kagabi sa club. Hindi ko pa kasi na aayos ang mga gamit ko since last night dahil sa pagod at naka inom narin naman ako.
Bago ko pa mang naisipang i dial ang numero nila Scarlet ay napansin ko ang naka kalat ko pang pinag suotan kagabi sa pintuan ng banyo ko. Medyo malansa ang amoy nito kaya lumapit ako para pagmasdan. Mukhang nasukahan ko ang damit, pero maliit lang at nasisiguro kong may damit pa unang dumapo ang suka ko bago pa nadaplis sa damit ko.
Hindi ko naman nasukahan si Rinz ah?
Ilang beses pa muna ako nag isip pero wala akong matandaan na may nasukahan ako kagabi. Hindi naman imposibleng hindi ako nasuka, kaya huminto na ako sa kaiisip at dinampot ang nakakalat na damit. Bago ko pa man ito naipasok sa washing ay may nahulog na bagay.
Bahagya akong yumuko para maaninag ang isang bagay. Isang maliit na box, at dahil hindi ako mahilig sa mga ganung bagay ay binaliwala ko ito at nagpatuloy sa ginagawa. Nilagay ko sa washing lahat ng mga napagsuotan kong damit bago bumalik sa kama.
Nang mahanap ko ang numero ni Scarlet ay agad ko itong tinawagan pero nakailang missed calls na ako ay walang sagot mula sa kaniya. Nakakapagtaka lang dahil, ni isang beses ay hindi niya ako pinag hintay na sagutin niya ang tawag ko pero ngayon ay nakakapagtaka talaga. Tinawagan ko rin si Maessy pero gaya ni Scar ay hindi ito sumagot.
Pabagsak kong nilagay ang phone ko sa side table at dumeretso sa banyo para maligo. Hindi ako nagtagal sa pagligo, pumili ako ng damit na masusuot na pambahay at bumalik sa kama. Namuo ang excitement ko nang mag ring ang phone ko, mabilis ko itong kinuha pero gaya ng mabilis kung pagpulot sa phone ko ay mabilis ring naglaho ang excitement ko ng makita ang unregistered number sa screen.
Unknown number
Get it back.
10:45am
Lalong nangunot ang noo ko sa nabasang mensahe. Wala akong ka ide-ideya kung sino ang nag text at para saan . Lahat ng kakilala ko ay nakarehistro ang numero nila sa phone ko.
Saan nito nakuha ang number ko?
Dahil sa pagtataka ay mabilis akong lumabas ng kwarto at lumihis sa silid ni Rinz. Hindi ko alam kung bakit ako narito, kumatok muna ako bago pumasok.
Bumungad sa akin ang tahimik at malinis na silid. Hindi ko siya nakita kaya sumilip ako sa balkunahe.
"What are you doing here?"
Bahagya akong napaindak sa kinatatayuan ko ng magsalita siya sa likuran."Why did you startled me?!" Hawak ko ang dibdib ko dahil sa pagkabigla. Umangat naman ang kaniyang mga kilay wariy nagtatanong kung ano ang ginagawa ko sa kwarto niya. "Do you know who is this?" Mataray kung hinarap sa kaniya ang phone ko para makita niya ang nakarehistrong numero.
Bumali ang kaniyang liig habang pinagmamasdan ang numero na naniningkit ang mata.
"Malay ko? Cellphone ko ba yan!?"
Nangunot ang noo ko sa sagot niyang pabalang. Nakangisi siyang tumalikod at umupo sa couch.Sinundan ko naman siya ng tingin habang kinukuha ang remote at pinindut para manuod ng palabas.
Nanatili akong nakatayo habang nakapamewang."I don't know who that is, so you can get out now" Ani niya na diretsong nakatingin sa pinapanood na palabas. Seryoso siya kaya wala na akong nagawa pa.
Bumuga ako ng malalim na buntong hininga bago mabigat na naglakad palabas. Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita siya.
"Try to remember whom you with last night so you can figure it out what that thing you should give back" nahinto ako sa sinabi niya, may punto naman siya pero kahit anong isipin ko ay wala akong natandaan na may hiniram ako kagabi na dapat kung isauli.
Hinarap ko siya, nasa palabas parin ang atensyun niya kaya bumaling ako sa pinto. Habang naglalakad ako ay pilit ko paring iniisip ang mga pangyayari kagabi gaya ng sinabi ni Rinz, narating ko na ang kusina pero wala talaga akong maalala.
Dumeretso ako sa ref at kumuha ng gatas. Hindi ako mahilig sa ganito pero parang gusto ko ito ngayon. Umupo ako sa kitchen island habang titig na titig sa mga bagay bagay na nakikita ko.
Nahinto ang paningin ko sa kahon na nasa taas ng cabinet habang tinigtigan ko iyon ay bigla kung naalala ang kahon na nakita ko sa kwarto ko kanina. Nang mapagtanto ko na baka yun ang bagay na tinutukay ng unknown number kanina ay dali dali akong tumayo.
"Ba't ka ba nagmamadali hija? Maupo ka muna't tapusin mo muna iyang gatas na iniinum mo" naudlot ang pagmamadali ko ng pumasok si manang sa kusina dala ang mga grocery bags.
Wala akong nagawa kaya bumalik ako sa pagkakaupo.
"Hindi ko ata nakita ang kotse mo sa garahe?" Dagdag ni manang habang nilalapag ang pinamili. Bahagyang umangat ang kilay ko ng tumingin na siya sa akin.
"Po?" Tanging sagot ko.
"Narinig kong may bumusinang kotse kagabi bago ka pumasok ng bahay, kaya imposibleng hindi mo dala ang kotse mo..."
Nangunot ang noo ko lalo sa dinagdag ni manang. Tinitigan ko pa muna siya para masigurong hindi ba siya nagsisinungaling pero talaga ngang nagsasabi nga siya ng totoo.
"Marami kana sigurong nainum kagabi kaya pinagmaneho ka ni Rinz hindi ba?" Tumango tango pa si manang. Tumugon narin ako para hindi na madagdagan pa ang sinasabi niyang nakakadagdag lito sa akin.
Nang hindi na nagsalita pa si manang ay minadali kong inubus ang gatas ko bago mabilis na dumeretso sa garahe.
Nahinto ako sa paglalakad ng makitang tama ang sinabi ni manang.
Wala nga ang kotse ko'
Where the hell my car is?
