chapter 10
➳ Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.oldMaessy's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa next subject namin kung saan sa Comlab gaganapin. Kanina ko pa tinatawagan si Scar pero takti-naman't nakailang missed calls na ako ay hindi parin siya sumasagot maski mag text man lang.
Madadaanan ko ang canteen papuntang comlab ganun rin ang library kaya minadali ko ang aking paglalakad. Didiretso na sana ako sa aking matuling paglalakad ng biglang namataan ko sa di kalayuan ang babaeng kanina ko pa hinahanap na kalalabas lang ng library sapong sapo ang ulo nito.
Oh god' anong ginagawa ni Scar sa library? Wait-what just happened to her?
Sa aking pag aalala ay naisipan kung lumapit sa kaniya pero naudlot na namna ng mamataan na naman ang isang lalaking kakalabas lang din sa library na tila may hinahabol palabas.
Wait—what? Siya yung lalaking nakaharap ni Scar.. pero bakit parang may hinahabol siya, I mean—-oh god' is she following Scarlet?!"
Ayaw kung isipin ang mga katagang namuo sa aking isipan pero may kung anong nagtutulak sa akin na sumunod sa kanila.
Hindi ko napansin na tinatahak ko na pala ang daan kung saan nakasunod ako sa lalaking mukhang may sinusundan and I'm pretty sure na sinusundan niya si Scarlet—pero bakit naman?
Huminto ang lalaki sa paglalakad kaya nagtago ako sa di kalayuang padir para hindi nila ako makita.
Nakita ko rin sa di kalayuan si Scar na huminto rin sa paglalakad dahil na corner siya. Dahil wala ng nagawa ang aking kaibigan ay dahan dahan itong tumalikod at humarap sa lalaki.
"What do you want?" Gumaralgal ang boses ni Scar na para bang nagpipigil sa mga nagbabantang luhang papatak anumang sigundo. Kausap niya ang lalaki.
"Alam kong natatandaan mo ako"
May diin na pagkakasabi ng lalaki."Why is it hard for you to understand na hindi kita kilala—ni hindi matandaan?" Nakataas ang boses ni Scar na tila ipinaintindi ang kausap.
What just happened between them?
Ano bang nangyayari sa lalaking ito na pilit ipina alala kay Scar? Is he even crazy?"I know there's something bothering you right now....so please remember! Remember everything?!" Sumisigaw na sagot ng lalaki kay Scar.
Dahil sa sinabi ng lalaki ay nasapo ni Scar ang kaniyang noo at tila nahihilo.
Lalapit na sana ako nang magsalita si Scar."Bakit? Maibabalik mo ba ang lahat sa dati— kong sasabihin ko sayong natatandaan ko na!?" Nagitla ako sa sinabi ni Scar at hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
Is it true? Na natandaan na niya lahat? But bakit parang matagal na ata nabalik ang kaniyang ala ala sa kaniyang pagkakasabi.
"Masaya kana? Na ngayo'y nabalik na ang ala ala kong matagal ko na palang hinihiling na mawala ang memorya ko't makalimutan siya!? at ngayong nabalik na ng mga memorya ko ay sana pala! Hindi ko nalang natandaan lahat!?" Seryosong ani Scar na puno na ng galit. Hindi nakasagot ang lalaki bagkos natigilan din sa sinabi ni Scar.
"What do you mean!?"
Takang tanong ng lalaki. Umiling si Scar at nagulat ako sa realsiyon niya. Nakangisi ito na tila nauubusan na ng pasensya, ngayon ko pa lng napansin na umiiyk siya dahil sa gumagalaw niyang balikat."Ano pa bang gusto mong malaman?! Gusto mo bang malaman na, minahal ko ang taong alam kong hindi rin tatagal ay iiwan ako?" Naiiyak na dagdag ni Scar habang naka luhid na ngayon sa sahig.
Hindi ko siya malapitan, natatakot ako—merong nagsasabi sakin na gusto ko pang marinig ang iba pang sasabihin niya.
"What do you mean? Hindi kita maintindihan" Nagtatakang tanong ng lalaki, na ngayo'y hindi gumagalaw sa kaninng kinatatayuan.
Mas lalong nangunot ang noo nito ng makita niyang ngumisi si Scarlet.
Parang hindi ko na siya kilala ngayon....
"Asher Evans.... what a great pretender" nakangising bulong ni Scar pero rinig na rinig ko parin dahil sa tahimik na paligid.
Marahil ay nagsisimula na ang mga klase ngayon.
"Alam mo na hindi ko siya tunay na kapatid?" Nagtatakang tanong ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kausap niyang babae.
"Nasan siya kung ganun!? Please Scarlet tell me where the hell my brother is?" Tila maiiyak narin na dagdag ng lalaki nagsusumamong sagutin.
"Ikaw na mismo ang nagsabi hindi ba? Hindi mo siya tunay na kapatid kaya malamang... bumalik na siya kung saan siya nanggaling" nakangising paliwanang ni scar.
Nakaka oanibago ang inaakto ni Scar ngayon. Hindi ko maintindihan bakit? Ni hindi ko nga kilala ang Asher na sinabi niya pero parang narinig ko na ang pangalan na yun noon.
"Pero bakit? Bakit...." naiiyak naring ani lalaki. Mahihita sa kaniya na pinipigilan niya ding maluha.
"Matagal kaming nagkaroon ng relasyon, at walang nakakaalam tungkol roon maski malapit kong kaibigan. Dahil alam kong darating ang panahon na iiwan niya din ako. At yun ay nangyari nga, tinupad niya ang huli kong kahilingan bago niya ako iniwan"
"Yun ba ang pagkawala ng yung memorya?" Diretsahang tanong nang lalaki na sa pagkakataong ito ay tiningnan siya ni Scarlet na tumatango.
"Kumakailan lang bumalik ang aking memorya, pero wala akong pinagsabihan at ngayong nagbalik na nga ay mukhang pinagsisihan kong nagbalik pa"
"Bakit kailangan niyang umalis!?"
"Dahil hindi naman ito ang mundong kinabibilangan niya...." nahinto ako lalo ng sinabi ni Scarlet yun.
What did she just mean with that? wala akong maintindihan.
"Babalik pa siya diba? Sabihin mo Scar babalik pa siya diba!?" Naiiyak na tanong ng lalaki.
"Babalik... pero hindi na siya—kung sino man siya noong kilala mo siya.." parang iiyak n ng dugong aning Scar dahil sa lungkot na nararamdaman niya. Nakaka awa siya pero hindi ko siya pwedeng lapitan ngayon. "Babalik siya bilang tao—-ibang tao..."
Napaluhod ang lalaki at sapo ng buong mukhang umiiyak. Tumalikod si Scar at may sinabing.
"I love you to the moon and back' ang huling katagang sinabi niya sakin bago niya ako iniwan."
To be continued