chapter 8
➳ Rincè Yi "Rinz" Wang 19yrs.oldRinz's POV
Gaya ni Mess ay napansin ko ring hindi pa nakakabalik si Scar kaya sinundan ko rin siya. Nakita ko nang pumasok si Mess para alalayan ang kaibigan, nagtago ako sa padir para hindi nila ako makita ng maka labas sila sa silid.
May napapansin kasi ako sa lalaking nakaharap ni Scar kaya agad ko siyang sinundan at napagtanto kung palabas siya ng Canteen. Hanggang sa narating naamin ang tago na lugar sa loob ng campus.
"Why are you following me?"
Agad na tanong ng lalaki nang mapansin nitong nakasunod ako sa kaniya."Who are you?" Tanong ko din sa kaniya.
"Ikaw, sino ka?"
Pabalik din na tanong niya habang naka ngisi.Gago lang...
"Wag mo nga akong tino-talkshit..."
Sarkastiko kong ani. Nanatiling nakatalikod parin ang lalaki ngayon sakin."Kilala mo si Scar hindi ba?" Dagdag ko ng hindi siya sumagot na ikinatigil niya.
"What are you talking about?"
Aligagang tanong na-naman nito.Sinungaling,Alam kong kilala mo siya....
"Matagal na kitang napapansin na sinusundan mo ang kaibigan ko"
"Ano naman ngayon sayo?"
Nakakalokong ngisi ang sagot nito.Dahil sa nakakainsultong sagot niya ay agad ko siyang sinugod at pinaliparan ng suntok na ikina putok ng labi niya.
"Kung ano mang pina plano mo sa kaniya. I'm telling you... you'll going to regret it"
Seryosong ani ko na ngayo'y hawak hawak ang kwelyo niya, wala man lang pinagbago ang hitsura niya. Kaya agad ko siyang binitawan.Tibay...
Wala siyang naisagot bagkos masama ang tingin niya sa akin at agad tumakbo palayo.
Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa afternoon class. Nang marating ko ang silid ay nagsisimula na ang klase kaya agad akong pumewesto sa upuan ko.
"Why are you late Mr. Wang? I think I deserve an explanation?" Naiangat ko ang tingin ko ng magsalita ang malditang lecturer namin na ngayo'y na sa akin na ang tingin gayun din ng aking mga kaklase.
Ang kaninang papaupo na sana ako ay nakatayo na ngayon.
"Sorry Ms.Ta"
Wala na akong ibang sinabi pa dahil alam kong kahit anong paliwanang ko ay hindi parin titigil ang bibig nito."Thats it? Is that what you call an explanation Mr. Wang?"
Hawak hawak niya ngayon ang kanyang pointer na ini patong pataas-pababa sa kanang palad."Yes Ms.Ta"
"Aba-aba... malaki ang paghanga ko sayo Mr.Wang dahil ikaw ang topnotcher ng klaseng ito, kaya bibigyan pa kita ng tyansa"
Ini angat pa niya ang kaniyang makapal na salamin."Thank you po, Ms.Ta"
"Okay you may take a seat"
Dagdag pa nito na sinunod ko naman at tsaka niya itinuloy ang pag di-discuss.