chapter 12
➳ Rincè Yi "Rinz" Wang 19yrs.old
Rinz's POV
Late na akong nagising dahil sa pagod at hindi ko rin namataan ang alarm na nag ring, wala rin namang gumising. Natakpan ko ang aking mata dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko bago ko naisipang tumayo at dumiretso sa banyo. Nang maisip kong hindi na ako nakapag ligo kagabi dahil sa pagod ay dumiretso ako sa shower area.
Hindi rin ako nagtagal sa banyo at nagsimula ng magbihis, sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Bibisitahin ko siguro mamaya ang mga kaibigan ko.
Titig na titig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan ko ng kumalam ang sikmura ko dahil hindi naman ako nag hapunan kagabi. Minadali ko ang pagsusullay bago ko naisipang bumaba.
Malayo palang ay na aamoy ko na ang masasarap na pagkaing hinahanda ni Manang sa hapag. Nakapamulsa kong tinahak ang daan pababa sa living area ng namataan ko si Dad nakaupo sa couch habang nagbabasa ng diyaryo.
"Morning dad..." bati ko ng makababa ako tsaka bumeso. Naka office suit siya kaya nasisiguro kong may pasok ito ngayon.
"How's last night?" Tanong ni Dad na nanatiling nakatingin sa diyaryo.
Kumunot bahagya ang noo ko sa sinabi niya. Bago narehistro sa aking isipan ang inutos niya. At naalala ang kaganapan kagabi.
Nanatili ako sa harap ni dad bago nagsalita. "Well, Theres no word I could say..." ngumiti ako bago naisipang dumeretso sa dining.
Tumango tango lang si dad. Sa bagay hindi naman alam ni Dad kung saan talaga pumunta si Ely. Ang alam lang niya may pinuntahan.
"San ka ba galing kagabi Rinz at nagabihan ka ata?" Tanong ni manang ng makaupo ako sa hapag. Kinuha ko ang serving sppon bago nagsalin ng pagkain sa plato.
"May sinundan lang....." walang ganang sagot ko sa kaniya bago sinimulang sumubo. Alam kong naintindihan naman agad yun ni manang.
"Where's Ely? Hindi pa ba gising?"
Lingun lingung ani manang na tila hinahanap ang babaeng wala parin sa hapag."Hangover?" Nakangising sagot ko kay manang na naka angat ang taas na labi.
Nanlaki naman ang mata niya kaya hindi ko naiwasang matawa. Natatakot kasi si Manang na marinig ni dad. Ayaw niya kasing pinapagalitan kami ni dad dahil sa walang kuwentang gingawa namin.
Matapos kung kumain ay dumeretso ako sa living area. Nagbabasa pa kasi ngayon si dad sa single sofa kaya pumuwesto ako sa long couch at kinuha ang remote para maood ng palabas.
"Where have you been last night?"
Nabaling kay dad ang atensyun ko ng magsalita siya. Kakababa lang kasi ng tigre na ngayo'y nahinto sa paglalakad at humarap kay dad na nasa diyaryo parin ang atensyun."I was....." Tiningnan pa muna ako ni Ely, sinenyasan ko lang siya na nagpapahiwatig na 'wala akong alam' bago niya ibinalik kay dad ang atensyun ng tumukhim ito. "hanging out—with my fri-ends dad..." utal na dagdag ni Ely.
"In the middle of the night Ely?"
Sarcastikong tanong ni dad. Na nakatingin kay Ely ng diretso."Ye-yes dad..."
Napayuko naman ako, nagppipigil na matawa. Nakakatawa kasing isipin na kagabi ay para siyang tigre at mukhang apoy na nag-uusok pero ngayon ay gumagawa pa ng alibi.
"Its that true Rinz?" Hindi kombinsidong tanong ni dad sakin,
na binaling uli ang atensyun sa diyaryo.Inangat ko ang kaliwang kilay ko habang nakatingin kay Ely. Ngumisi ako sa kaniya bago nagsalita.
"Maybe?" Tanging sagot ko na ikina lingun sa kin ni dad nang may pagtataka.
"Maybe she's lying either she's telling the truth dad..." nakangisi kong dagdag habang nakatingin ng diretso kay Ely na ngayo'y hindi maipinta ang hitsura."Ely, pumarito kana't kumain...lalamig na itong sabaw" pambabasag ni manang sa namuong tensyun. Hindi nakasagot si dad kaya tumikhim nalang siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
Dumiretso naman sa hapag si Ely kaya wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang aking naudlot na panonood ng palabas.
Nag pa alam si dad na aalis na nang matapos ang ginagawa, kaya tumango lang ako habang pinapanood siyang makalabas at makapasok sa kotse na agad ding humarurot.
"San ka ba kasi galing kagabi Ely at kailangang sundan kapa niyang kapatid mo" tanong ni manang sa kaniya na humihigop na nang sabaw.
"Hangout with friends daw sabi niya manang..." pang aasar ko sa kaniya na ngayo'y grabe makatingin. Kung may patalim lang ang titig niya malamang na hospital na ako dahil sa pagkanda sugat sugat.
"Totoo ba iyon Ely hija?" Nagtatakang tanong ni manang, habang hinahain ang ibang mga putahe.
Humagalpak naman ako sa tawa dahil hindi nakasagot si Ely at tanging nagawa ay ngumuso. Natawa naman si manang dahil nakuha niya ang pinapahiwatig nun.
Matagal nang naninilbihan sa amin si manang, siya rin yung nag alaga kay dad nung bata pa siya kaya pamilya narin ang turing nakin sa kaniya. Wala kasing pamilya si manang kaya anak narin ang turing niya sa amin. Mas nakakaintindi pa nga siya kesa sa mga magulang namin.
Matapos kung mapanood ang pinapanood ko ay naisipan kong umakyat agad sa kwarto ko para magpahinga dahil wala naman akong gagawin. Kumakain pa kasi ang tigre habang kausap ni manang kaya lumihis ako sa taas ng walang salita.
Patalikod kong hiniga ang sarili sa malambot na kama. Nakakapagod din pala pag walang ginagawa kaya hiniga ko nalang ang sarili ko sa kama habang nakikinig sa mga huni ng ibon at ingay na gawa ng hangin.
Naisipan kong kukukustahin sila Scarlet kaya kinapa ko ang phone ko sa bulsa para sana ay tawagan siya pero wala akong nahita sa bulsa ko. Tiningnan ko sa side table pero wala, maski sa kama na hinihigaan ko kaya mabilis akong bumaba para tingnan sa couch kung saan ako nakaupo kanina.
Nasa hagdan palang ako ng mapansing nakatayo si Ely sa living area na may hawak hawak, alam kong cellphone ko iyon kaya pinanood ko siya mula sa ikalawang palapag at hindi itinuloy ang paglalakad pababa.
"How I can I help you?" Nang aasar na tanong ko sa kaniya habang nakadungaw ngayon sa ikalawang palapag. Pilit niya kasing binubuksan ang phone ko at alam kong kahit anong gawin niya ay hindi ito mabubuksan dahil may security pin naman iyon.
"Why did you put security lock Rinz..?" nababagot na sagot niya sakin na nasa phone ko parin ang tingin.
Natawa ako sa sinabi niya bago nagsalita. "Because its my privacy.... now let me ask you" inangat ko ang isa kong kilay, nangunot naman ang noo niya bago ako nagpatuloy. "Why did you touch my phone knowing that I put security lock in it?" Dahan dahan akong naglakad pababa habang nakapamulsa. At lumapit sa kaniya bago pahablot na kinuha ang cellphone na hawak niya.
"I'm telling you....you won't like it once you open my phone"
To be continued
