chapter 16
➳ Kelly "ely" Miller 18yrs.old
Kelly's POV
Pagbalik ko sa aking silid ay naroon nga ang hinahanap kong sinasabi ni Rinz na binalik niya. Nasa side table ito at sa malayo palang ay alam kong yun na dahil wala naman akong ibang box na maliit bukod dito. Darl blue ito at kapansin pansin ang crescent moon sa gitna na nagsisilbing disenyo nito na nagbibigay kinang sa kahon.
Sino kaya ang nag mamay ari ng kahong ito?
Sigurado ako na importanteng bagay ito at kailangan ng makuha ng may ari. Nang maalala ko na may nag mensahe sa akin ay kinuha ko ang phone ko at ini-scan lahat ng inbox message.
Nasa dulo ito at nag iisang walang registered name. Binasa ko pa muna ang nag iisang mensahe bago pina katitigan ang kahon na ngayon ay hawak hawak ko na.
Walang ibang nilagay sa mensahe kundi ang salitang give it back' pano ko naman malalaman kung ano ang isasauli ko kung ganon? Kung sino man ang taong ito ay nasisiguro kong matalino siya dahil alam niyang nasa akin ang bagay na pag aari niya at isa lang ang bagay na meron sa akin kundi ang bagay na hawak ko ngayon.
Pero paano naman napunta sa akin ang bagay na ito?
Sinubukan kong tawagan ang numero pero hindi ko ito sinagot. Ni re-reject niya ang tawag ko. Inulit ko pa pero nag ri-ring lang ang telepono ng kung sino mang tao na yun at hindi sinasagot ang tawag. Naisipan kong mag message baka sakaling sa puntong ito ay rereplayan niya.
Habang hinihintay ang kaniyang reply ay tiningnan ko ulit ang maliit na kahon. Napaka eligante nito tingnan at halatang pag aari ng isang lalaki. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kahon, sa likod na parte ng kahon ay may kung anong nakasulat.
"Where are you going?" Bungad na tanong sa akin ni Rinz ng makalabas ako sa aking silid. Nakabihis din siya kaya halatang may lakad din.
"I have to return it back" ipinalita ko pa sa kaniya ang maliit na kahon na hawak ko. May pagtataka ang tingin niya sa akin, bago nagsalita.
"To whom? You don't even know who's the owner of that thing..." seryoso niyang paliwanag, nanatili ako sa puwesto ko dahil sa sinabi niya. Tama siya, hindi ko alam kong sino ang may ari pero may balak akong isauli. Hindi pa kasi ako nakatanggap ng tugon sa mensaheng pinadala ko kaya naisipan kung lumabas.
"Ano namang gagawin ko dito kung ganon?" Mataray na tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga nalang siya bago naglakad pababa.
"Just keep it for now, sa ngayon samahan mo muna ako" dire-diretsong ani niya habang naglalakad. Sinundan ko naman siya ng nagtatakang tingin bago sumunod.
"And why would I do that?"
"You don't have your car with you, paano ka aalis?" Nahinto ako sa pagsunod sa kaniya ng sabihin niya yun, pati siya alam na hindi ko dala ang kotse ko pauwi nung isang gabi?
Pero bakit ako? Hindi ko alam?Nang napansin niyang nahinto ako at hindi nakapag salita ay tumingin siya sa akin. "Huwag mong sabihin na hindi mo alam?" Dagdag niya hawak ang kaniyang car keys, umiling lang ako bilang tugon. "How pathetic! You are Ely..." wala na siyang ibang sinabi tsaka siya padabog na dumeretso sa garahe at maya maya ri'y pina harurut ang sasakyan palayo.