chapter 3
➳ Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.oldMaessy's Pov
Habang katabi ko ngayon si Scar na nakikinig ng music sa biyahe ay pinakiramdaman ko siya, mahihita sa kanya ang pangungunot ng noo dahil sa walang matandaan. Kaya ngayon palang ay ipa paalala ko sa kaniya ang mga masasayang pangyayari.
"Natatandaan mo pa ba yang lugar na yan?"
Turo ko sa nadaanan naming parke, lumingun siya rito at pinakatitigan ang mga puno na naroon. Tinanggal pa muna niya ang earphones para makinig sa kuwento ko."Diyan tayo laging tumambay nong bata pa tayo, at duon ka mismo sa bench ng puno...habang ako ay pilit kang inaalok na maglaro pero ayaw mo ehh, ayaw mo kasi sa init" pagpapatuloy ko, na ikinangiti niya.
"Talaga? Ang arte ko naman."
Natawa siya sa mismong sagot niya, halatang hindi makapaniwala sa sinasabi ko."Oo sobra, ni hindi ka nga lumalabas ng walang sunblock eh.."
At sabay kaming nagtawanan."Pero nabago ang lahat ng iyon ng makikilala mo siya..." pagpuputol ko sa sasabihin ko.
"Siya?"
Tumango naman ako bilang tugon.
"Haha, hindi mo nga pala matandaan...siya yung tao na nagpabago sayo. Yung tipong dating Scar na natatakot mag pa araw ay naglalaro na mismo sa parke kahit tirik na tirik ang araw.." pagkukuwento ko sa kaniya, na pilit ipinapaalala ang childhood memories namin.
"Ha? Pano naman nangyari yun..?."
" Hahahah nakakatuwa ngang isipin eh na mismo bestfriend mo ay hindi ka napilit pero nang inalok ka niyang maglaro mismo sa mainit na panahon ay pumayag ka"
"Talaga? Grabe naman pala yang taong yan eh"
"Grabe talaga, siya nga yung nagpatibo—."
Tatapusin ko na sana ang sasabihin ko, kaso parang nagkaruon siya ng interes kaya... "siya yung nagpati-ntiro kasama ka...ha-ha"Pssh. Malapit na'ko don ah'
"Ahhh—h"
"Hihi oo, ganun yun..." pa lingon-lingon pa ako sa labas kunyari. "Nandito na pala tayo eh" timing din naman na sumabay ang panahon at nakarating na kami sa bahay nila Scar.
Agad na bumaba ang iba pa naming mga kasamahan para kunin ang mga gamit ni Scar at inalalayan siya papasok.
"Dahan-dahan sa pagbaba Scar.."
Inalalayan ko siya pababang kotse, meron kasing maliit na sugat sa kanang paa niya na namaga, kaya medyo nahihirapan siyang lumakad."Masakit ba ha?"
Pangungumusta ko nang makita ko siyang ika-ikang naglalakad habang inalalayan ko."Medyo makirot lang pag hinahakbang"
Hindi namin alam na may sugat pala si Scar, doon ko lang din napansin sa hospital nang sabihan kami ng doctor.
May kung anong natusok ruon ani doctor.Inalalayan ko siya hanggang sa marating namin ang kwarto niya.
"Mess, ikaw na muna bahala kay Scar ha, aayusin lang namin ang ibang kakailanganin niya" ani Tita na dahan dahang inilapag ang mga gamit ni Scar na dala niya.
"Opo tita, don't worry"
Bahagyang lumapit si tita sa anak at yumakap.
"Scar anak, magpahinga ka ng maayos ha... may aasikasuhin lang si mommy""No need to worry mom, I can handle myself.. andito naman si Maes—mess eh" sagot niya na nakatingin na sakin.
Mayamaya pa'y lumabas na si tita at dahan dahang isinara ang pinto. Nakita ko pang tumayo si Scar para pasadahan ang kabuuan ng kwarto at ika ikang naglakad patungo sa mga pictures na nasa divider.
"Ang cute mo diyan oh"
Turo ko ng hawakan niya ang picture nong 8 yrs.old palang siya. Na hawak hawak ang isang cute na puppy."Mas cute yung aso mess"
Sagot niya na ngiting ngiti na nakatitig sa aso."Haha oo nga, first pet mo yan .."
Si Snow—malungkot na pagkukwento ko.
"Pero di rin nagtagal ang pagsasama niyo niyan, nasagasaan siya after your 9th birthday" matapos kung sabihin yun ay tiningnan ko siya, para bang may kaunti siyang naalala at biglang napaluha."Snow...?"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon, natatandaan niya..."Natatandaan mo na?"
Masayang ani ko . Pero umiling lang siya. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin, nakatingin siya sa gilid ng frame na may nakatatak na salitang 'SNOW'..hay' akala ko pa naman ay natatandaan na niya..
"Hah-a oo Snow yung name niya"
Pilit na ngising tugon ko.Hays'
Ilang segundo pa'y dahan dahan na siyang naglakad papuntang kama.
"Magpapahinga na'ko Mess, pahinga ka na rin" ani niya habang ika ikang naglalakad.
"Ha—? Ah.. sige.. sige.." inalalayan ko pasiyang mahiga at dahan dahang hinila ang comforter.
"Sleep tight Scar"
Tsaka ko hinalikan ang noo niya.
Nang makita kong pumikit na siya ay dahan dahan kong pinatay ang lamp at lumabas...To be continued
