chapter 15
➳ Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.old
Maessy's POV
"Scar!" Tawag ko kay Scarlet ng naglakad ito palayo at ngayon ay hindi ko na makita. "Scarlet!" Malakas na tawag ko, halos na libot ko na ang buong campus pero wala parin akong makitang Scarlet.
Pagkatapos kasi nang pangyayari kanina ay natulala ako dahil sa mga narinig ko. Yun tuloy ay hindi ko napansin na naglalakad na pala siya palayo. Habang ang lalaki naman ay nanatiling nakatayo. Nasa gate na ako ngayon ng campus at hindi ko na naabutan lahat ng klase ko dahil sa paghahanap. Medyo madilim na at konti na lang ang estudyate.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bag at sa kasamaang palad ay lowbat at pumiyok din ng ma on ko ito.
"Bad trip!" Pabagsak kong inilagay pabalik ang phone ko sa bag. Hindi ko matawagan sila Rinz ngayon kaya mas mabuti nalang muna na umuwi ako.
Pumara ako ng taxi ng makitang wala itong sakay at sinabi agad sa driver ang address ng bahay nila Tita. Wala kasi ang sasakyan ni Scarlet sa parking area na ginamit ko kaninang umaga nang dumaan ako ruon, may duplicate key siya kaya hindi siya mahihirapan.Habang nasa byahe ay lumingun lingun ako sa paligid nagbabasakaling madaanan ko si Scarlet. Malalim na ang hapon pero medyo maliwanag parin dahil sa sinag ng malaking buwan.
Sinilip ko sa bintana ang malaking buwan kung saan ang sarap sa pakiramdam itong pagmasdan. Nakakamangha na sa tagal tagal na panahon kong nakikita ang buwan ay ngayon ko pa lang ito natiigan ng ganito. Kahit wala pang mga ilaw sa lansangan ay ma aaninag parin ang daan dahil sa liwanag ng buwan. Lumalayo na ang sasakyan ay parang sinusundan ako ng buwan kahit alam ko naman na hindi.
Ilang minutong pagbabyahe ay narating ko na ang bahay at lumabas matapos iabot ang bayad sa driver. "Mag ingat ka ineng.." nahinto ako ng sabihin ni manong driver iyun, wala namang masama sa sinabi niya pero parang may ibang kahulugan ito. Tumango lang ako kay manong bago isinara ang pinto at nagpatuloy.
Tahimik ang labas ng bahay nila Tita dahil sa ganitong oras ay nasa trabaho pa naman sila. Agad akong pumasok sa naka awang na gate kaya umaasa akong naka uwi na si Scarlet. Pero ng makapasok ako nang gate ay walang ibang kotseng naka garahe at bumungad sa akin ang malamig na hangin. Wala rin namang kotse na nakaparada sa sa labas.
Pumasok ako ng bahay at lumapit kay manang, "Ouh hija, ba't nag iisa ka lang ata ngayon? Hindi mo kasama si Scarlet..?"naunahan ako ni manang sa pagtatanong ng makita niya akong nakatayo sa harapan niya.
Nangunot ang noo ko, "Po? Hindi pa po ba siya nakauwi?" Nagtatakang tanong ko, pinagmasdan ko ang buong bahay at tama nga ako—si manang lang ang nag iisang tao rito. Tumaas ang kilay niya sa tanong ko tila nagtataka, kahit hindi ko na tanungin ay alam ko na ang sagot.
Dumeretso ako sa taas at pumasok sa aking silid, chinarge ko ang na drain kong cellphone bago kinuha ang isa ko pang cellphone sa cabinet. Nagpalit ako ng damit bago nag message kay Rinz.
Compose message
To: Rinz
Nandiyan ba si Scarlet?
Sent.
Agad akong lumabas ng silid matapos mapindut ang send button. Pababa na sana ako ng mapansin ang kwarto ni Scarlet, madadaanan ko pa kasi ang kwarto niya bago ako makababa. Nakabukas ang dim light sa loob, at naka awang ang pinto.
Sa aking pagtataka ay dahan dahan akong pumasok at iniwang nakahukas ang pinto. Bumungad sa akin ang kumikinang niyang kwarto, mula sa sahig hanggang sa kisame. Nakakamangha na ang mga moon designs ng kwarto niya ay umiilaw.
At ang pinaka nakakamangha ay ang black carpet na may glowing printed moon sa harap ng sliding door papasok sa balkonahe, nakabukas ang pinto nito kaya naglakad ako papalapit sa balkonahe. Sentrong sentro ang buwan sa spot na kinatatayuan ko ngayon. Sa katititig ko sa malaking buwan ay napansin ko ang malaking plasa di kalayuan sa bahay na pinasukan ko ngayon. Sentro mismo ang buwan sa plasa na yun.
Nang matandaan ko na, ang lugar na yun ang pinuntahan ni Scar nung isang gabi na sinundan ko siya ay naisipan kung puntahan iyon. Palabas na akong kwarto ni Scarlet ng may nahagip ang aking paningin. May kung anong kumikinang sa side table, nang lumapit ako para ito'y pagmasdan ay nadatnan ko ang glowing in the dark na papel. Para makumpirma na glowing in the dark nga ang papel na yun ay pinindut ko ang switch ng ilaw.
Nakakamangha na ang kaninang papel na kumikinang ay wala ng sulat ngayon, pinindut ko pa uli ang ilaw at bumungad sa akin ang dilim. May kung anong nakasulat sa papel. Hindi ito hand written ni Scarlet.
" I love you to the moon and back?" Basa ko sa nakasulat sa papel.
Masiyadong malalim ang pinahihiwatig ng sulat kaya wala akong nagawa kundi pangunutan ito ng noo. Pinakatitigan ko pa ang papel na ngayo'y yo'y hawak hawak ko na, kapansin pansin ang mga halo halong letra na nakapalibot sa binasa kong salita
g h t o o n m i l v r e i r?
Yan ang nga letrang nakapalibot, ramble ang mga words kaya hindi ko mawari kong ano.
Imbis na isipin kung ano ang salita ay nilagay ko ito sa aking bulsa at dumeretso sa baba. Nag ring ang phone ko na agad ko ring nasagot.
"Mess..." pangunguna niya sa kabilang linya. Base sa sinabi niya ay alam ko na ang sagot. "Bakit wala ba siya jan?" Dagdag niya na ikina buntong hininga ko.
"Rinz, I can't find her...wala na siya sa school maski dito sa bahay"
"Baka may pinuntahan lang Mess, come on calm down...." pagpapakalma niya, hindi niya alam ang nangyari kaya ganito siya ka kampante.
"Rinz, you don't understand"
"Talagang hindi kita maintindihan, ano ba kasi ang nangyari?" May pagtatakang tanong niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagsalita.
"I'll tell you everything when we get there..." pagtatapos ko sa usapan bago ko ibinaba ang linya. Mi-nessage ko sa kanya ang lugar kung saan kami magkikita.
Busy si manang sa kaniyang ginagawa kaya hindi na ako nagpa alam na lumabas at dumeretso sa lugar na sinabi ko kay Rinz. Palabas na akong bakuran ng tumunog ang phone ko.
1 message received
Scarlet
Im sorry...
8:23pm