Moon 11

11 1 0
                                        

                       chapter 11

Rincè Yi "Rinz" Wang 19yrs.old

Rinz's POV

Kakatapos ko lang ipina hinga ang sarili ko sa couch bago naisipang maglinis ng katawan.

Papasok na akong banyo para maligo ng marinig kong nag ring ang phone ko, dumiretso ako sa living area ng kwarto at kinapa ang couch pero wala akong nakita kaya ginulo ko ang kama bago nakitang umilaw ang phone sa loob ng comforter.

"Rinz, Where's Ely?" Nag aalalang tanong ni dad sa kabilang linya nang masagot ko ang tawag.

"She just went outside dad—why?" Tanong ko hawak hawak ang tuwalya.

"Follow her Rinz, kararating lang niya galing states and I don't want her to gumble again"

"Okay—dad"

"Just make sure Rinz..." may pagbabantang pagkakasabi ni dad bago ibinaba ang phone. Wala akong magawa kundi sundin siya. Minsan na kasing  may nangyari  kay Ely sa States dahil sa panggagala niya kaya ganun nalang kung maka concern si Dad.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at naisipang mamaya nalang maliligo pag kauwi dahil malalagot ako kay dad pag wala na akong Ely na maabutan roon.

Dumeretso ako sa  cabinet at kumuha ng damit pamalit, inilagay ko  sa bulsa ang phone bago pahablot na kinuha ang car keys sa side table.

Medyo binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan habang nakatingin sa phone ko na nasa harapan ko ngayon para masundan ang gps ni Ely. Malalim narin ang gabi at hindi pa ako naghapunan tanging gatas lang naman kasi ang ininum ko kanina at di na nag abalang kumain dahil sa pagod.

Nakita ng map ko na nasa isang exclusive club ngayon si Ely malayo sa village namin.

Bago ko pa man narating ang lugar ay hinawakan ko ang phone ko at di-nial ang phone niya.

Nag ring pa ito ng ilang beses bago niya nasagot.

"Rinz? Why are you calling?" May pag sigaw na sagot niya dahil sa malakas na musiko sa club at ingay ng mga tao. "Come on drink more!" Narinig ko ang lalaking marahil ay kausap niya  na mukhang nakainom na .

"Don't drink to much" Pa alala ko sa kaniya na ngayon ay tumatawa kausap ang lalaking nagsalita kanina.

"Wha—t? I can't hear you!?" Utal na sabi niya dahil sa malakas na musiko ay hindi ako masiyadong narinig. "Rinz? I'll call you later bye!" Tsaka niya ibinaba ang linya.

Sakto naman ay narating ko ang club kung nasaan siya ngayon. Hindi paman ako nakakalabas ng kotse ay tanaw na tanaw ko ang mga halo halong babae at lalaki sa labas na nagsisiyahan. May nag yoyosi, at siyempre nag iinoman.

Nakakahangang may mga foreigners din pala pero di rin naman nakakapagtaka. Nang maiayos ko ang kotse ko sa pagkakaparada ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman masiyadong strikto ang bantay ng club kaya madali akong nakapasok.

Bumungad sa akin ang malakas na tugtug kasabay ng mga iba't ibang kulay nang ilaw at mga taong di matigil sa pagsasayaw kasabay ng tugtug.

Medyo maraming tao kaya hindi ko agad nakita si Ely. Lumapit ako sa mga nakahilerang wine, umupo ako sa mataas na pabilog na upuan sa isang wine island kaharap  sa lalaking nag mi-mix ng inumin.

"What do you want to have sir?" Tanong ng lalaki habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa. May pagka tangkad ang lalaking ito at mga tattoo na halos matakpan ang braso.

"Cocktail please...."

Ngumisi ang lalaki sa sinabi ko bago nagsalita, " We don't have non alcoholic drink here sir" sagot niya na natigil sa pag mi-mix ng inumin.

"Then, I don't have order" nakangisi ko ring sagot sa kaniya, umangat ng bahagya ang itaas ng labi ng lalaki bago tumalikod.

Inilubut ko ang swivel chair na kina uupuan ko ngayon kaharap ang  mga taong di mahinto sa pag sasaya. At sa puwestong ito ay tanaw na tanaw ko ang kapatid kong hindi mahinto sa pag alog alog ng ulo na sinasabayan ang beat ng musiko.

Nanatili ako sa aking puwesto bago ko kinuha ang phone ko at sinimulang pindutin ang record. Nilapag ko sa aking hita ang camera para hindi masiyadong halata at iniwan yun hanggang sa nakontento ako.

Nasisiguro kong hindi ako nakita ni Ely at alam kong hindi siya mag e-expect na sinusundan ko siya. Hindi ako mahilig sa mga ganito kaya tanging hikab lang ang ginagawa ko dahil sa antok  habang giniwang  giwang ang upuan.

Nangunot ang aking noo ng makitang medyo malaswa na ang ginagawa ni Ely kaya wala na akong nilagpasang segundo at naisipan kong lumapit. Malapit na ako pero hindi parin niya napansin ang aking presensya hanggang sa nakatalikod na siya sa gawi ko.

Nanatili akong nakatayo sa likuran niya habang nakapamulsa. Nagtatakang tumingin sa akin ang lalaking kaharap ni Ely. Inismiran ko ito bago binalik kay Ely ang atensyun ko.

"Hey! Look at me..." malamyang tawag ni Ely na ngayo'y na sa hita na nang lalaki.

Tinawag pa ulit ito ni Ely pero hindi na sumagot dahil nakatingin na ang lalaki sa akin. Tila nagtataka kung bakit ako nanatiling nakatayo sa harapan nila. Lumingun din si Ely at napalitan ng pagtataka ang kaninang masaya niyang aura.

"Rinz..."

Ngumisi ako kay Ely bago nagsalita. "Done?...." may sarkastikong sabi ko.
Nanatiling nasa kaniya ang tingin.

Dahan dahan siyang bumaba sa hita ng lalaki bago tumayo at humarap sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mata, ilang segundo ri'y lalabas ang pagiging tigre ng babaeng ito.

"What are you doi—" Uutal utal at tila hindi makapaniwalang tanong niya pero naudlot ng komuro ako.

"Let's go home." Hinablot ko ang kaniyang kamay at hinila palabas ng club.

Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko pero hinigpitan ko ito.

"Let go of me...let go! I said let go of me Rinz!" Binitawan ko ang kamay niya sa pagkakahawak dahil sa pagpupumiglas niya.

"What are you doing here!? And why did you grab me all of a sudden way out here?!" Galit na asik niya, tinuro turo ang dinaanan namin kanina.

"I won't bother myself to come  here, if I don't ask to" walang ganang sagot ko bago ko siya tinalikuran at pumasok sa kotse.

To be continued

SELENOPHILE |completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon