chapter 20
➳ Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.old
Maessy's POV
"Anong ibig sabihin niyan?" Diretsong tanong ko matapos binasa ni Axel ang sulat sa papel, malalim ang ipinapahiwatig at mahirap makuha ang ibig sabihin.
Nang mapagtanto ko kanina na moonlight river' pala ang mga halo halong letra na iyon ay nakita na min ang kuwentas na nakasabit sa pako ng puno. Susi ang pendat nito kaya agad itong kinuha ni Rinz para pagmasdan. Nang una ko pa lang nakita ang kuwentas ay alam ko kung sino ang nagmamay ari nun. At nasisiguro kung tama ang hinala ko. Pati si Rinz ay alam kong may hinala rin.
Hawak hawak parin ni Axel ang papel habang nakatitig parin roon. Walang sumagot sa tanong ko kaya nanahimik nalang ako. Ilang saglit pa'y kinuha ni Rinz iyon at ulit na binasa.
"Precious will be lost?" Pag uulit pa ni Rinz sa nabasa nang may pagtataka, pati ako ay medyo nalito rin sa tinutukoy na precious.
"The moonlight river.." katagang lumabas sa bibig ni Axel habang nakatingin sa buwan hanggang sa makinang na ilog dahil sa sinag ng buwan.
Napatingin din ako sa tinitingnan niya, maganda talagang pagmasdan ang bilog na buwan sa lalim ng gabi. Nahinto ang aking pagmamasid ng magsalita si Ely.
"Bakit pala kayo nandito?" Takang tanong niya sa amin, hindi ko pa kasi siya sinabihan na nawawala si Scarlet kaya ngayo'y nagtataka siya. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Rinz.
"We we're looking for Scarlet..." umiiling na pagsisimula niya, sumilay agad ang lalong pagtataka sa mukha ni Ely. Ang kaninang pagtataka ay mas lalong nadagdagan pa. Nang makuha ni Rinz ang nagtatakang tingin ni Ely ay tsaka siya nagpatuloy.
"Messy once saw Scar, na pumunta rito and kanina we found out na nandito ang kotse ni Scar" pagpapatuloy ni Rinz.
"Yeah, nakita ko rin yun.. pero, where is she now?" Dagdag pa na tanong ni Ely na mas ikina ngunot ng noo ni Rinz bago bumuntong hininga. Alam kong wala ring maisasagot si Rinz dahil wala din siyang alam.
"Hindi namin siya nakita dito, pero isa lang ang ipinagtataka ko...kung bakit nandito ang kuwentas niya..." tumingin ako sa hawak ni Axel na kuwentas kung saan may susi na pendant.
"Napansin ko rin yun, minsan ko nang nakita na suot ni Scarlet yan" Ani Rinz na malungkot na tumingin sa kuwentas na hawak ni Axel.
"Kumakailan lang nabalik ang memorya niya..." singit ko na pinagtaka ng magkapatid. Nanatili akong nakayuko.
"What? Kailan pa?"
Tanong ni Rinz habang sapo sapo ang noo."Sinabi niya sakin, pinilit ko siyang pa aminin dahil alam ko naman na nagbalik na ang memorya niya.." si Axel na ngayon ang nagsalita, alam kong yung sagutan nila Scarlet ang ipinahihiwatig niya. Tumitig ako sa kaniya.
"Pero bakit niya naman gagawin yun?" Walang hintong tanong ni Ely. Habang nakatingin sa aming tatlo.
"Hindi ko maintindihan" Umiling ng umiling si Ely at kitang kita sa hitsura niyang nalilito rin siyang gaya namin."Lahat tayo'y naguguluhan Ely at anuman sa katanungan natin ay walang ibang makakasagot kundi si Scarlet" nalilito naring sambit ko, kami lang ngayon ang tao rito sa mapunong lugar kung saan walang sino mang tao ang piling pumunta rito dahil totoong nakakatakot ang lugar.
"Pero anong kinalaman ng sulat na iyan kay Scarlet?" Tanong ko sa hawak ni Axel na papel, hindi iyon sulat ni Scarlet at kung sino man sa amin. Iba ang font ng sulat—nakakamangha.